Chapter 3

11 2 0
                                    

THIRD PERSON POV

Tatlong araw na ang nakakalipas ng napapunta si Malara sa Hemopiya at hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang nangyayari.

Sa tatlong araw na iyon marami syang na diskubre katulad nalang ng...

"Sa mundong ito ang pangalan ko ay Lara kapatid ni Leon at nakatira sa bahay ampunan. Si Lara ay isang tahimik at mahina, iyon ang tingin ng mga tao sa kanya. Nasa mundo ako ng hemis, hemis naman ang tawag sa mga taong nakatira dito." pabulong at patango tangong sabi ni Malara.

Tulod sa nababasang libro ang nangyari sa kanya ay isang reincarnation at hindi pa rin nya alam kung bakit ito nangyayari sa kanya. Sa palagay nya namatay sya dahil sa gutom kaya lang ang weird kung namatay sya sa gutom.

*sigh*

"Lara ano nanaman ang binubulong bulong mo diyan, alam mo ang weird mo nitong mga nakaraang araw. Kahapon sabi mo samin na Malara ang pangalan mo hindi Lara ehh dinagdagan mo lang naman ng ma ang pangalan mo" natatawang sabi ni Dell.

Hindi nalang pinansin ni Lara si Dell dahil naagaw ang pansin niya kay Leon na may dala dalang bag at ispada na katulad ng mga kasamahan nya na palabas ng pintuan ng bahay.

Lumapit si Lara kay Leon. Si Dell naman ay nagulat sa ginawa ni Lara dahil hindi naman close sina Lara at Leon, at minsan lang sila nag-uusap at nagpapansinan kaya lalong nagtataka si Dell sa kinikilos ni Lara.

"Leon saan kayo tutungo?" tanong ni Lara kay Leon.

Sa tatlong araw na pamamalagi dito ni Lara hindi pa sya nakakalabas ng bahay dahil lagi sya nitong pinagbabawalan. Mahina kasi ang tingin ni Leon kay Lara kaya lumaki itong mahina iyon ang tingin ni Malara.

Hindi pinansin ni Leon si Lara at patuloy na lumabas sa bahay kaya napasimangot nalang si Lara sa pagkasnob ng lalaki.

"Manghuhuli kami ng Shenn beast sa Beax Mountain" nakangiting sabi ni Arkin na isa sa kasamahan ni Leon.

"Shet may pogi" bulong ni Lara

Ang grupo nina Leon ay tinatawag na Beast Hunter isa sila sa humuhuli ng mga wild beast at binebenta ito sa beast store.

Napangiti nalang si Lara sa sagot ni Arkin at daling kumuha ng bag.

"Pwedeng sumama?" nakangiting sabi ni Lara.

"Ahh, ehh ok" nakangiwing sabi ni Arkin.

Agad namang nagnining ang mata ni Lara dahil sa wakas ay makakalabas na rin sya. Agad naman hinila ni Lara si Arkin palabas ng bahay paglabas nila nakita nya ang grupo nina Leon na nakatayo na may parang may hinintay  sila.

"Ang tagal mo naman Arkin paglabas lang sa pinto huli ka nanaman at bakit mo kasama si Lara?" nakataas na kilay na sabi ni Riya.

"Gusto nya daw sumama, wag kayong mag-alala ako na ang bahala kay Lara" saad ni Arkin.

"Talaga lang ha pagnapamahak pa tayo dahil sa kanya ikaw ang unang sisihin namin." inis na sabi ni Riya.

Tumungo nalang si Arkin dahil ayaw nya nang makipagtalo.

Napabuntong hininga nalang si Lara dahil maraming babae ang naiinis sa kanya.

"ganda ko talaga" bulong ni Lara sabay hawi sa kanyang buhok sa gilid ng tainga.

Agad namang humangin ng malakas at nataman ng malaking dahon ang mukha ni Lara. Natatawa naman na napatingin si Arkin kay Lara.

"Tayo na" aya ni Leon sa kanyang kasamahan sabay tingin kay Lara ng masama.

Napailing nalang si Lara sa inakto ni Leon. Hindi pa rin nya alam kung bakit laging naiirita sa kanya si Leon wala pa naman siyang ginagawang masama.

"hehehehehe" tawa ni Lara sa kanyang isip dahil may naiisip itong kalokohan.

Agad na sumunod si Lara sa grupo ng kabataan at tumabi kay Arkin dahil baka pag-initan pa siya ng grupo.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
Hanggang dito muna tayo HAHAHAHAHA sa susunod na chapter ay tungkol sa Beax mountain.

Wala pang Readers :-(  hayss

Malara: The Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon