Chapter 7: Stupid

241 4 0
                                    

Kakatapos lang Namin kumain at naiwan Ako Dito mag Isa sa kusina. Nag paiwan na Ako upang mag ligpit nung mga Pinga kainan Namin. Pinag pahinga Kona din Sila mama. 'Di pa Naman Ako inaantok kaya okay lang sa akin na nandito.

Maingat Kong pinag patong-patong Yung mga plato Saka maingat itong inilapag sa lababo. Sunod Ang mga baso at pagka tapos ay pinunasan Kona Ang lamesa.

Habang nag pupunas Ako nang lamesa ay lumulutang Nanaman Ang utak ko sa kung saang lupalop Nanaman nang ulo ko. Nalulutang Nanaman Ako. Napa buga nalang Ako nang hangin saka nag patuloy sa pag pupunas.

"Ang sipag po Naman."

Halos tumaob Ako Mula sa pagkaka tukod sa lamesa dahil sa gulat nang may biglang mag salita sa gilid ko.

Gulat ko itong binalingan nang tingin Hanggang sa Makita ko si Shun na nag pipigil nang tawa habang naka lutang at naka indian seat pa sa ere.

Napa kurap-kurap Ako sa aking Nakita Saka napa atras papalayo sa kaniya. Napansin ko Naman na nag tataka siya habang naka tingin sa akin.

"Bakit?" Kunot noo nitong tanong sa akin.

Napalunok muna Ako Ng ilang beses at Saka dahan-dahan siyang tinuturo na mas lalong nakapag pataka sa kaniya.

"P-paano ka nakakalutang sa hangin?" Gulat na gulat Kong tanong sa kaniya, Samantalang siya ay tila nalilito parin sa aking naging tanong sa kaniya.

"P-paano?" Muli Kong tanong sa kaniya nang biglang umikot Ang kaniyang mga Mata.

"Tanga Kaba? Malamang kaluluwa na ako."

Mag halong pagka bagot sa kaniyang boses nang sumagot siya. Sa sinabi niyang iyon ay tila medyo nagising Ako. Oo nga pala multo na nga pala siya kaya pu-pwede siyang maka lutang sa ere.

Napa kamot Naman Ako sa aking batok Saka napa tawa nang may pagkailang. "Hehe, oo nga pala. Sorry." Nasabi ko nalang Saka muling nag patuloy sa pag liligpit.

Matapos ko sa lamesa ay lumipat Naman Ako sa lababo Saka nag simulang mag hugas nang aming mga pinag kainan. At katulad kanina ay lumulutang Nanaman Ang aking isip.

"Tanga, baso ang unahin mo Hindi Tupperware."

Nabalik Ako sa aking ulirat nang Muli Kong marinig Ang kaniyang boses. Napa tingin Ako nang maigi sa hawak ko at Tupperware pala Ang inuuna ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba nalulutang Ako nang ganito? Siguro ay nakulangan lang Ako nang tulog kaya nalulutang Ako at kung Ano-ano na tuloy Ang nagagawa ko na katangahan.

Binitiwan Kona Ang Tupperware na hawak ko Saka inuna Ang baso pagkatapos ay sinunod ko Ang mga kutsara at pagkatapos ay Ang mga plato. Pagka tapos Kong sabunin ito ay binanlawan kona nang dalawang beses.

Matapos Kong banlawan ay aalis na sana Ako nang Muli Nanaman siyang mag salita.

"Sira! 'Yung Tupperware pa. Inuna mo nga 'yung baso kinalimutan mo Naman 'yung Tupperware." Anito na nakapag patigil sa akin.

"Tanga." Pahabol pa nito.

Parang pumitik Naman Ang ugat ko sa ulo sa huling sinabi Niya.

G'wapo nga masyado namang matalas Ang tabas nang dila. Kung ano-anong lumalabas sa bibig Niya.

Binalingan ko siya Saka siya tinaasan nang kilay at Saka pumamewang. "Nag pakita ka lang ba sa akin para asarin Ako at para matawag Ako na 'tanga' huh?" May halong pag tataray Kong tanong sa kaniya.

Tinitigan lang Ako nito nang direkta sa aking mga Mata habang walang ibang emosyon na pinapakita. T-teka lang nakakailang pala Ang tumitig sa mga Mata nang isang g'wapo.

