Chapter 4- My Six years with Her.

31.8K 377 6
                                    

Chapter 4 Jasper's P.O.V. "My 6 years with Her."

a/n: Okay! Jasper's P.O.V. mga kalokohan nila ni Kon these 6 years! Next si Kon! Enjoy!

What a peaceful day! Walang pesteng nambubulabog sa akin ngayong araw. That's right... Kon will be out for a vacation with kuya Sander today. And that's for one week! One week without Kon Hailee Trajano! Can you imagine kung gaano kasaya 'yon? One week na kapayapaan! Though mas maganda sana kung sya nalang mag-isang aalis-bakit pa kasi kailangan nyang isama si kuya.

I normally start my day with Kon's call-tulog pa ako nambubulabog na sya na kung bakit di pa daw ako nakabihis e malalate na raw kami. Basically sya ang "alarm clock" ko. "Come at school within 15 minutes." 'Yan lagi ang sinasabi nya pag tumatawag. If I ignored her naman susugod sya sa bahay at pipilitin nya akong bihisan. Oh that was totally a crap! As if she owns my life. Hay... She just always does her will. Pero ngayon! I finally had my freedom! Whoo! Ang sarap ng feeling parang gusto kong matulog boung araw! But I know I wouldn't be satisfied by that only kaya lumabas na lang ako para magbasketball. Pumunta ako sa tambayan ng mga naglalaro ng iba't-ibang sport at sumali ako sa mga nagbabasketball. Buti na lang matino ngayon itong mga kalaro ko...madalas kasi lagi lang nauuwi sa ayaw ang paglalaro namin. Grabe, it's really my lucky day! This is 1000 times better than engaging into dangerous sports! We ended up that basketball peacefully nga, kaya nakaalis ako sa park ng walang bugbog then kumain ako ng ice cream sa may convenience store-paano ko nalaman ang convenience store e super yaman ko nga? Well, it was Kon's hobby to explore different things.'Pag may gusto syang i-try, sinasama nya 'ko. We were 14 then-she escaped and as usual dragged me with her. She brought me to a place called convenience store. Nagustuhan ko ang convenience store...well, I came to love eating instant noodles there, just pouring hot water to the cup is the best! Naging tambayan din namin ang mga books store at fast food chain. At nahilig naman sya sa extreme sports when we were 17. May napanuod daw sya sa t.v. like some featured around the world trip show doing some crazy acts like jumping from a bridge 50ft above the river. Weirdo na talaga si Kon sa simula palang pero hindi ko inakala na ganun sya ka-weirdo para mag-engage sa extreme sports. Kaya ayun, halos malibot na namin ang lahat ng dangerous spot ng Pilipinas para lang masatisfy sya. Di kami nakaatung sa ibang bansa dahil laging denied ang visa nya ーit was probably Kuya's doing though.

Kon may seems so free but she really isn't. 'Yun din soguro ang isa sa dahilan kung bakit di ko sya maiwan.

Oh well...

Napatagil ako bigla dahil sa nakita ko...fishball vendor. Haha! Grabe, matagal ng gustong subukan ni Kon 'yang fishball na yan. Pero she said that pinagbawalan syang kumain ni Kuya ng ganun...She said that she can get anything she want from my brother but when she asked for fishball, di daw binigay...And Kon will never defy my brother with the matter of do's and don't...maliban na lang sa pagtakas nya at extreme sports that she's engaging. Sobra talaga syang na-depressed sa fishball nun...bata palang naman kami nun. May lason siguro 'yung fishball kaya pinagbawal. ANYWAY, BAKIT KO PALA INAALALA ANG PAST KO KASAMA ANG BABAENG 'YON?

I just passed by the fishball vendor...

But in a second thought...edi sana marami ng namatay sa fishball kung ganun nga...wala naman sigurong mangyayari kung titikim ako ng isa.

Namalayan ko na lang bumabalik na 'yung paa ko sa fishball vendor.

"Kuya, magkano po?" tanong ko sa nagtitinda.

"Piso dalawa, pogi...'yung kikiam tsaka squidballs, piso isa...tusok kana pogi, mamaya na 'yung bayad sige." sabi nung tindero, cheerfully.

Inalukan nya ako ng stick ーbamboo na hinati lang nang manipis.

Naughty wife, Naughtier husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon