Alex POV
Day 3
Napatingin ako sa orasan.
10:37
Naalala ko bigla ang sinabi ni Diosa kanina.
" Alex, kung ako sa'yo, sa gabi mo gawin ang options. Kasi kung ngayong araw mo gagawin 'yun, aba goodluck! Tingnan natin kung di ka pagtawanan ng mga kapit-bahay natin. At baka isipin nilang desperada ka na sa titulo at tanga dahil sa kagagahan mo. "
Putek! May punto rin naman siya. Kaso nasasayang ang oras ko kung tutunganga lang ako dito. Bumaba ako at manonood na lamang ng TV. Bumungad sa akin ang balitang ito.
Reporter : Aldrin Blair Fortalejo, the multi-billionaire and the President of Fortalejo Group of Companies is missing.
According to some resources, the main branch of Fortalejo GC is facing a crisis due to an anomaly which some investors started to pull out there shares. But here's the real problem, where is he?
Fortalejo? Sa pagkakaalam ko, sila ang karibal ng aming kompanya. Tapos malalaman kong nawawala siya. Tss. Wala din naman aking pakialam kung nasaang lupalop nagtatago o namumuhay ang Aldrin Blair Fortalejo na iyan. Hindi siya ang priority ko kundi ang letsheng kapit-bahay kong 'yun.
Nababagot ako kakapanuod kaya naman napagpasyahan kong lumabas ng bahay. Naglakad-lakad ako. Hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man nila ako dalhin. Ilang sandali ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang hardin na punong-puno ng bulaklak at paru-paru.
Tangina! Naalala ko ulit siya. Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
" Gretchelle, halika. Maraming paru-paru dito. Bilis. "
" Eh teka ho. Bata pa po ako para tumakbo ng mabilis. Hihi. "
" Ikaw talagang bata ka. O siya, kargahin na lang kita. "
" Yehey! Kakargahin niya ako. Dali na. Gusto kong manghuli ng paru-paru. "
" Haha. O ayan. Simulan na natin. "
Nanghuli na kami ng mga paru-paru. Masayang-masaya ako dahil nakasama ko siya dito.
" Gretchelle, kapag nakakita ka ng paru-paru, tandaan mo na ako ay parang sila. Babantayan kita kahit saan ka man. "
" Opo. Hihi. Tingnan mo po. Ang ganda nito o. Color red tapos may pink. "
" Sige pakawalan mo na. Baka hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. "
" Ayoko. Gusto ko siyang alagaan. Sa akin na lang po siya? Please? "
" Okay. Basta alagaan mo siya ha. Itong paru-parung 'to ang magsisilbi mong mama o kaibigan ha. Uulitin ko, ako ay siya. Iisa lang kami. "
" Opo. "
Langya! Kung alam ko lang na yung ang huli naming panghuhuli ng paru-paru, sana sinulit ko na. Sana nagpagabi kami para matagal-tagal pa kaming magkakasama. Sana, pinasaya ko siya ng husto. At sana hanggang ngayon, buhay pa siya pati na ang paru-paru. T____________T
" I hate seeing a girl cry. "
Napaangat ang aking ulo at tiningnan ang nagsalita.
" You need this. " pagkatapos ay inilahad ang panyo.
" No thanks. Hindi ko kailangan niyan. " tanggi ko sa kanyang alok.
Lumapit siya ng konti sa akin saka umupo. At bigla niyang pinunasan ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. Syet! Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?
" Keep this. Maybe next time, you'll need it. " sabi niya sabay tayo at naglakad paalis.
Nakatitig na lamang ako sa kanyang likod na habang tumatagal ay nawawala dahil sa paglalakad niya papalayo.
Napasulyap ako sa panyo na kanyang iniwan. May burda itong " Knight ". Isa na namang kutong-lupa na hindi ko kilala ang aking nakilala.
------
Mag-aalas diyes na ng gabi. Tumingin muna ako saglit sa salamin. Ayos na ako. Napatigil ako dahil napansin ko ang dalawang panyo. Yung isa ay may burdang " ABF " samantalang 'yung isa ay ang kanina na ang burda ay " Knight ".