"A-anak?? S-sino ba 'yang kausap mo? Okay ka lang ba? B-baka gusto mong tumawag na kami nang doktor?" Mabilis akong napalingon kanila mama na nag tatago sa likod ni papa na parang naguguluhan din sa akin.

Napa takip Naman Ako sa aking bibig Saka muling napa lingon Kay Shun na tawa nang tawa ngunit tila Hindi siya naririnig nila mama at tanging Ako lang Ang nakakakita at nakakarinig sa kaniya.

"H-hindi napo mama! HAHAHA! N-nag pa-practice lang po Ako mag drama. S-s'yempre Malay nyo Diba, baka mag audition Ako bigla para maging Isang artista. HAHAHA." Awkward akong tumawa sa kanila habang pilit na nag pipigil nang inis Dito sa Kasama Kong multo.

"Ahh, Akala Kasi Namin nang papa mo nababaliw kana Kasi kinakausap mo Ang sarili mo." Ani mama sabay paalam na matutulog na daw Sila.

Naka hinga Naman Ako nang maluwag nang maka Alis na Sila Saka muling bumaling sa Kasama Kong multo na naka ngisi nang mapangasar sa akin.

"Tigilan mo nga Yan." May halong inis Kong Saad Saka binalikan kona Yung Isang Tupperware na naiwan ko kanina.

Napa nguso nalang Ako sa inis habang hinihugasan Yung Tupperware. Nakakainis Naman Kasi! Napag kamalan tuloy Ako nila mama na nababaliw dahil sa walang hiyang g'wapong multo na may matalas na tabas nang dila na Kasama ko.

Palihim ko siyang pinagmasdan gamit Ang gilid nang aking mga Mata at kita Kona ganoon parin siya at naka lutang sa ere habang pinapanood akong mag hugas nang Tupperware na favorite Niya.

"Baka Naman malunod na 'yung Tupperware." Aniya na nakapag pabalik sa aking sarili.

Napa iling nalang Ako Saka tinapos Ang ginagawa at Saka nag punas nang basang kamay.

"Tss! Tanga talaga." Rinig Kong wika nito. Napa igting Ang aking panga sa pag pipigil na wag muna siyang sagutin dahil baka marinig Nanaman Ako nila mama na nag sasalita Dito at akalain Nanaman nilang mag-isa Ako dahil sa multong ito.

Matapos Kong mag punas nang aking mga kamay ay nag punta na Ako agad sa aking kwarto. Napansin Kong nawala na siya at Hindi na siya sumusunod sa akin Kaya't naka hinga Ako nang maluwag.

Makaligo na nga muna para presko.

Pagka pasok ko sa kwarto ko ay kumuha Ako agad nang mga damit at Saka dumiretso sa banyo upang maligo. Sandali lang akong naligo dahil medyo malamig Ang tubig at Gabi narin Naman.

Matapos Ang Ilang minutong paliligo ay lumabas na Ako nang banyo na naka bihis. Pag labas ko ay halos atakihin pa Ako sa puso nang maabutan ko si Shun na naka talikod sa akin habang siya ay naka harap sa bintana at naka tanaw sa bilog na bilog na maliwanag na buwan.

Dahan-dahan Naman akong nag lakad papalapit sa aking kama Saka naupo Dito at pinagmasdan siya.

Tahimik lang Kaming dalawa Hanggang sa sirain Niya Ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa gamit Ang isang tanong na Hindi ko inaasahang itatanong Niya ngayon.

"Alam Mona ba Ang kwento kung bakit kami namatay?" Bigla nitong tanong na Hindi ko agad nasagot.

Parang nakaramdam Naman Ako nang kirot sa aking dibdib nang marinig ko sa unang pag kakatanon Ang kaniyang tinig na may bahid nang lungkot.

Ngunit Hindi pa pala iyon Ang mas nakakalungkot. Halos mawasak Ang aking puso nang lingunin Niya Ako at kitang kita mismo nang aking mga Mata Ang kaniyang mga Mata na walang Buhay ngunit nababalot nang kalungkutan. Maging Ang Ilang butil nang luha na kumawala sa kaniyang mga Mata.







Umiiyak s'ya.



*****
Author's Note:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now