"Makikita ko pa ba sya ulit?"
"Hinahanap mo ba ako?"
"Huh? Uy!!"
Biglang nabuhayan ng loob si Scarlet ng makita ang babaeng nagsuot sa kanya ng relo. At bigla nya itong hinawakan sa kamay para hindi na maka-alis pa.
"Teka, please naman, ibalik mo na ako sa dati."
"Nice, mukhang bumabait ka na ha? Hindi mo na ako sinisigawan at minumura."
"Alam mo ang totoo, hindi ko alam kung bakit, pero habang tumatagal na babae ako, mas lalong nag si-sink in sa utak ko na babae talaga ako."
"Ayan talga ang dapat na mangyari."
"So, ibabalik mo na ako sa dati? Na learn ko na lesson ko eh. Magbabago na talaga ako promise, super human ka naman diba? Edi mababasa mo ang puso ko? Malalaman mo I'm so effin' sincere."
"Para makabalik ka sa dati, ikaw na ang gagawa ng paraan. Pero, bibigyan din naman kita ng hint, para hindi ka naman mahirapan. Mahilig ka ba sa riddles?"
"Hindi."
"Isang halik sa babae ang magbabalik sayo sa dati, pero ang isang halik galing sa tunay na pag-ibig ang magdadala sayo sa tunay mong sarili."
At kagaya ng dati, bigla na ngang nawala ang babae pagkatapos bitiwan ang mga salitang hindi agad naintindihan ni Scarlet dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Ha? Ano daw? Ano daw?! Hindi ko na intindihan masyado! Luh!? Bigla na lang nawala! Paki-ulit yung sinabi mo!!!!!"
~
Wala nang nagawa ang beauty ni Scarlet kaya matamlay syang naglakad. Halos hindi na nya namalayan na nasa apartment nya na pala sya. Sa buong buhay nya kasi, ngayon lang sya nagka-problema ng ganito, na halos malagas na ang lahat ng buhok nya sa buong katawan.
~KREEE-
Pagpasok nya sa pintuan, nakita nyang nakaupo ang kaibigan nyang si Glen habang kumakain at umiinom ng softdrinks. Nakasalampak ito sa sofa at kumakamot-kamot pa.
"Dito na ako."
"Uy!" Biglang naupo ng maayos si Glen at inalok ng softdrinks si Scarlet.
"Oh? Anong nangyare?"
"Ayun.. Hindi nya ako maibabalik sa dati."
Biglang nangiti si Glen na animong may binabalak na masama.
"Talaga?"
"Wow? Masaya ka pa!?"
"Hindi ha? Bakit daw ba?" tanong ni Glen sabay alok ng pagkain kay Scarlet.
"Wala naman kasi syang sinabi kung bakit, sabi nya kasi ako lang daw makakagawa ng paraan para makabalik na ako bilang si Carter."
"Anong sabi nya anong gagawin mo?"
"Hmmm-"
Seryosong nag-abang si Glen sa sasabihin ni Scarlet. Sa loob-loob nya mas gusto nya si Carter bilang Scarlet. Dahil ang pagiging Scarlet ni Carter ang isang pinaka-magandang nangyari sa balat ng University nila.
"Ayun nga hindi ko narinig yung sinabi nya."
"Ngek!?"
"Oo, ang pagkakaintindi ko, halik sa pag-ibig? Ewan ko, magulo yung babae e."
"Hala ka? Hindi ka na makakabalik sa dati. Kung di ka ba naman kasing kalahating bingi at tanga e."
"Anong sabi mo?! Ha?!"
BIglang sinakyan ni Scarlet si Glen at pinaghahampas ng kamay nya. Walang tigil si Scarlet na animo'y nag-eenjoy pa.
"Sarap nito! Nakakwala ng stress ang mam-bully!"
BINABASA MO ANG
I'm Bad, I'm Good, And I'm a Girl?【Completed】
RomancePa'no kung ang isang bad boy ay maging girl, bad boy pa din ba 'to? Voting and sharing will be appreciated. Thank you! -Vash (Author)