Chapter 45- Premonition

15.9K 177 9
                                    

Chapter 45- Premonition





Sander's P.O.V.



The atmosphere now is so awkward.

Two adult men in one table...

I am now here at Fontanilla Restaurant with the guy who is biologically my dad.

Sinundan ko po kasi ang sabi ni Kon na i-settle na ang matter tungkol sa kanya. I thought it'll go smoothly as I planned.

But iba pa rin 'pag nasa actual na.

Right here and now kaharap ko si Lorenz Monteclaro...after a long 14 years.

"I'm glad you accepted my offer to meet up with me." Paunang kong sabi...well to escape reality, you only need to be indifferent.

Tahimik lang sya with his serious atmosphere...Sigh, 'yun kaya ang una naming conversation after 14 long years dapat man lang sumagot sya nang maayos, di ba?

"How's Aunt Catherine?" tanong ko. Mama 'yun ni Jasper, I had a chance to talk to her, and she was so lovely and sweet.

"She's doing fine." Matipid nyang sagot.

Mukhang hindi kami masyadong magtatagal...

"Just tell me what you want to say and finish this discussion." Sabi nya ulit.

High and mighty as always, huh.

"Did you never love me?" mahina kong tanong.

That question was the most absurd thing I'd ever asked! But also that question was always with me since I was a child...I am just releasing it now.

Nakita ko sa mukha ni Lorenz na nagulat sya. Marahil iniisip nya hindi ako nagmatured.

He composed himself and now his hands started to tremble "What is that absurd question?" sabi nya.

See? And this is why I hated having same thoughts as him.

"Of course, I loved you...even now." He said...

Nabitawan ko 'yung tinidor sa sobrang gulat...at parang may nakita akong nagbukas na bintana...ang kamay ko ang nanginginig ngayon.

My sight was also nailed at him...sa mukha nyang may kaunti ng wrinkles, sa buhok nyang wala pa rin puti hibla hanggang ngayon, sa kamay nyang may kaunting uyat.

Ito ba talaga ang taong 'yon? Ang taong nagpalayas sa akin sa bahay?

Come to think of it...hindi ko pa pala sya natignan nang ganito kaigi...hindi ko alam na may nunal sya sa pisngi, kaliwete pala sya...wala akong alam tungkol sa kanya.

Ang lahat ng hinanakit ko sa kanya, parang bula lang na naglaho, dahil ba sa totoong ama ko sya?

'Yung salitang binanggit nya ngayon lang...ganoon ko ba talaga hinintay na sabihin nya 'yon na naluluha ako ngayon?

Since I was a child I never experience parental love from my real parents...Si tito at ang mga Trajano ang nagbigay sa akin noon...complete strangers gave me love, pero iba pa rin 'pag sa totoo mong mga magulang ang nagsabi...

"Sorry..." paulit ulit ko lang sinabi habang pinipigilan tumulo ang luha ko.

Oh, how lame, ganito lang pala nya ako mapapabigay.

Lorenz didn't gave me a word of comfort...He didn't even asked for my forgiveness. Now I also know that he's that type...a stubborn dad.

"If you wish to see your mom, I'll set you an appointment." Sabi nya.

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon