Chapter 30- Double Date (part 2)

16.5K 222 12
                                    

Chapter 30- Double Date (part 2)

Jasper's P.O.V.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Kanina pa ako binging-bingi sa tili ni Kon sa bawat makakakita sya ng multo-pretending...Ano naman ba ang nakakatakot dito? Mga 3rd rate na multo ang cheap pa ng decoration...ang maganda lang dito...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

Sumigaw nanaman si Kon...

Well, katulad ng sinabi ko ang maganda lang dito, biglang namamatay ang mga ilaw...sobrang dilim at wala ka talagang makikita. This is opportunity for lovers at sa akin din...kung wala nga lang balak si Kon na paputukin ang tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya.

Di pa naman kumakapit si Kon sa akin pero sobrang kapit lang nya sa shirt ko na feeling ko mahuhubaran na ako maya-maya...

Bakit ko ginagawa ang lahat ng pang-iinis sa mag-asawang 'to?

Nung una, aaminin ko di ko talaga sinasadyang halikan si Kon, pero hindi ko rin 'yon ginawa para inisin lang sya. Seryoso ako, pero sya pa rin ang pinakamamahal na asawa ni kuya...Kaya hanggang dito lang ang limit ko...Nag-enjoy din akong nakita ang nagseselos na mukha ni Kuya, since first time ko 'yon makita...pero wala akong balak agawin si Kon sa kanya, wala akong balak na mang-agaw ulit ng para sa kanya...

"Jas!!! Di pa ba tayo lalabas?!" sabi ni Kon habang nakapikit...while she's doing her best on keeping her eys closed.

"Lalo ka lang matatakot pag nakapikit ka--!"

Bigla akong napatigil nang makita ko si kuya sa may malayo habang nakatingin sa direksyon ni Kon...

Pagkakita ko sa kanya, bigla ko nalang nahilia si Kon at tumakbo palayo kay kuya...

Sh*t! anu bang ginagawa ko? I've decided na  hindi agawin ang babaeng 'to sa kanya...

Pero bakit ayaw tumigil ng paa ko?!!!

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa may mabangga ako...

"Sorry." Paumanhin ko habang nakatingin sa baba at hinimas ang nabangga kong ulo...

Pagkatingin ko sa kanya, isang average middle aged guy na nakatingin sa amin nang weird...
What's his problem?

Pagkatingin ko sa mata nya, he was about to touch me but I fended his hands off.

"Ikaw si Jasper Monteclaro, di ba? Pwede ba kita makausap sandali?" tanong nya bigla...

Huh? Paano ako nakilala ng lalaking 'to?

"Who are  you?!" tanong ko.

"Hindi ka dapat matakot." Sabi nya habang inilalapit 'yung mukha nya sa akin... "Kaibigan ako ng kuya mo."
But I am certain that he is not my brother's friend.
Nang mapansin nyang pinagdududahan ko sya, he showed me his belt na may nakasabit na baril.
Sh*t! at this time and place?! Nakaramdam na ako na kailangan ko nang tumakbo at handa na akong gawin 'yon nang...

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon