CHAPTER 10: The Visit

8.4K 221 2
                                    

ANRIE

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

ANRIE

Akala ko ay hindi na talaga ako kakausapin ni Tuff that day. Umiwas kasi siya nang magkasalubong kami sa may cashier pero nagulat ako nang lumapit siya sa amin habang kinakausap ko si Judy and Sydney nang pauwi na kami ni Harry.

“Dalhin mo naman si Grame. Namimiss na namin siya eh,” nakangiting sabi ni Judy sa akin. Simpleng napangiti lang ako.

“Hindi ko pa madadala si Grame eh.” Napapout sina Sydney nang sinabi ko iyon.

“Sayang naman,” Sydney said sadly.

"Don't worry. Pwede naman niyong bisitahin si Grame sa bahay." Napangiti agad ang dalawa nang sinabi ko iyon.

"Really?" Sydney excitedly grab my hands at nagsimulang magtatatalon.

"Oo naman," I said at pinahinto ko siya sa pagtalon niya. I grab her hand and Judy's too. "Kung hindi naman dahil sa inyo ay hindi ko maipapanganak nang maayos si Grame. Thank you girls."

"An..." They both pouted at agad akong niyakap.

"An." Napabitaw ako sa  pagkakayakap sa kanila at nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Yes?" Natigilan ako nang si Tuff ang nakita ko. Ang akala ko talaga ay si Patrick ang tumawag sa akin—hindi pala.

"Pwede ba kitang makausap?" Diretso ko lang siyang tiningnan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya lalo na't ngayon lang ulit kami nagkita after nang panganganak ko kay Grame.

Hindi ko alam kung galit pa rin ba ako sa kanya. Sa loob ng ilang buwang nawala kami ay pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang isipin, nagfocus ako nang mabuti sa pag-aalaga sa anak ko at sa tingin ko'y nagawa ko rin naman iyon.

"An, pwede ko bang makita si Grame?" He asked nang hindi ako nagsalita. Hindi ulit ako nakasagot. Napahinga ako nang malalim nang hindi ko na nakayanan ang pagsikip ng dibdib ko.

Dapat ko bang ipakilala si Grame sa kanya? Hahayaan ko ba siyang tumayong daddy ni Grame? Kailangan ko na ba siyang patawarin ngayon? Ano ba ang dapat kong gawin?

"Please An," he plead. Napatingin ako kay Harry to asked for help but he simply shrug. Sinimangutan ko nalang siya at hinarap ko ulit si Tuff.

Well, ok lang naman sa akin na makita niya si Grame, after all he's Grame’s father. Pero ang problema ngayon ay nasa pamilya ko, siguradong ayaw nina dad at kuya na makita ni Tuff ang anak ko.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha mula dito ang wallet ko. Binuksan ko ito at kinuha sa loob ang picture ni Grame. Tiningnan ko muna ito at saka ko ito inabot kay Tuff.

Nagtataka siyang napatingin sa akin but I never said anything. Tinalikuran ko na siya at naglakad na pabalik sa kotse ni Harry.

"ANRIE!" Napalingon ulit ako kay Tuff nang tawagin niya ako. Nakangiti siya sa akin habang kinakaway ang kamay niya. "Hindi pa rin ako susuko. Hintayin niyo lang ako ni Grame."

Be My Daddy (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang