Hi! I'm not that good on writing stories pero sana you can still enjoy my works. Started: March 18, 2013. BABALA: There are some words not suitable for very young readers.
-Author
"Bad boy ako, hindi ako mabait. Hindi din ako yung tipo ng tao na magiging kaibigan ng lahat ng tao. Hindi ako matino at saka kung sa masama, masama talaga ako."
"Anak ng.. Sh*t, nagugutom na talaga ako. Bibili ka ba o bibili ka?" Sabi ni Carter sabay hatak sa kwelyo ng kaklase nya talagang natatakot na sa kanya.
"Ca-Carter, wala talaga ako ngayon. Nag-tuition ako ngayon eh, promise bukas meron na talaga. Babawi ako sayo." sagot naman ng kaklase nyang mangilag-ngilag sa akmang susuntok na si Carter.
"F@$%! Walang bukas-bukas saakin. Mag-hihintay ba ang tiyan ko sayo? Ulol ka ba?"
Sya si Carter Ramos, 18 years old. Nasa edad kung saan sobrang mapusok ang mga kabataan. Wala syang inatupag kundi ang mang-bully ng mga kaklase nyang alam nyang walang kalaban-laban sa kanya. Maraming nagagalit sa kanya at ang tingin sa kanya ay isang t@eng pakalat-kalat na dapat iwasan. Dahil mabaho? Hindi naman, hindi naman mabaho si Carter or nakakadiri gaya ng t@e, talagang hindi mo lang maaatim na makabangga sya dahil 'di mo talaga magugustuhan.
"Mga classmate! Nanjan na si Ms. Matandang Dalaga, run for your lives!" Sigaw ng isa sa mga pinaka-O.A. na kaklase ni Carter. Nang marinig nya iyon, binitiwan na din nya ang kwelyo ng kaklase.
"Pasalamat ka..." pananakot ni Carter.
At sabay itinulak palayo ang kawawang nilalang at napakamot ulong naupo sa upuan nya. Padabog syang umupo at nangalubabang nakatingin sa labas ng bintana.
"Good morning class."
"Good morning, maam."
Biglang pinukpok ni Carter ang mesa ng arm chair nya na kinagulat ng professor nila pati ng ibang mga kaklase nya.
"Yes, Mr. Ramos?"
"Lalabas na ako."
"Pero, magsisimula na ang klase ko. Maupo ka na at maghintay na matapos ang oras ko sa inyo." paliwanag ng teacher nya sa mahinahong tono. Pero saksakan talaga ng tigas ng ulo si Carter kaya tumayo na sya at naglakad palabas ng classroom.
"Carter Ramos, bumalik ka dito! Ang dapat sa tulad mo ay patalsikin sa university na ito!"
Biglang huminto si Carter sa paglalakad at lumingon sa professor nya. Tumingin sya dito ng sobrang talim na halos napa-atras sa gulat ang teacher nya.
"Ayoko na sanang magsalita, pero ikaw tong mapilit eh. Gusto mo nang totoo? Alam mo Reblando, lahat ng subject para saakin ay boring pero yung sayo? Hindi boring, kasi walang-kwenta. At gusto mo akong i-kick out dito? Ba't hindi nyo gawin? Nang-magkaalaman na tayo."
Napalunok na lang ng laway ang teacher nila, sabay tumalikod na din si Carter sa kanila at nag-simulang maglakad palayo. Biglang may bumulong, na isa sa mga estudyante.
"Diba maam? Mahirap banggain ang pader, magkaka-bukol ka lang." Nagtawanan ang mga estudyante sa pang-sosoplak na ginawa ni Carter sa teacher nila.
"Tahimik!!"
Walang nagawa ang powers ng professor ni Carter sa kanya, bakit? Paano ba naman, ang number 1 na sponsor ng charity ng school para sa scholarship ay ang pamilya ni Carter na nasa states. Kaya, kung gusto pa nila mapanatili ang pondo ng charity. Kailangan nilang pag-tiyagaan ang pagka-bad boy ni Carter.
~
"Carter!"
Tawag ng nag-iisang kaibigan ni Carter na si..
BINABASA MO ANG
I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】
RomancePa'no kung ang isang bad boy ay maging girl, bad boy pa din ba 'to? Voting and sharing will be appreciated. Thank you! -Vash (Author)