By:little_angel
{¥}~{¥}~Chapter 9:His Witch Magic~{¥}~{¥}
{¥}~{¥}~Silver's POV~{¥}~{¥}
Kinabukasan ay maaga kaming lahat dahil ngayong araw ay magsasanay kami para palakasin pa ang aming mga majica.
"Ohhh! Silver hindi mo ba gagamitin ang itim mong kapangyarihan?"--tanong sa akin ni Ian.
"Hindi muna dahil ang Witch magic muna ang gagamitin ko naman ngayon!"--saad ko naman.
"Pano mo yun gagawin ehh naiwan sa Summoner kingdom ang Wand na ginagamit mo?"--tanong naman ni Shaira.
"Nandito naman si Emman kaya niya akong gawan ulit ng wand!"--saad ko naman.
"Oo naman!"--saad naman ni Emman.
Kaya naman ay agad nitong ikinumpas ang kamay nito at maya maya pa nga ay nabuo na ang wand na gawa sa Crytal.
"Wow! Ang ganda naman ng wand mo!"--saad naman ni Shaira.
"Syempre gawa yata to ng aking wand maker!"--saad ko naman.
Kaya naman ay agad ko itong hinawakan at maya maya pa ay nagbago na naman ang aking kasuotan naging Golden Red ang aking damit.
"Wow! Ang ganda!"--saad naman ni Liza.
"Pansin ko lang kailangan bang magbago ang damit?"--tanong naman ni Ian.
"Bakit inggit ka?"--tanong naman ni Lance.
"Ewan ko sayo!"--saad naman ni Ian.
Kaya naman ay natawa kami dahil sa asaran ng dalawa.
"Gumilid muna kayo dahil maguumpisa na akong magsanay!"--saad ko sa mga kasamahan ko gumulid naman sila.
Kaya naman ay agad ko nang inihanda ang aking sarili dahil sa mahabang panahon ay hindi ko na ito ginagamit, lumutang muna ako ng hindi masyadong kataasan.
"Lightning Strike!"--sigaw ko at biglang may tumamang napakalakas na kidlat sa harapan ko nagkaroon naman ng malaking butas ang lupa hanggang sa bigla nalang nabasag ang wand na hawak ko kaya naman ay nagulat ang mga kasama ko nang makita nilang nabasag ang wand.
"Bakit nabasag?"--tanong ko naman.
"Sa lakas ba naman ng spell na ginawa mo kaya nabasag yang wand!"--saad naman ni Dave.
"Huh? Ehh! Basic lang namang spell yun!"--saad ko naman.
"huh? Basic spell palang yun? Nakakaloka bat ang lakas?"--tanong naman ni Shaira.
"Ipapakita ko sainyo ang major spell ng Lightning!"--saad ko naman.
"Emman gawan mo pa ako mas matibay na wand!"--saad ko kay Emman kaya naman ay agad nitong ikinumpas ang kamay at maya maya pa nga ay lumutang na gintong Wand na gawa ni Emman.
"Siguro naman hindi na yan mababasag!"--saad ni Emman.
"Subukan natin!"--saad ko naman.
"Gumawa na kayo ng mga barrier para hindi kayo madamay sa spell na gagawin ko!"--saad ko naman sa mga kasama ko kaya naman ay agad naman silang gumawa ng mga barrier nila.
Lumutang muna ako ng kagaya kanina bago ko hinanda ang aking sarili para sa spell na gagawin ko.
"Lightning Rain!"--bigkas ko naman at biglang dumilim ang kalangitan hanggang sa nagsibagsakan ang mga kidlat sa buong bundok ni Luna nabasag naman ang mga barrier na ginawa nina Dave.
"Waaaahhhhh!! Ayaw ko pang mamatay!"--sigaw ni Ian.
Habang patuloy na iniiwasan ang mga nagsisibagsakang mga kidlat na tila mga ulan na walang tigil sa pagbagsak.
BINABASA MO ANG
The Lost Kingdom of Scarlet Despair(A Powerful Gay Summoner Book 2)
FantasíaMakalipas ang mahabang panahon ay naging mapayapa ang pamumuhay ng mga tao sa Rivaryn, Sa loob ng labing pitong taon ay marami na ang naganap sa rivaryn kasama na dun ang pagkamatay ng mga dating namumuno sa lahat ng Kontinente kabilang na ang mga k...