Chapter 4

11 2 1
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi mapigilan mamangha Lara sa kanyang nakikita nang makarating sila sa Beax Mountain. Maraming kakaibang halaman at ang mga puno ay may iba't ibang kulay.

"Wowww" bulong ni Lara sa kanyang sarili.

Marami syang nakitang mga beast ang iba ay nagsitakbuhan ng makita sila.

Nagsilabasan na ng sandata ang mga kasamahan ni Lara na syang dahilan kung bakit nagsitakbuhan ang mga beast.

"Tara na" saad ni Leon sa kanyang kasamahan at hinagad ang mga shenn beast.

Napailing nalang si Lara dahil di manlang sila nagplano at basta basta nalang sila sumugod.

"Kaya siguro hindi sila nakakahuli ng mga shenn beast wala silang strategy" napabuntong hininga nalang si Lara sa kanyang iniisip.

"Sa tingin ko ay dito ka muna Lara tutulungan ko lang sila, tawagin mo na lamang ako pag may problema" sabi ni Arkin kay Lara.

In the end magisa nalang si Lara sa tabing puno na nonood kung pano habulin ng kanyang kasamahan ang mga shenn beast.

Maya maya may nakita siyang beast na kasing laki ng baboy ang pinagkaiba lamang nito, ito ay may sungay, kulay pula at may nakalagay ito sa noo na parang gem, bilog ang hugis na kulay asul.

Agad naman nagnining ang mata ni Lara dahil sa wakas may nakita na syang pwedeng kainin kaya naman agad siyang nagisip ng plano kung paano ito huhulihin.

Maya maya naggawa na si Lara ng patibong at umakyat sa puno para panuodin ang kanyang kasamahan na hinahabol ng mga shenn beast.

Pasikretong tumatawa si Lara dahil naiba ang sitwasyon ng kanyong kasamahan dahil sila naman ang hinahabol ng mga beast.

"bammm!"

Agad na napatingin si Lara sa ibaba at duon nya nakita na nahuli na nya ang kanyang hinihintay. Naglalaway si Lara habang pinupuntahan ang nahuli nyang beast.

"Sa wakas!"

Habang nakikipaglaban sina Arkin may naamoy sila na parang may iniihaw kaya napatigil sila at napatingin sa direksyon ng batang babae na nag iihaw ng isang Perk.

Nagulat at nagtaka kung paano nahuli ni Lara ang isang Perk at talagang plano pa nitong kainin kaysa ibenta.

Ang Perk ay isa sa malalakas na Shenn beast kahit matataba ang mga ito bawi naman ito sa bilis at lakas. Siguradong malaking salapi ang makukuha mo pag ito ang naibenta mo.

Maya maya pa lumapit si Riya kay Lara na kumakain.

"Kapal rin ng mukha mo ano, kanina pa kami dito nakikipaglaban tapos kumakain ka lang dyan." inis na sabi ni Riya.

Tinasan ni Lara si Riya ng kilay

"Wala naman kayong sinasabing tumulong ako sa inyo basta nyo na nga lang akong iniwan dito sa gilid ng puno at bakit ka ba nagrereklamo siguro gusto mo lang agawin ang lechon ko!" nanlalaking mata na sabi ni Lara.

"Ang galing mo naman Lara nakahuli ka ng Perk!" sabay kurit ni Arkin sa pagkain at sinubo.

Agad namang binatukan ni Lara si Arkin

"cough cough t-tubig"

"PAPATAYIN MO BA SI ARKIN!" galit na sigaw ni Riya at inabutan si Arkin ng tubig.

"HINDI KO NAMAN KASALANAN, KUNG NAGPAALAM SYA EDI SANA HINDI SYA NAGKAKAGANYAN!" sigaw na sabi ni Lara.

"ANG DAMOT MO KUNG HI--"

"Tama na yan Riya at ikaw naman Lara nakikisama ka lang dito kaya dapat alam mo kung paano lumugar." mahinahon na sabi ni Leon

"at ikaw naman Lara nakikisama ka lang dito kaya dapat alam mo kung paano lumugar nyenyenye sus dami pang sinabi mukha pa rin naman siyang unggoy tss." inis na bulong ni Lara.

"LARA!" sigaw ni Leon dahil narinig nito ang sinabi ni Lara

"HAHAHAHA ako naman talaga ang may kasalanan kaya pasensya kana Lara pero bago ang lahat maaari mo bang sabihin samin kung paano ka nakahuli ng shenn beast?" tanong ni Arkin

"Tatlong pilak para sa isang sagot." nakanigiting sabi ni Lara.

Sa tatlong araw na pamumuhay ni Malara sa Hemopiya marami na siyang nalalaman lalo na pag tungkol sa pera.

Isa sa mga nalaman nya ay may apat na uri ang mga salapi o pera sa mundong ito.
Tanso
Pilak
Kahi
Ginto

Ang tanso ay katumbas ng piso, ang pilak naman ay katumbas ng isang libong tanso, ang kahi ay katumbas ng isang libong pilak at ang ginto ay katumbas ng isang libong kahi.

"Ang kapal talaga ng mukha ng kapatid mo Leon ha." naiinis na sabi ni Jen isa sa kasamahan ni Leon

"Atleast maganda." Lara

"Pilak? 300 na tanso lang ang meron ako dito ehh tsaka san naman ako makakahanap ng pilak." sabi ni Arkin kay Lara.

"At talagang nagpapauto ka sa babaeng iyan Arkin eh ano naman kung nakahuli sya ng perk baka nga  nanghihina na yung perk bago nya ito nahuli." naiinis na sabi ni Riya kay Arkin.

"kung ayaw nyo edi wag di naman kayo kawalan." Lara

"Ako gusto ko tsaka kanina pa tayo nanghuhuli ng shenn wala pa rin tayong mahuli." Arkin

"Okay dahil mabait ka 300 tanso nalang." ngiting ngiting sabi ni Lara

Napakamot nalang sa leeg si Arkin dahit butas nanaman ang kanyang bulsa. Agad na nilabas nya ang salapi galing sa kanyang singsing at binigay kay Lara.

Namangha nalang si Lara sa kanyang nakita dahil ngayon lang siya nakakita ng space ring. Ang space ring ay may isang kakayahan ito ay nagsisilbing bag para sa mga hemis pero ang kakayahan nito ay limitado lang nakadepende ito kung gaano ito katibay at kamahal.

Agad na kinuha ni Lara ang mga tanso at napasimangot na lang siya sa bigat. Nakita nyang may singsing si Leon kaya agad nyang inabot dito ang mga tanso.

"Ano gagawin ko dito?" Nakataas na kilay na tanong ni Leon.

"edi kainin mo este pahabilin muna." Lara

Wala namang nagawa si Leon kay Lara dahil sa kakulitan nito kaya nilagay na lamang nya ito sa kanyang singsing.

Agad naman sinabi ni Lara kay Arkin kung paano nya nahuli ang perk at tinuruan nya ito kung paano gumawa ng patibong.

Wala naman nagawa ang grupo ni Leon kundi sundin ang mga tinuro ni Lara.

" Tadaaaa diba sabi ko sa inyo madali lang" masayang wika ni Lara habang nakatingin sa mga nagawa nila patibong.

"BAMMMMM"

"BOGSHHHHHHHH"

"BOOMMMMM"

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
Baka sound effect yan LT talaga
Perk as in pork BWAHAHAHHA ngayon ko lang nalaman na magaling pala ako magimbento ng salita

Malara: The Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon