Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos nang isang napakagulong outing nila Scarlet. Balik sa university na naman silang lahat. Isang linggo na lang din ay matatapos na ang semester. Ganun pa din ang status ng pagkatao ni Scarlet, wala pa ding progress ang misyon nyang makabalik sa pagiging si Carter. Makakabalik pa nga ba talaga sya bilang si Carter o mananatili na syang si Scarlet habang buhay?
"Ate! Isa nga pong spaghetti, pwede yung madaming cheese sa ibabaw? Hehe." Sabi ni Scarlet sa tindera sa canteen nila sa university. Kinuha nya ang order nya at naupo sa isang bakanteng upuan at mesa.
"Ka--------------in!" Sabi ni Scarlet sa sarili nya bago isubo ang spaghetti, pero bago nya pa ito isubo biglang dumating si Glen na hinihingal-hingal pa.
"Ay!!~ Oh! Glen, bakit?"
"Kailangan mo pumunta sa may gate ng school!! May nangyayari. Dali dali, bilisan mo." Sigaw ni Glen na talagang natataranta.
"Teka, pwedeng ubusin ko spaghetti ko? Sayang kasi, gutom na gutom na ako eh.." Reklamo ni Scarlet habang sinusubo ang spaghetti na nasa tinidor na nya, pero bigla syang hinatak ni Glen at pilit na isinama sa harap ng university.
~ plak! Ten ten ten ten tenenen ten ten.. (James Bond theme song lol)
"Teka Glen! Ano bang meron dito?!-" tanong ni Sacrlet, pero nang makita ang nagkakagulo sa may gate ng University natigilan sya at agad na napatakbo palapit sa mga nag-kukumpulang mga tao.
"Excuse me, excuse me, padaan ako!!" Nagpupumilit si Scarlet na makalusot sa mga nagsisiksikang mga tao. Kahit amoy putok, hala, sige suksok lang. At nang makarating sya sa harapan, agad nyang nakita ang grupo ng mga lalaking hinahanap si Carter. Pero, himbis na si Carter ang guluhin nila, si Daryll ang napag-trippan nila.
"Teka, hindi ako ang hinahanap nyo kaya kung pwede, may klase pa kasi ako." Paliwanag ni Daryll na gusto nang makalayo sa mga mukhang daga't ipis na mga lalaking humaharang sa kanya.
"Teka, wala naman si Carter eh, gusto namin nang.. Hmm.. Mapagti-tripan at ikaw ang napili naming taya."
Pero hindi pumapalag si Daryll kahit na ginagawa na syang katatawanan ng mga lalaking epal. Seryoso syang nakatingin dito at nagsasabing kailangan na nyang umalis.
"Itong mga bwiset na mga mukhang chupacabra na lalaki, nandito na naman sila, sila ang dahilan kung bakit hindi ako nakarating sa party ni Sabrina eh, tapos si Daryll naman ngayon ang pinagtripan nila? Humanda kayo saakin." Sabi ni Scarlet na seryosong seryosong umentrada sa eksena.
"Ooooooowwwwww!" Reaksyon ng mga kapwa estudyante nang lumakad palapit si Scarlet kay Daryll.
"Oho! Sino tong magandang chick na to? Hehehe~ May girlfriend ka pala ha?" Sabi naman nung isang adik na lalaki.
"Scarlet? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Daryll.
"Nakaka inis na kasi tong mga mukhang ipis na to eh.. Nasaan ba ang mga guards natin?" Tanong ni Scarlet kay Daryll habang nakatingin sa mukha ng isa sa mga panget na nangha-harass kay Daryll.
"Ang ganda mo naman miss, boyfriend mo ba tong duwag na 'to? Iwan mo na yan duwag naman yan eh." Sabi ng isang panget.
Nanahimik lang si Scarlet at tinitigan lang ng masama ang panget na lalaki.
Pero biglang hinawakan ng isang panget ang buhok ni Scarlet kaya medyo nagalit na si Scarlet, ganun din naman si Daryll na kanina pa hinahabaan ang pasensya nya.
"Bitiwan mo nga buhok kong panget na amoy kilikili!"
"Eh? Di ka man lang pinag-tanggol ng boyfriend mo oh?"
BINABASA MO ANG
I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】
RomancePa'no kung ang isang bad boy ay maging girl, bad boy pa din ba 'to? Voting and sharing will be appreciated. Thank you! -Vash (Author)