Ilang araw na ang nakalipas. Ilang araw nang parang laging tuliro si Scarlet. Habang tumatagal parang lalong nawawala ang sanity nya. Hindi dahil sa naging babae sya kundi, sa mga nararamdaman nya nitong mga huling araw. Sa ngayon kasalukuyan silang dumaranas ng init ng panahon.
"Glen.." sabi ni Scarlet sa boses na talagang tinatamad. Nakahiga sya sa sofa habang nakatutok sa isang electric fan.
"Oh?" tipid na mga sagot ni Glen dahil sa sobrang init nang nararamdaman nila.
"Hindi pa din ba dumarating yung gagawa ng aircon?" tanong ni Scarlet.
"Wala pa."
Oo! Super summer na sa Pinas at super malas din ni Scarlet na timing pang nasira ang aircon ng bahay nya. 37 degree celsius lang naman ang kasalukuyang temperatura. Kung lalabas ka nang bahay na walang payong parang sinabi mo na din na ihanda na ang burol mo.
"Glen.." sabi ulit ni Scarlet sa parehong tono kanina.
"Oh?"
"Mainit...." sagot naman ni Scarlet.
~Witweeeew!~
Binuksan ni Scarlet ang cellphone para makita kung sino ang nag text sa kanya. Pero isang facebook post alert pala ang pumasok sa cellphone nya. Sabado at walang pasok kaya nag-post sa wall nya si Euri na nag-aayang mag-swimming.
"Hi Scarlet! Super init ngayon noh? Swimming tayo!" sabi sa post ni Euri.
"Sige ba! Saan?"
"May alam akong resort malapit lang dito saatin. Mag-ready ka na. Dadaanan ka namin diyan."
At dahan-dahan na ngang tumayo si Scarlet para kunin ang mga damit, bag, make-up at mga gadgets nya. Nagtataka naman si Glen habang nakahiga pa din sa tapat ng electric fan.
"Saan ka pupunta?"
"Mag-si swimming kami ni Euri. Sama ka?"
Agad na tumayo si Glen at hinubad ang t-shirt na suot-suot. At sumagot kay Scarlet.
"Ayoko. Ayokong sumama, wala akong gana mag-swimming ngayon." sabi ni Glen habang pinapatunog ang leeg nya at inuunat ang mga braso.
"Mukha nga."
~BEEP! BEEP!
"Andyan na ata si Euri!" sabi ni Scarlet at agad na pinatay ang mga electric fan at ilaw ng bahay nya. Tumakbo na sya palabas at sinalubong na nga ang sasakyan.
"Euri!!" sigaw ni Scarlet na sobrang pawis na pawis na agad. Agad ding bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas si Euri dito. Kahit na super na tagaktak na ang pawis ni Scarlet, yummy pa din ang hitsura nya para sa mga lalaking dumadaan sa tapat nila.
"Miss, gusto mo payungan kita?" tanong ng isang mukhang naka-shabu na lalaki.
"Suntukan na lang tayo!" sigaw naman ni Scarlet pabalik sa lalaking mukhang adik.
"Hahaha!~ Wag mo na ngang patulan yun. Akin na yang gamit mo. Pumasok ka na sa loob. Doon ka na sa tabi ng driver's seat umupo. Sa harap. Mas malakas ang aircon dun." bitbit ang gamit ni Scarlet dinala ito ni Euri sa rear compartment ng kotse. Nakita din nya si Glen na nakahubad na bumababa sa hagdan.
"Uy, Glen!"
"Euri! Kasama ka pala?"
"Ako ngang nag-yaya eh diba?"
"Ah, Euri. OK lang kasama si Glen? Naiinitan na din daw sya eh." tanong ni Scarlet kay Euri.
Ngumiti si Euri at itinuro ang kotse.
BINABASA MO ANG
I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】
RomancePa'no kung ang isang bad boy ay maging girl, bad boy pa din ba 'to? Voting and sharing will be appreciated. Thank you! -Vash (Author)