2nd Meet

49 2 0
                                    

Alex POV

Kanina pa ako pagulong-gulong sa aking kama habang hawak-hawak ang isang pirasong papel.


Syet! Ang sarap magpatiwakal. Idagdag mo pa ang suhestiyon ni Kuya Aries. Hindi talaga siya maasahan sa ganitong bagay. Ang hawak ko kasing papel ay naglalaman ng :


5 Options To Know The Guy Next Door


Option #1. Ring his doorbell many times. If he comes out, act like you're hurt. Then let him bring you to his house and start knowing him.


Option #2. Dress yourself as a beggar. And again ring his doorbell. Let him believe you need food or water so you can come inside his house and know his identity.


Option #3. Throw stones in his window. From that moment, he'll notice you and tell him that you're pregnant and he's the father. Maybe, he'll let you in.


Option #4. Shout outside his house like your panicking because there's a fire going on. There might be a chance that he'll come out of his house once you did that.


Option #5. ( The desperate move.) Climb the gate. Sneak into his house without making noise. Search for some informations. If he catches you, threaten him that you'll kill him. Force him to be your friend and get to know some details of his life then you can go out of his house freely.


That are the options to know The Guy Next Door. And that'll be the solution to maintain your title. ^.^


Putcha! Baliw talaga 'tong si Kuya Aries. Options ba naman ang ibinigay at hindi steps. Urgh! Kaagad akong bumangon tsaka bumaba para sakmalin si Kuya. Kakairita eh. Baka akala niya nagbibiro ako. Pwes. Hindi!


Pagkababa, hindi si Kuya ang nadatnan ko kundi si Papa na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Itinago ko ang pirasong papel sa aking bulsa. Pinuntahan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ang aga ata niya ngayon ah. Mga alas siyete sa gabi ang uwian niya pero anyare ngayon? Hmmm.


Tumabi ako sa kanya at sumabay sa panunuod niya ng telebisyon. Aksyon ang palabas.


" Gretchelle. " tawag niya sa akin.


" Papa naman. Alex ho. Ang laswa ng Gretchelle. " reklamo ko.


Sinamaan niya kaagad ako ng tingin. Nagpeace sign naman ako at niyakap siya.

" Mamayang alas otso, sasama ka sa akin. I'm gonna meet a friend. " wika niya.


Nagpantig ang tenga ko. Friend? Wushooo! Galawang Papa 'to. Alam ko na mga technique niya eh. Kapag may mga meet siya with his friend, sigurado akong kasama ang mga lalaki nitong anak. Naranasan na niya 'yun. Mga 27 times. Lahat nun naturn off sa kanya. Haha. Ayoko pa kasing magboyfriend. At wala sa hinagap ko ang magkaroon ng isa.


" Papa may lakad ako mamaya. Susunduin ako ni Diosa dito. " rason ko.


The Mysterious Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon