3rd Meet

38 1 0
                                    

Alex POV

One word to describe what I feel now.

FURIOUS!

Tangina! Di man lang ako nainform na siya pala ang anak ng kaibigan ni Papa. I'm doomed. Simula noong graduation namin sa high school, hindi ko na siya nakita o nabalitaan pa. Nawalan din kami ng komunikasyon at syempre pinutol ko lahat ng ugnayan namin.

Si Patrick Xyler Villanueva, my first boyfriend but sad to say ay EX ko na siya. Nagbreak kami dahil hindi kami compatible sa isa't-isa. Parang hindi kami nagclick kumbaga. Okay lang rin sa akin ang break up namin dahil hindi naman malalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

" Hija okay ka lang ba? Ang tahimik mo kasi. Naiilang ka ba sa amin? O kay Patrick? I've heard nagkarelasyon kayo noon. But you broke up. Sayang naman. I like you for my son. Bakit nga ba kayo naghiwalay? " diretsyong sabi ni Tito Travis.

Sabay na napahinto sa pagsubo si Papa at si Patrick habang ako naman ay napaawang ang bibig.

" Ah eh. W-wala ho yun. It's a long story and kinda hard to explain. " nauutal kong paliwanag.

Sumabat bigla si Patrick sa usapan. " Dad let's not talk about it. So Chelle. " baling ng atensyon niya sa akin. " How's life? What's your work and by the way how old are you? " sunod-sunod niyang tanong.

" Don't call me Chelle. I prefer Alex. I'm 23 years old. And it's none of your business to know my work. " mataray kong sagot.

Nag " aherm " si Papa. Si Tito Travis naman ay humalakhak lang. This is really a bad idea. Paksyet! Sana hindi nalang ako sumama para walang akward moments tulad nito. Ugh!

" Hijo. " tawag ni Papa. Kaya ngayon, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya. " Do you have a girlfriend? "

Huh! Ba't tinanong niya. Curious ata si Papa.

" No Tito Damian. Masyadong hectic ang schedule ko. Busy rin sa kompanya. Malapit na kasi akong gawing CEO ni Dad. " sagot niya at sumubo ulit.

" THEN DATE MY DAUGHTER . . . . AGAIN. "

Napamangha si Tito Travis. " That's a good idea. Pareho kayong single. And who knows, kayo ang magkatuluyan. " then he chuckled.

Napatayo ako sa aking kinauupuan sabay hampas sa mesa. " NO! THAT IS CRAZY! I MEAN A-YO-KO! "

Binigyan ako ng nakakamatay na tingin ni Papa. Tss. Hindi ako nasisindak sa ganyan. Matapang ako. Tinuruan niya ako kung paano lumaban sa aking karapatan. Subalit ang nakakapagtataka ay ang panghihimasok niya. Tuwing may kaeye ball ako, tahimik lang siya di tulad ngayon na siya mismo ang nagsabi na idate ako. Syete!

" Sit down Gretchelle. So hijo. what's your decision? "

" Actually Tito, I still love her. And I'm willing to date her again. You can trust me and you'll have my word. "

--

" ALEX tama na nga 'yan. " awat ni Diosa.

Alas onse na ng gabi. At heto siya sa kwarto ko inaalo ako. Siya nga pala, Diosa Nevada, matalik kong kaibigan. Magkatapat lang ang aming bahay.

" Diosa ayoko kay Patrick. Ayoko rin ng boyfriend. Gusto kong ligawan si Liza Soberano. Paano na pangarap ko? " Binatukan niya ako bigla.

" Heh. Liza Soberano ka diyan. Okay na kaya si Patrick. Ayaw mo nun gwapo, mayaman, mabait saka responsable. Package ka na sa kanya. "

" Putcha! Boto ka para sa kanya. MAGSAMA KAYO NI PAPA! Peste! " galit kong sigaw at tinaboy siya.

" OA mo Gretchelle Alex Mendrez. Manahimik ka nga. Marinig ka ni Tito baka igrounded ka. " Sumimangot ako pagkasabi niya nun.

" Grounded? Ano ako bata?! Ay ewan! Hindi ko muna poprobelmahin 'yan. Yung titulo ko bilang the friendliest person in town ang priority ko. Ano ba ang dapat gawin? " bulalas ko at humiga sa kama.

" Akin na nga 'yang sinulat ni Kuya Aries " Ibinigay ko sa kanya ang papel at sinimulan na niyang basahin ito.

Ilang minuto ay humagalpak siya ng tawa. Nababaliw na rin ba siya?

" Haha. Ayos ah! Operation: Know The Mysterious Guy Next Door tapos options ang ibinigay. Haha. May saltik talaga si Kuya Aries. Haha. "

" Lagot siya sa akin. Sasakmalin ko siya ng kay higpit. Amputa! "

Walang katapusan ang pagtawa ni Diosa habang inulit ang pagbabasa. Bwesit din 'tong babaeng 'to. Akala ko tutulungan ako yun pala, tatawanan lang ako. Nakakainis na ang mga tao sa paligid ko.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas. Binuksan naman ito ni Diosa. Pumasok si Kuya Aries na tatawa-tawa. Sinabayan naman siya ni Diosa. Puta! Sinugod ko kaagad si Kuya tsaka sinakmal.

" A-aray! A-ano ba?! A-alex t-t-tama -n-na. "

" Hoy Alex. Bitiwan mo si Kuya. Papatayin mo siya dahil dito? " At ipinakita ang papel. " Ang babaw mo. Bitiwan mo na siya. Uy. " pigil ni Diosa.

Wala akong nagawa kundi bitawan siya. Umuubo naman si Kuya samantalang si Diosa ay umiiling na tumingin sa akin.

" Putangina ka Alex! Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? "

" Heto. " Tinapon ko sa kanyang mukha ang papel. " Ginagawa mong biro ito Kuya. Ngunit sa akin ay mahalaga ito. Operation tapos option? Tanga ka ba o niloloko mo lang ako? Sabihin mo nga, gusto mo ba akong tulungan? Kung ayaw mo eh di wag! " Pagkatapos ay umupo sa aking higaan at nagface palm.

" Sorry Alex. " paumanhin niya. " Ito lang kase ang naiisip ko. Kapag kasi steps ang ibinigay ko, baka mahirapan ka. At ayokong nahihirapan ka. Ibinilin ka pa naman niya sa akin. " at niyakap ako.

" Wait guys. Come here. " tawag ni Diosa sa amin.

" Diosa mamaya na. " wika ni Kuya.

" Yung misteryoso niyong kapit-bahay ay parang aalis. Bilis tingnan niyo. " Kumaripas kami ng takbo ni Kuya papunta sa bintana. Tama nga si Diosa. Sa dis oras ng gabi ay aalis siya? Binuksan niya ang gate. Huminto siya sandali at sumulyap sa amin.

O.O

Sinong tinitingnan niya? Ako ba o sila? Ang weird.

" Saan kaya siya pupunta? " curious na tanong ni Diosa.

Sinang-ayunan ito ni Kuya. Hindi nila napansin na sumulyap siya amin. Tss. Baka guni-guni ko lang iyon. Tsaka oo nga. Saan kaya siya pupunta? Tumpak si Tita Faye. Sobrang misteryoso niya nga. Kaya lang, may bumabagabag na tanong sa aking utak.

Tumingin ba talaga siya sa akin at bakit?

The Mysterious Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon