MALARA POV
ANO BANG NANGYAYARI?! Una nagising nalang ako sa ibang lugar, Pangalawa kakaibang lugar ang napuntahan ko, at pangatlo sino ang mga taong ito?
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay naka upo habang pinapagalitan ako ng kuya ko daw kuno.
"Ano ka ba Lara ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag kag aalis dito sa bahay wala ka na ngang kwenta, ikaw pa magpapahamak samin!" sigaw nito sakin
Tinititigan ko na lang sya ng walang emosyon. Sanay na kasi akong masabihan ng walang kwenta at di ko maiipagkaila na nasasaktan ako.
"Pwede ba wag mo akong tingnan ng ganyang mukha baka ano pa magawa ko sa pagmumukha mo!" sabay walk out.
Aba kapal ng mukha sya pa ang may gana magwalk out.Maya maya may lumapit sa aking babae na sa tingin ko ay kasing tanda ko lamang.
"Ayos ka lang ba Lara?" nagaalala nitong sabi.
"Wag mo ng pansinin si Leon siguro ay naiinis lang iyon kanina dahil hindi sila nakahuli nina Arkin ng mga Shenn." dagdag pa nito.
"Shenn?"
"Shenn yung pangbenta nila sa mga Beast store para may pangkain tayo" natatawa pa nitong sabi.
"Ahhh" iyon nalang nasabi ko dahil baka masabihan nya pa akong weird kahit sila naman yung weird.
"Tara na sa ilog nanduon na sina Mira para maligo" sabay hawak saking kamay at hinila ako papuntang ilog.
May nakita akong tatlong babae na naliligo sa ilog. Pagkalapit namin sa kanila ay may bigla nalang saking tumulak kaya naman ay basang basa akong tumayo.
"HAHAHAHAHAHAHA" Tawanan ng tatlong babae.
"Ano ba Mira bakit mo naman tinulok si Lara?!" Sabi nuong babaeng humila sakin kanina duon sa babaeng tumulak sakin.
"Ano ka ba Dell tinulungan ko lang syang maligo, mukhang ilang araw na syang di naliligo eww"
Napasimangot nalang ako sa sinabi ni Mira at tiningnan ang aking repleksyon sa tubig magulo ang buhok, madumi ang damit at sobrang dungis ng mukha ko. Pasimple ko pang inamoy ang sarili ko ANG BAHO KO! kaya naman pala bahong baho sakin ang matanda kanina at napagkamalan pa akong magnanakaw dahil sa itsura ko.
Umalis na ang tatlong babae kasama si Mira dahil kakatapos lang nilang maligo nuong dumating kami dito.
"Pagpasensyahan mo na sila Lara ampapangit talaga ng ugali nila Mira porket crush siya ni Leon malakas na ang loob nilang apihin ka" inis na sabi ni Dell.
Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Dell at nagfocus nalang sa pangliligo ko.
Ilang minuto ko na tinititigan ang mukha ko sa tubig dahil di ako makapaniwala na lalong akong gumanda. Nuong natulog ako di naman ako ganto kaganda. Kinusot kusot ko pa mata ko pero walang nangyari, wala namang masyadong nagbago sa mukha ko pumuti, kuminis, lumiit ng konti at humaba ang pilik mata. Nakakaadik tingnan.
"Lara, tara na hinahanap na ata tayo ni Elder"
Napakamot nalang ako sa nuo ko dahil wala pa rin ako naiintindihan sa pangyayari.
*sigh*
----------------------------------------
Wala na akong maisip HAHAHAHA haysss
BINABASA MO ANG
Malara: The Crazy Girl
AdventureMalara Rhyanna Lawrel Minsan gusto nalang natin itigil ang oras, magrereklamo tayo kung bakit ang bilis ng takbo ng oras. Di ko din alam kung ano ang problema ko sa buhay ang dami kong reklamo bakit kasi ang daming problema. Gusto ko nalang maglaho...