ANRIE
Nagising ako dahil sa pagkatok ni mommy sa pinto ng kwarto ko. Naimulat ko ang aking mga mata at saka ko itinuon ang paningin ko sa pinto.
“Anak! Gising na! Malelate ka na,” paulit-ulit na sabi ni mommy habang kumakatok siya. I tried to get up pero wala akong lakas para kumilos. Ang bigat ng katawan ko at ang sama-sama pa ng pakiramdam ko.
Nagsimulang umiyak si Grame na nasa crib niya kaya sinubukan ko ulit na tumayo, pero tulad ng kanina ay wala talaga akong lakas na gumalaw. My whole body is tired and lazy.
Bumukas ang pinto at pumasok si mommy. “Anak?” tawag niya sa akin at saka niya ako nilapitan. “Ok ka lang ba?” tanong niya. Dinampi niya sa noo ko ang palad niya to check my temperature. “Ang init-init mo,” komento niya pagkatapos.
Napahinga ako ng malalim. Ang init nga ng hininga ko at pati ang mata ko ay sumasakit na rin dahil sa init, gusto ko tuloy na pumikit nalang ulit.
“Mom!” pilit kong tawag sa kanya. Kahit na ang magsalita ay nahihirapan na rin akong gawin. My throat hurts so bad. “Pa-pakigawan nalang po ng milk si Grame,” buong lakas kong pakiusap sa kanya. Umayos ako ng higa at saka tinakpan ang sarili ko ng kumot. Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko!
“O sige, magpahinga ka na muna. Dadalhin ko na muna si Grame sa kwarto namin ng daddy mo, ok? Baka mahawa ang bata eh.” I slowly nod my head at nilingon ko ulit siya.
“Opo mom. Kayo na po muna ang mag-alaga kay Grame. Masama po talaga ang pakiramdam ko.” Ngumiti si mommy. Hinila niya ang comforter na nasa paanan ko at kinumutan ako. Lumapit naman siya sa crib ni Grame pagkatapos at kinuha ito.
“O sige. Babalik ako agad, dadalhan kita ng gamot at sopas.”
“Opo mom.” Lumabas na si mommy at baby Grame kaya ipinikit ko na ulit mata ko. Matutulog na muna ako ulit.
Nagkasakit ako dahil nagpaulan kami ni Tuff kahapon. Siya kasi eh, hinila-hila pa ako sa ulan kaya ito tuloy—may sakit ako ngayon. Sana maging okay na agad ako para maalagaan ko na ulit si baby Grame.
Naimulat ko ulit ang aking mata nang muling bumukas ang pinto.
“An, kumain ka muna,” sabi ni mommy. Nilapitan niya ako at saka inalalayang makaupo.Ang sama talaga ng pakiramdam ko kaya kahit konteng galaw lang ay nahihilo na ako. Ang lamig lamig pa pero kapag nagdikit naman ang mga balat ko ay nakakaramdam naman ako ng sobrang init, napapaso ako.
“Mom, wala po akong ganang kumain,” nanghihina kong sabi. Hindi ko na nga magawang tingnan siya.
“Sige na, kumain ka na kahit konte.” Sinubuan pa ako ni mommy ng soup kaya wala na akong nagawa kung ’di ang kumain. Pero nang masubo ko ito ay agad akong napangiwi. Bakit ganito ang lasa ng soup ni mommy? Ang pait!
KAMU SEDANG MEMBACA
Be My Daddy (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance | General Fiction | Short Story Highest Rank Achieved: #15 in General Fiction Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nasasaktan. Pero hindi lahat tayo dapat mag-give up, kasi lahat naman tayo deserve ang second chance. Isang mab...