By:little_angel💞
{¥}~{¥}~Chapter 24:The Golden Key(part 4 of levelling)😍🥰😍
⚠️⚠️⚠️ATTENTION: MAYROON PO ITONG RATED SPG KAYA SANA PO AY WAG NIYO PONG IREPORT THANK YOU🥰
>>>{§}~Lennox POV~{§}<<<
Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming lumabas ng canteen at dumiretso kami sa Clinic para bisitahin sina Rence at Rain.
Nang makarating kami sa clinic ay agad kaming pumasok at habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sina Dan.
"Ohhh, kumuzta kayo?"--tanong ko.
"Sandra nakapasa ba kayo sa ikatlong bahagi ng Levelling ?"--tanong ko naman kay Sandra.
"Hindi ehh!, Hindi namin kinaya ang lakas ng anghel na yun kaya sabay sabay kaming nahimatay ng mga kasama ko!"--saad naman ni Sandra.
"Ayyyy! Akala ko makakasama parin kita sa ika-apat na bahagi ng levelling!"--saad ko naman.
"Pero sino ang mga nakapasok sa ika apat na bahagi?"--tanong naman ni Jino.
"Ang grupo nina Wilson at Jesica!"--sagot naman ni Shyn.
"Owww! Buti nakayanan ng babae na yun ang anghel na yun!"--saad naman ni Jenny.
"Guyyy! Alam niyo ba na ang anghel na nakalaban natin ay si Miguel pala isa sa Major Spirit ni King Silver!"--saad naman ni Wilson nakakarating palang.
"Ano? Kaya pala sobrang lakas!"-- saad naman ni Sandra.
"Pano mo naman nalaman?"--tanong ko.
"Kasi noong bumalik kami dito sa Academy ay siya namang paglitaw ng Anghel na nakalaban namin sa palasyo ng mga Anghel at yumuko ito sa harapan ni King Silver ay sabing "Master" matapos nun ay agad na bumalik na sa dating anyo ni Miguel at doon ako nagulat!"--saad naman ni Wilson.
"Pero sabi mo diba na bumalik na din si Miguel kay Mommy, sino naman ang nagbabantay sa ikatlong gintong scroll?"--tanong naman ni Sandra.
"Wala iniwan nalang ni Miguel ang huling Scroll at sabi niya kay King Silver ay paunahan nalang daw ang mga natitirang grupo na makalagpas sa mga hinanda niyang pagsubog at kapag nakalangpas daw ang isang grupo sa mga pagsubog niya ay sa kanila na daw ang huling gintong scroll!"--saad naman ni Wilson.
"Ahhh! Kaya pala nakakuha ng gintong scroll ang mga bruha na yun!"--saad ni Amirah.
"Hayaan niyo na sila!"--saad ko naman.
"Siya nga pala, bakit kayo nandito?"--tanong naman ni kiel.
"Ahhh, bibisitahin namin ang dalawa naming kasama sa grupo!"---sagot naman ni Jino.
"Ahhh! Ganon ba! Sama kami!"--saad naman ni Shiro.
"Cge kayo ang bahala!"--saad ko naman at lumakad na ako, nakita ko namang sumunod sa akin ang mga kaibigan ko.
Nang makarating kami sa kwarto ng dalawa ay nakita namin na ayos na ang lagay nila at nang makita nilang dalawa na kasama namin ang iba pang Prinsipe at Prensessa ay nagulat ang dalawa at yumuko pa.
"Kamahalan!"--saad ng dalawa at sabay yuko sa harapan namin, nakatayo na kasi ang dalawa sa gilid ng kanilang mga kama.
"Kumuzta na ang lagay niyo?"--tanong ko naman.
"Ito maayos na po kamahalan!"--saad naman ni Rain.
"Diba sabi ko sayo na Lennox nalang ang itawag niyo sa akin! Masyado kasing pormal yung mga ganyang pagtawag!"--saad ko naman.
BINABASA MO ANG
The Lost Kingdom of Scarlet Despair(A Powerful Gay Summoner Book 2)
FantasyMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang pamumuhay ng mga tao sa Rivaryn, Sa loob ng labing pitong taon ay marami na ang naganap sa rivaryn kasama na dun ang pagkamatay ng mga dating namumuno sa lahat ng Kontinente kabilang na ang mga k...