Chapter 5: The Lost Kingdom of the Scarlet Despair

401 11 0
                                    

By:little_angel

{¤}>>>Chapter 5: The Lost Kingdom of the Scarlet Despair<<<{¤}

[§]{¿}Headmaster's POV{¿}[§]

Nakita nga namin na nakarating sa Tethoris Kingdom ang mga Prinsipe at mga Prinsessa.

"Headmaster! Nandito napo ang pinakuha niyong libro sa akin!"--saad naman ni Jino na kababalik palang.

"Maraming Salamat!"--saad ko naman.

"Ito ang Aklat ng nawawalang kaharian ng Scarlet Despair!"--saad ko pa.

"Makinig po kayong lahat!"--saad ko sa mga Hari at Reyna ng bawat kaharian pati na ang ibang member ng Student Council.

"Ang Albareth Empire, isa itong emperyo na kung saan ay nakatago ng mahabang panahon at kaylan man ay di ito makikita ng kahit na sino man sapagkat ito ay nasa Ibang ngunit ito ay sakop parin ng Rivaryn at matatagpuan ito sa nagyeyelo at mabuhanging lugar at nahahati ito sa limang bahagi:
Una ay ang HERA ANGUIS, dito nakatira ang mga masasamang bampira at ito ang mortal na kaaway ng mga mabubuting bampira. Ikalawa naman ay ang HERA AZPA, dito naman nakatira ang mga nilalang na may kakayahang kontrolin ang oras o mga time manipulator. Ikatlo naman ay ang HERA WISPU, ang mga nakatira naman dito ang mga nilalang na may kakayahang kontrolin ang panahon at klima maliban sa pagkontrol ng klima ay kaya rin nitong pabalikin ang isang nilalang sa nakaraan o sa hinaharap at mas kilala sila bilang mga Weather Manipulator. Pang-apat ay ang HERA SAMARA, dito naman nakatira ang mga nilalang na may kakayahang manipulahin ang mga lason, mga gayuma at kaya rin nilang manipulahin ang mga nararamdaman ng ibang nilalang. Ang Pang-lima naman ay ang HERA SIAQUIL, ito ang pinakasentro ng boung Albareth Empire at ang pinakamakapangyarihan sa Limang bahagi ng Albareth Empire, ang mga nakatira dito ay gumagamit ng mga Enchantments kaya rin nilang magsummon ng mga dragon o Asteriod kung kaya ay kinatatakutan ang kahariang ito at ito ring kahariang ito ay tinatawag na Scarlet Despair dahil sa namumuno ditong Reyna na si Isghar Bersiron!"---pagtatapos ko sa aking binabasa.

"Bakit ngayon lang namin ito nalaman? Tsaka bakit may aklat ka niyan?"--tanong ni King Silver.

"Ako po ang nagsulat ng aklat na ito!"--sagot ko naman.

"Pano mo nalaman ang mga ganyan?"--tanong naman ni King Dave.

"Nalaman ko po itong lahat dahil sa aking nanay, dahil ang aking nanay ay ang tagapagbantay ng mga lagusan papunta sa iba't ibang dimension minsan na akong isinama ng nanay ko papunta sa Dimension kung saan nakatayo ang Albareth Empire!"--saad ko pa.

"Kung ganon at puntahan natin ang dimension na yan para malaman natin kung totoo ang sinasabi mo Headmaster!"--saad naman mi Queen Liza.

"Cge pero magiingat lang tayo dahil ayon kay nanay ay mahigpit ang namumuno sa Buong Emperyo!"--saad ko pa.

"Cge! Wag lang tayong magpapakita sa mga tao doon, sisilipin lang natin ang kanilang Emperyo!"--saad naman ni King Silver.

"All Zodiac Spirit I summon you!"--bigkas ni King Silver at maya maya pa nga ay nagsilabasan na ang mga Spirit nito.

"Kayo na muna ang bahala sa buong Sarichia at sa Academy dahil may pupuntahan kaming importante!"--saad ni King Silver sa mga Spirit nito.

"Masusunod po Master! Magiingat po kayo sa inyong pupuntahan!"--saad naman ni Libra.

"Ngayon buksan mo na ang dimension papunta sa Albareth Empire!"--utos sa akin ni King silver.

Kaya naman ay agad kong binuksan ang lagusan na papunta sa dimension ng Albareth Empire at nang mabuksan ko na nga ang lagusan ay agad kaming pumasok at pagkalabas namin sa lagusan ay agad kaming nakaramdam ng malakas na enerhiya na bumabalot sa buong emperyo.

The Lost Kingdom of Scarlet Despair(A Powerful Gay Summoner Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon