MALARA POV
"Para po" sabi ko kay manong driver.
Pauwi na ko galing school. Pumasok nako sa bahay namin as usual tahimik. Ako lang kasi ang nakatira dito ang mga magulang ko naman ay hiwalay na kaya kay papa ako sumama.
Yung papa ko naman laging wala nasa trabaho. Hapon na ako nakauwi dahil sa group project na ginawa ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko ang pigura ko sa salamin. Naglakad ako patungo dito at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
"Ang hirap." Nakangiti kong sabi habang tumutulo ang aking luha.
Gusto ko ng sumuko kaya lang lagi nya akong binibigyan ng pag-asa. Ayoko na ring pumasok sa school dahil wala naman akong kaibigan at pagbubulungan lang nila ako duon.
Pagkatapos kong magbihis dumiritso na ako sa kusina para magsaing. Nakita ko na lang na ubos na pala ang bigas at wala akong pera pangbili ng bigas.
Di ko alam kung pano ko masusulusyonan ang problema ko lalo na wala si papa. Baka tutulog nanaman akong gutom at ang hirap matulog ng gutom dahil laging kumukulo ang tyan mo.
Lumabas na lang ako sa aming bahay at duon tumambay. Napatingin na lang ako sa langit. Kahit ilang beses ko ng sinabing suko na ko saka naman nya ako binibigyan ng pagasa. Di ko na rin alam kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko.
Yung gustong gusto mong tulungan yung ama mo sa mga gastusin kaya lang 13 ka pa lang.
"HAHAHAHA" mapait kong tawa.
Lagi kong syang tinatanong kung bakit ako nakakaranas ng ganito pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Siguro desurv ko kasi selfish ako. Ang dami kong bakit sa kanya kaya lang nakakawalang gana rin palang magtanong lalo na kung walang sumasagot.
Napansin ko nalang na madilim na kaya pumasok na ako sa bahay namin at humiga sa aking kama.
Napatingin na lang ako sa bubong at naririnig kong kumukulo ang tyan ko.
"Sana maglaho nalang ako." sabi ko habang hinihila ng antok.
Nagising nalang ako dahil parang may sumisipa sakin.
"Hoy bata wag ka dyan matulog at magbubukas na ako ng tindahan." sabay sipa sakin
"HMMM" Napaungol nalang ako sa lakas ng kanyan sipa at napamulat.
Napaupo na lang ako sa gulat dahil imbis na ang paligid ko ay kwarto ko ay NASA GILID NG DAAN. Napatulala na lang ako dahil ang daming dumadaan at hindi lang yun kakaiba ang kanilang sasakyan at kasuotan. Kinusot ko ang aking mata baka antok lang ako kaya lang hindi pa rin nagbabago ang aking paligid.
"AHHH" napasigaw na lang ako bigla dahil may bigla nalang may sumipa sa akin. Kaya naman galit kong tiningnan ang nanakit sakin.
"Oyy bata kanina ka pa haa umalis ka nga dito, dito ka pa talaga natutulog sa tapat ng tindahan ko shoo shoo nilalayo mo ang mga kura ko ang baho baho mo pa" taboy sakin ng matandang lalaki ng may kakaibang kasuotan habang nakatakip ang ilong.
"PAKE---" sisigawan ko na sana sya ng bigla nalang may sumigaw.
"LARAAAA" sigaw sa akin ng isang lalaki habang lumalapit sakin na sa tingin ko ay nasa
15 na taong gulang dahit mas matangkad ito sakin.Pagkalapit nya sakin ay agad nya akong piningot.
"AHH, AHH"
"Pagpasensyahan nyo na ang aking kapatid ginoo sadyang makulit ang ang aking kapatid kung saan saan natutulog" sabi ng lalaki sa matandang hukluban.
Nakikita ko rin na may napapalingon sa aking kinatatayuon at napapailing sa nangyayari. Napakunot nalang aking noo sa hindi maintindihang nangyayari.
"Dapat dinidisiplina mo ang iyong kapatid bata kung ayaw nyang ako mismo ang dumisiplina sa kanya at wag na wag kayong lalapit sa tindahan ko baka mamaya nagtutulog tulugan lang iyong kapatid para makakuha ng paninda ko." galit nitong sabi sa lalaki.
"Pasensya na ginoo." hinila hila nalang ako palayo ng lalaki na di ko kilala duon sa pinagtulugan ko kanina.
Papalayo na kami sa maraming tindahan at daan. Pumasok kami sa kagubatan at nagtungo sa isang maliit na bahay na may maraming bata.
----------------------------------------
HAHAHAHAHAHA natatawa ako sa kwento ko parang ewan lang
nakakalito ba?
Sabihin nyo lang sakin kung may mga mali sa chapter na ito para maayos ko :-)
BINABASA MO ANG
Malara: The Crazy Girl
AvventuraMalara Rhyanna Lawrel Minsan gusto nalang natin itigil ang oras, magrereklamo tayo kung bakit ang bilis ng takbo ng oras. Di ko din alam kung ano ang problema ko sa buhay ang dami kong reklamo bakit kasi ang daming problema. Gusto ko nalang maglaho...