Chapter 21 The Levelling

246 10 0
                                    

By:little_angel💖

💙💙💙Chapter 21: The Levelling❤💖❤

👑👑👑Lennox POV👑👑👑

Lumipas nga ang isang buwan at ngayon nga ay simula na nang levelling, excited ang mga estudyante sa magagnap ngayon.

"Hindi manlang tayo nakapagsanay ng husto!"--saad ni Jino sa akin.

Nandito kasi kami ngayon sa kwarto namin at nagbibihis na kami dahil ngayong umaga na magsisimula ang levelling.

"Wag kang magalala,tsaka kahit hindi ka nakapagsanay ay malakas ka naman!"--saad ko naman.

"Lennox,Jino tara na lumabas na kayo dyan!"--sigaw ni Sandra labas ng kwarto namin ni Jino.

"Cge, susunod nalang kami!"--sagot ko naman.

Kaya naman ay agad ko nang tinapos ang aking pagbibihis saka ko hinila si Jino papalabas ng kwarto namin at pagdating namin sa sala ay nadatnan namin ang mga kasama namin.

"Ohhh! Lennox at Jino, Hindi naba masakit ang mga bali niyo?"--tanong ni Cynthia.

"Medyo pero kaya namang igalaw kaya makakalaban na ako nito!"--saad ko naman.

"Huh? Hindi pa magaling ang kamay mo?"--tanong ni Jino sa akin.

"Ayos lang yun! Tsaka hindi ko naman ito gagamitin sa laban may isa pa naman akong kamay!"--saad ko naman.

"Tara na lumabas na tayo dahil baka magsisimula na!"--saad ni Wilson.

Kaya naman ay agad na kaming lumabas ng Dorm namin at nakita nga namin na magsisimula na ang levelling.

Nakita ko naman na nandito na sina Mommy at Daddy kasama ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang kaharian at mga Hari at Reyna ng bawat kontinente ay nandito na din.

"Good Morning! Student's ngayong araw ay gaganapin na natin ang levelling ngayong taon pero naiiba ito sa nakasanayan niyong levelling!"--saad ni Headmistress Anya.

Nang marinig yun ng mga estudyante ay nagbulungan ang nga ito at nagtataka kung ano ang magiging levelling ngayong taon.

"Ang Levelling ngayong taon ay mayroong limang bahagi, una ay ang tinatawag na The illusion Circle papasok kayo sa mga bilog at lahat ng makita niyo sa loob ng Illusion Circle ay kalaban kaya magiingat kayo!"--saad pa ni Headmistress Anya.

"Paano po kami makakalabas sa Illusion Circle na yan!"--tanong ko naman.

"Kapag nasira niyo na ang illusion Circle ay saka lang kayo makakalabas ng illusion circle!"--sagot naman ni Headmistress Anya.

"Pero bago namin kayo ipapasok sa mga illusion Circle ay magkakaroon muna tayo ng palabutan, may isang libong kulay ang nasa loob ng bolang crystal na yan at bawat kulay ay mayroong pitong magkakaparehong kung sino ang may magkaparehong kulay na mabubunot dyan sa bolang crystal ay sila ang magkakagrupo sa levelling ngayong taon!"--saad ni Headmaster Rey.

Kaya naman ay umingay naman ang mga kapwa kong estudyante dahil sa hindi nila inaasahan ang magiging set up ng levelling ngayon, kahit ang mga kaibigan ko ay nagulat din.

"Pano kung hindi tayo magkakasama sa iisang grupo?"--tanong naman ni Wilson.

"Oo nga mahal! Dapat magkasama tayo sa isang grupo!"--saad naman ni Jino sa akin.

"Alam niyo kahit hindi tayo magkakagrupo ay dapat gawin niyo parin ang best niyo!"--saad ko naman.

"Kasi naman bat ganito pa ang Set up ng levelling ngayon, tsaka sana tayong lahat nalang ang magkakagrupo!"--saad ni Amirah.

The Lost Kingdom of Scarlet Despair(A Powerful Gay Summoner Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon