Chapter 6: Inloved

272 6 0
                                    

Bandang hapon na nung maka labas na Ako sa k'warto nila mama. At ngayon ay nandito na kami sa aking k'warto.

Yes. Kami. Dahil Kasama ko sa aking K'warto Yung dalawang multo na Nakita ko sa kwarto nila mama.

And speaking of mama. Hanggang ngayon ay Hindi ko parin siya nakikita. Nag linis lang sandali nawala na agad. Tss.

"Ano nang gagawin natin?" Nabalik Ako sa ulirat nang dumaan sa aking harapan Ang Isang Modelo na may perpektong hubog nang katawan. Ahh! Nakaka Inloved!

"Malamang Wala na." Sagot ni Shun sa kaniyang ate na Hindi kopa alam Ang pangalan. Kung mag-usap Sila parang Wala Ako sa harapan nila. Grabe.

"Ano pa nga ba." Nag pakawala nang isang malalim na buntong hininga Ang kaniyang ate Bago pumamewang Saka tinuro si Shun na prenteng naka upo sa lamesa ko malapit sa kama.

"Napaka pangit mo kasing umarte! Kung umarte ka para kang natatae na umuungol!" Reklamo nang kaniya ate habang naka lobo Ang mga pisngi nito na mas lalong nag pa-cute sa kaniya.

Binalingan ko naman si Shun na mukhang nagulat sa sinabi nang ate Nya at napansin ko din na namumula Ang kaniyang mga pisngi maging Ang kaniyang mga Tainga. Ang cute.

Ilang sandali muna nag karoon nang katahimikan Bago naka bawi si Shun Mula sa kaniyang pag kakagulat dahil sa sinabi nang kaniyang ate.

Nagulat kami nang piglang tumawa nang pagak si Shun habang hinahawi Ang kaniyang buhok nang Isa niyang kamay sabay tingala habang naka tingin sa Amin.

"Masyado Kasi akong g'wapo para um-acting bilang Isang multo." Anito na Hindi ko na kokontrahin.

Totoo Naman Ang Sinabi Niya. Masyado siyang g'wapo para maging Isang multo. Kung Ako Ang tatanungin mas gugustohin ko pa siyang maging tatay nang magiging anak Namin kung maaari lang.

Nawala Ako sa aking pag papantasya nang biglang binato nang ate Niya si Shun nang unan sa mukha na agad Naman nitong na salo. Ngumisi si Shun na siyang nag patalbog sa aking puso.

Jusko! Hindi na normal 'to. Masyado na akong nai-inloved Kay Shun.

Nabalik Ako sa aking sarili nang ibalibag din ni Shun Ang unan sa kaniyang ate na nasa aking harapan. Ngunit imbis na saluhin nung ate Niya Ang unan na ibinato ni Shun ay iniwasan nalang Niya ito dahilan upang Ako Ang maka sapo.

Sabay Naman silang napa tigil sabay lingon sa akin dahilan nang kanilang pagka gulat.

Nabitiwan ko Ang unan na hawak ko sabay hawak sa aking mga pisngi nang maramdaman ko Ang pag init nang mga ito.

Grabe Naman Kasi, sobrang Ganda at g'wapo nilang dalawa. Sino namang Hindi kikiligin pag Nakita Ang dalawa na ito. Grabe Ang taglay na kagandahan nang magka patid na ito.

"Muntik ko nang malimutan, may Kasama panga pala Tayo Dito." Nasaad nalang nung ate ni Shun sabay kamot sa kaniyang batok. Nag lakad ito papalapit sa akin sabay lahad nang kaniyang kamay.

"Ako si Shell, kapatid ni Shun Yung lalaking gwapong-g'wapo sa sarili N'ya." Naka ngiting pakilala nung ate ni Shun na Shell pala Ng pangalan.

Agad ko namang tinanggap Ang kaniyang kamay Saka nakipag shake hands. Nginitian lang Niya Ako habang naka hawak parin sa aking kamay.

Napa Yuko Naman Ako sa hiya dahil sa sobrang Ganda Niya. Grabe Naman Kasi!!

"A-ano... Um Yung pangalan mo." Nabalik Ako sa aking sarili saka nababalisang nag Angat nang tingin.

"A-ah! Oo nga pala! S-sorry!" Pag hingi ko nang tawad sa kaniya. Napa tawa Naman ito nang mahina na mas nag paganda sa kaniya.

"T-teka! A-ano nga ba Ang pangalan ko? Teka... Nalimutan ko!" Napa bitiw Ako sa kaniyang kamay sabay hawak sa aking ulo dahil Hindi ko matandaan Ang aking pangalan.

Ano nga bang pangalan ko?!?!

Naka limutan ko na! Lagot Ako nito!! Teka lang! Time out muna!!

"Mhaya.."

Napa tigil Ako sandali sa pag-iisip Saka napa tingin Kay Shun nang bigla siyang mag salita.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

"Mhaya Ang pangalan mo." Anito sabay ngiti sa akin na siyang nag patalon sa puso ko. Napa hawak Ako sa aking dibdib upang pakalmahin Ang aking sarili. Ngunit Hindi ko magawa Kaya't tanging pag tango nalang Ang aking nagawa.

Grabe Hindi ko alam kung Ano nang nangyayari sa aking sarili. Masyado na akong natutuwa sa mga nakikita nang aking mga biniyayaang mga Mata.

Napaka g'wapo at Ganda talaga nang mag kapatid na 'to. Pero Ang mas kumuha nang aking atensyon ay si Shun na tumatawa habang nakikipag biruan sa kaniyang ate.

Pero nag tataka Ako, bakit nandito pa Sila? Hindi paba Sila pinapaakyat sa langit kaya Sila nandito parin? Or baka Naman may nalimutan Sila?

Pero Hindi p'wede! Paano na Ako kung sakaling umakyat na Sila sa langit? Hindi Kona Makikita si Shun!

Napa kagat Ako sa aking pang ibang labi sabay tingin sa mag kapatid na parehong nag tatawanan habang nag bibiruan. Medyo naka ramdam Ako nang pagka inggit sa kanilang dalawa.

Sana may kapatid din Ako.

Nasabi ko nalang sa aking isipan dahil sa inggit na aking nararamdaman habang Ako ay naka tingin sa kanilang dalawa.

Napa Yuko Ako nang aking ulo Saka Ako napa kuyom nang aking mga kamao. Hindi pwede itong nararamdaman ko. Masyado na akong naiingit sa kanilang dalawa.

Muli akong nag Angat nang tingin sa kanila Hanggang mapukol any aking atensyon Kay Shun na Ang lawak nang pagkaka ngiti. Muli akong napa hawak sa aking dibdib nang muling bumilis Ang tibok nang aking puso.

Hindi pwede 'to. Nahuhulog na Ang Loob ko sa magkapatid na ito. At Ang malalapa ay pakiramdam ko nag kakagusto na Ako Kay Shun.

Masasabi Kong biniyayaan nang kagandahang pigura Ang mag kapatid na ito simula ulo Hanggang paa. Idagdag mopa Ang mabait at maganda nilang pag-uugali.

Napatunayan Kong mabait Sila habang tumatagal na nakakasama ko Sila Dito sa aking silid. Napa kuyok Ako Muli nang aking kamoo na nasa aking dibdib.

"A-ano..." Pag agaw ko sa kanilang atensyon. Sabay Naman silang napa baling sa akin na siyang nag painit sa aking mga pisngi.

"Gusto ko sanang malaman kung-" Hindi pa Ako tapos sa pag sasalita nang biglang bumukas Ang pintuan nang king kwarto.

"Mhaya kanina pa kita hinahanap. Kakain na Tayo bumaba kana doon sa kusina." Biglang sulpot ni mama. Tumango nalang Ako Bago umalis si mama.

Muli Naman akong napa baling sa mag kapatid nang mapansin Kong Wala na pala Sila. Umalis siguro nung dumating si mama.

Wala na akong nagawa kundi Ang tumayo at sumunod Kay mama sa may kusina.

Habang nag lalakad Ako papunta sa kusina ay Muli Ako napa hawak sa aking dibdib.

Hindi na pwede ito! Masyado nang nahuhulog Ang Loob ko Kay Shun!

Ano ba?!?!!!

Author's Note:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now