Tss. Umalis na ako sa aking kwarto at lumabas na ng bahay. Nadatnan ko si Diosa na nakaupo sa gilid ng mga tanim.
Nakita din naman kaagad niya ako kaya lumapit siya sa akin.
" Ready ka na? " tanong niya.
" Ewan ko Diosa. Parang kinakabahan ako. "
" Pambihira. Nung isang araw, ang tapang-tapang mong kaibiganin si Mysterious Guy Next Door tapos heto ngayon, kinakabahan ka. Pwedeng magback out. " pilosopo niyang sagot.
" Heh. Asarin mo pa ako at baka samain ka sa akin. " banta ko.
" Aish. Oo na. Titigil na po. Sige gora ka na. Ayokong magka eyebags dahil sa matagal akong natulog. "
Sumunod ako sa kanyang sinabi. Nagtungo kaagad ako sa kabilang bahay.
O.O
Putcha! Ang daming aso. Syeteeeeeeee! Paano ko gagawin ito. Baka pagnagdoor bell pa lang ako, tahulan ako ng napakalakas tsaka kakagatin bigla.
" Ano? Tutunganga ka na lang diyan Alex? Bilis na. Magdoor bell ka na. " naiinip na wika ni Diosa.
Sus. Kung hindi ako nakapagtimpi dito baka nasapak ko na siya. Pero no choice. Pinindot ko ang door bell ng ilang beses. Ngunit walang lumalabas ni isang tao. Walanjo! Walang lalabas!
Mga dalawang oras ang lumipas, marami ng pagdodoorbell ang ginawa ko pero tae! Walang pumapansin sa akin. Narinig ko ang sigaw ni Diosa.
" Takte Alex! Hating gabi na. Ayoko na! Matutulog na ako. Tsaka pagod na pagod ako. Peste! " at padabog na umalis.
Maski ako nga rin, pagod na. Dalawang oras na lumipas pero wala. Walang-wala. Paano ko gagawin ang susunod kung sa una pa lang, bigo na ako! Putspa! Tangina! Amputa! Putangina! Lahat ng mura ang nasasabi ko para mapalabas ang sama ng loob ko.
" At last you stopped. "
Napatayo ako sa aking kinauupuan. Frustrated ako dahil sa kanya. Tapos ngayon, 'yan lang ang sasabihin niya.
" WALANGYA! ILANG BESES AKONG NADOOR BELL KANINA SUBALIT NGAYON KA LANG LUMABAS! PUTCHA! " nanggagalaiti kong sigaw.
Wala akong pakialam kung magising ang ibang kapit-bahay namin. Ilalabas ko ang natitirang samang loob sa aking sistema.
" At least you stopped. " cold niyang bulalas.
Napahinto ako saglit.
" Why do you want to be my friend? To have the title you always won. Ang babaw mo. " dagdag niya.
" Hindi lang iyon basta bastang titulo. Mahalaga iyon sa akin. Para sa iyo mababaw lang. Kaso sa akin, it's really damn important! " pasigaw kong giit sa kanya sabay suntok ng suntok sa dibdib niya.
Hinayaan niya lang akong gawin 'yon. Ugh! Nakakainis ang lalaking ito. Ang babaw? Siya ang mababaw! Peste! Tumigil na ako sa pagsuntok at napaupo ulit sa gilid.
" Are you satisfied now? "
" Tumahimik ka! " galit kong wika.
" Stupid girl! To be honest, I don't need a friend. So stop this shit. Stop everything you planned. I don't want a friend. " pagkatapos ay tinalikuran ako.
The heeeeeell! Bakit ang cold hearted ng lalaking 'yon? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Pero. . . . .
How come he knew about the title and my plans?
■○■○■○■○■○■○■○■○■○
Happy Independence Day!
BINABASA MO ANG
The Mysterious Guy Next Door
RomanceNext Door Series #1 { ON-GOING } Kilala mo ba lahat ng inyong kapitbahay? Pwes, ako hindi. May namumukod tangi kasi akong kapit-bahay ng ubod ng misteryoso. Oo. M-I-S-T-E-R-Y-O-S-O! Ako si Gretchelle Alex Mendrez, nanunumpa sa walong planeta at sa...