Chapter 5

10 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Sabay sabay ang malalakas na pagbaksak ng tunog dahil sa mga shenn na nahuhulog sa patibong.

Tuwang tuwa naman si Lara sa kanyang nakikita.

"Wahhhh ano kaya lasa ng mga to" saad ni Lara sa kanyang isip.

"Kung ganto lang pala kadali manghuli ng mga shenn edi sana hindi na nagkakasugat ang gwapo kong mukha tss." mahangin na sabi ni Arkin.

"Yuckk" komento ni Lara.

Hindi naman talaga mapagkakaila na may itsura si Arkin kaya lang hindi sya type ni Lara dahil mahangin na nga ito, mukha pa itong hangin.

Agad namang nagsalapitan ang kanilang kasamahan sa mga patibong para kuhanin ang mga nahuli.

Tuwang tuwa sila dahil ngayon lang sila nakahuli ng maraming shenn beast. Pag kasi sila ay nakakahuli sila ay nakakaisa o dalawa lang pag sinuwerte, minsan naman wala dahil narin sa kakaibang kakayahan ng mga shenn.

"Ang talino mo naman Lara dahil sayo marami na tayong makukuhang tanso at pwede na natin tulungan si Elder sa gastusin." nakangiting sabi ni Ben kay Lara, sya ay isa sa kasamahan ni Leo.

"HAHAHAHAHA" Pabibong tawa lang ang naisagot ni Lara dahil ginaya lang naman nya ito sa mga napapanood nyang movie.

Ang shenn ay isang mababang uri ng mga beast kaya madali lang ito hulihin kaya lang dapat alam mo ang kanilang kahinaan para ito'y mahuli. Kaya ito ay hindi nahuhuli ng grupo ni Leo imbis na gamitin nila ang kanilang isip, agad nilang nilabas ang kanilang lakas at kapangyarihan.

"Imbis na kasi palawakin at palakasin ang kanilang isipan mas binibigyan prayolidad nila ang kanilang kapangyarihan tch ." saad ni Lara sa kanyang isipan.

Habang ang kasamahan ni Lara ay hinahakot ang mga shenn agad siyang bumalik sa kanyang pagkain.

"hmm sarap"

"HINDI KA MAN LANG BA TUTULONG?!" inis na sabi ni Riya.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Lara habang ngumunguya.

"Hayaan mo na siya Riya ang importante ay marami tayong nahuli." malamig na sabi ni Leo.

MALARA POV
Nandito kami sa daan papunta ng siyudad ng Heistry. Pupunta daw kami duon para ibenta ang mga nahuli naming shenn beast.

Habang naglalakad may nakita akong bilog na kulay itim na nasa daan, kaya agad ko itong nilimut at pinakita kay Leo dahil siya ang pinakamalapit sakin.

"Hoy Leo! Anong tawag dito?" tanong ko habang  nakangiti.

"AHHH" napaungol nalang ako dahil sa biglang pagpitik nito sa aking nuo.

"Kuya dapat ang tawag mo sakin dahil mas matanda ako sayo." nakakunot nitong sabi.

"Ano muna to?" sabay pakita ang aking hawak.

"Tawagin mo akong kuya."

"OKAY KUYA LEO."

"Ang sabi ng matatanda, isa iyang lucky block, at makikita mo lang yan pag ikaw ay maswerte.

"TALAGA?! EDI ANO ANG NAGAGAWA NITO?" hindi ko maiwasan mapangiti sa aking narinig. Ibig bang sabihin nito lalo ako seswertehin?

"Pag ito ay nahawakan mo mamalasin ka ng tatlong  araw" nakangising sabi sakin ni Leo.

"ANO?! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI!!" sigaw ko sabay bato ng lucky block kuno daw.

"Biro lang" nakangising pang sabi sakin nito.

Malara: The Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon