Sign of True Love

403 5 2
                                    

Buong araw napa-isip si Scarlet may kinalaman sa kung sino nga ba ang true love nya. Na-iimbyerna syang isipin kung lalaki ang true love nya ay super na nandidiri sya. Dahil syempre, lalaki din sya, noon. Pero iba na din kasi ang panahon ngayon, babaeng nilalang na sya. Kalahi na nya si Eba at kung makikipag-halikan sya sa babae, paano nya gagawin yun?

"Si Sabrina?" sabi ni Scarlet habang nag-lalakad papunta sa isang ice cream shop para bumili ng 3-in-1 half gallon.

"Paano? Noong lalaki pa ako, araw-araw akong nag-iisip kung paano ko mahahalikan si Sabrina. Nag-wet dreams pa nga ako sa kanya noon." sabi ni Scarlet habang nakatayo sa labas ng ice cream shop, hindi nya alam hindi lang sya nagsasalita sa isip nya, kundi she's thinking out loud. LOL

0_0 Intesively shock ang nakarinig sa sinabi nya.

"Gandang bakla naman nitong taong 'to." sabi ng isang baklang nagpadaan at aksidenteng nakarinig sa malakas na bulong ni Scarlet.

"OMG. Narinig ba ako nung kabayong yun? Halaka!"

Dahil sa pagkapahiya, pumasok na lang sya sa loob ng ice cream shop at binili ang pinaka-masarap na ice cream na meron sila.

~BLA-BLA-BLA....

"Anong gagawin ko?" sabi ni Scarlet sa sarili habang naglalakad pauwi. Medyo madami ang tao ngayon sa paligid nya dahil sa mayroong parada. Election na kasi at madaming pakulo ang mga tumatakbo para maboto.

"Nakaka-inis talaga, kung lalaki lang ako ngayon, hahalikan ko na lahat ng mga babae eh, yung magaganda at mababango lang syempre. Pero, ngayon? Hahalik ako sa babae? Iba ang pakiramdam ko. I'm torn between." patuloy nyang iniisip habang bitbit ang isang gallon ng ice cream, plus medyo nakayuko sya, so sa pagmamadali at sa pagkawala sa sarili...

~BLAAAAG!

"What the fudge! Aray ko!" At napatumba si Scarlet ng may mabangga syang isang pader. Pero pader na naka-sapatos. Teka, sinabi ko bang naka-sapatos? Oo! Naka-sapatos, kasi hindi naman talaga yun pader.

"Miss?"

Paglingon ni Scarlet, laking gulat nya kung sino ang nakabangga nya. It's a small world talaga. Parang kahit umiiwas ka na, magkikita't magkikita talaga kayo. Bilog nga talaga ang mundo.

"Daryll? The hell! Ikaw na naman?"

"Uy, Scarlett, ikaw pala yan."

"Ay hindi. Hindi ako 'to. Joke lang to eh." pang-titrip ni Scarlet, nakaupo pa nga sya sahig nang-aasar pa din sya. Pero, dahil likas na gentleman si Daryll na syang kabaliktaran ni Carter, iniabot nya ang kamay nya kay Scarlet at tinulungan itong tumayo.

"Bakit ba ang bait saakin nitong taong to? Kung ako 'to as Carter, tatawanan pa kita pag natumba ka." sabi ni Scarlet sa isip.

"Ay! Yung ice cream ko!!" sigaw ni Scarlet na akala mo siya na ang pinaka-problemadong tao sa mundo.

"Natapon na! Paharang-harang ka kasi eh! Nabangga tuloy ako sayo!"

"Hindi ka ata nakatingin sa dinadaanan mo eh. Nakatayo lang kaya ako dito, ikaw ang bumangga."

I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon