When Bad Turns Worst

525 10 1
                                    

"Pinaparusahan na ba ako ng langit? Anong nangyari saakin?!!"

Nagsisisigaw si Carter habang nakatingin sa salamin. Hinahawakan ang lahat ng parts ng katawan nya para makasiguradong totoo ba ang mga nangyayari. Sinampal nya ang mukha nya at kinurot ang mga braso. Pero, talagang hindi sya nananaginip.

"Sh!t! Anong gagawin ko? Sa TV lang nangyayari ang bagay na 'to eh. Bakit pati ako nadamay?? Sh!t talaga!!"

Nagtatalon sya sa buong apartment nya at nagsisisigaw. Sobrang hindi nya matanggap na ganito ang nangyari sa kanya. Hindi nya alam kung ano nang gagawin nya. Dapat ba syang matuwa dahil naging babae sya o dapat ba syang magalit. Syempre mas nangibabaw sa tulad ni Carter na mainitin ang ulo ang galit.

"Walang-hiyang babae yun! Dahil dito yun sa relo nya kaya ako naging babae! Sabi na eh, masama talaga pakiramdam ko dun sa haliparot na yon! Pag nakita ko sya, humanda sya saakin!!!!!"

Galit na galit si Carter pero pinilit nyang kumalma para makagawa ng paraan. Naupo sya sa sofa at kinuha ang iPad nya. Naghanap-hanap sa internet ng mga pangyayaring pwedeng maihalintulad sa kanya. Pero naubos na nya ang lahat ng Google result, fail pa din sya.

"Arrrrggghhh!! Sh!t!" sigaw ni Carter na halos maibato na nya ang hawak na gadget, mas nadadagdagan pa ito ng buwiset nya sa boses nya na akala mo boses ng isang di-makabasag pinggang dalagang Pilipina.

"Ano nang gagawin ko? Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito. O pwede nga ba?"

Kinuha nya ang isa sa mga paborito nyang casual na damit at hinubad ang suot na uniform. Kumuha pa sya ng jacket dahil wala naman syang underwear na pam-babae. Idinoble nya ito sa katawan at dahan-dahang lumapit sa pinto upang lumabas. 

"Ito na. Lalabas na talaga ako.." hawak na nya ang door knob ng biglang..

DING DONG~ DING DONG~

"F@#$!"

"Carter!!

"Shet lang talaga! Hindi ako pwedeng makita ni Glen ng ganito." sabi ni Carter sa isip nya. Kaya agad syang lumayo sa pinto.

"Sandali lang...Aw shet ulet!!"

"Ha? Carter? May kasama kang babae?"

"Naloko na..."

Hindi na alam ni Carter ang gagawin, di nya alam kung magtatago ba sya? Or haharap na sa kaibigan nya kahit na mukha syang babae. Hindi nya alam kung dapat pa ba syang mag stay sa bansa o dapat bang maghukay na sya at ilibing ang sarili ng buhay.

KREEEEE~ Tunog ng pintong dahan-dahang binubuksan.

"Ayun nagbukas din..."

Pagpasok ni Glen napa-atras syang makita ang isang napaka-gandang babaeng nakaupo sa sofa ni Carter. Napaka-ganda nito na kung tutuusin, artistahin ang mukha. 

"Ay! Sorry! May kasama nga si Carter dito. Good morning! Si Carter? Nandito ba sya?"

Hindi sya sumagot.

"Ahhhmm.. Pinsan ka ba nya? Kapatid?"

Hindi pa din ito sumagot.

"Ay.. Excuse me, si Carter pwedeng makausap?"

Biglang nagsalita ang babae nang halos pabulong lang.

"Glen.."

"Ha? Kilala mo ako? Nice naman, hindi ko akalain na medyo popular din ako sa mga babae nowadays. LOL!"

"Ako 'to."

"Ha?"

"Ako 'to..... si Carter."

"Weh? 'Di nga?! Ang labo mo naman miss."

I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon