Genre: Romance | General Fiction | Short Story
Highest Rank Achieved: #15 in General Fiction
Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nasasaktan. Pero hindi lahat tayo dapat mag-give up, kasi lahat naman tayo deserve ang second chance.
Isang mab...
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
ANRIE
Nine months passed. Parang ganoon din katagal noong pinagbubuntis ko pa si Grame, but this time ay mas mabilis nang lumipas ang 9 months na ito. Parang kahapon lang nang mangyari sa akin ang hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko at noong dumating sa buhay ko si Grame. Ngayon, Grame is one year old. Nakakapagsalita na, at tumatakbo na. Ang hirap na nga niyang alagaan dahil nagsisimula nang maging makulit. Pero kahit mahirap, okay lang dahil nandiyan na rin naman si Tuff para tulungan akong alagaan ang anak namin.
Napahiga ako ng dahan-dahan sa kama para hindi ko magising si Grame. Ang hirap kasi nitong patulugin, baka kapag nagising hindi na ulit matulog. I was about to close my eyes when suddenly, my phone rang. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tumatawag. Baka magising pa ang anak ko.
“Hello?” pabulong kong sabi. Hindi ko nga alam kung sino itong tumatawag dahil sa pagkataranta ko. I don’t want to wake up my son.
(“An, tulog ka na?”)
“Tuff?” Tiningnan ko pa ang caller’s ID para masiguradong si Tuff nga ito. “Ba’t ka napatawag?” Napatingin pa ako sa alarm clock sa side table ng kama ko to check the time. Late na pala pero bakit hindi pa siya natutulog?
(“Gusto ko lang sanang mag-good night kay Grame.”) Napatingin ako kay Grame pagkarinig ko noon.
“Tulog na si Grame eh,” sabi ko.
(“Ah, ganoon ba?”)
“Puntahan mo nalang siya bukas, tiyak na matutuwa siya kapag nakita ka niya ulit.”
(“Okay.”)
Natahimik kami sandali kaya napahikab ako. “Tuff, late na. Tulog na tayo. May pasok pa tayo bukas.” Ibababa ko na sana ang telepono nang bigla na naman siyang nagsalita.
(“An, sandali.”)
“Bakit?” inaantok ko na talagang sabi.
(“Magpakasal tayo bukas.”) Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya.
“Ha?” Did I heard it right? He just said na magpapakasal kami, diba?
(“Pakasal tayo bukas,”) aniya. Napabangon tuloy ako nang marinig ko na ito nang mas maayos ngayon.
“Pa-Pakasal?” Nagbibiro ba siya?
("Yeah, tomorrow. Magsuot ka ng puti at magpapakasal tayo.")
"Teka Tuff. Ano ba yang pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magbiro."
("Basta, bukas. Good night An. Sweet dreams. I love you.")
"Tuff!" I called pero hindi na siya nagsalita ulit. Narinig ko nalang na ibinaba na niya ang phone niya.
Inilapag ko sa side table ko ang phone ko at tiningnan si Grame sa tabi ko na natutulog.