Alex POV
DAY 1
Paalis na ako sa bahay dahil papasok na ako sa trabaho. Paglabas ko, inabutan ko ang iilang kakilala ko na naglilinis ng bakuran. 'Yung iba naman ay nagkakape o di kaya'y nagtatapon ng basura. Binati ko naman kaagad sila.
" Good morning po sa inyong lahat. " masigla kong bati.
Kanya-kanya namang sagot ng bati sila sa akin. Napangiti ako ng walang oras. Napakagaan ng pakiramdam ko. Tuwing nakikita ko silang tumatawa o masaya kapag binabati sila, naalala ko siya. Sobra. Kaya hindi ako papayag na mawala ang titulo ko.
Napasinghap ako ng may sumundot sa aking tagiliran. Aba bwesit din 'tong si Diosa. Oo. Si Diosa ang sumundot sa aking tagiliran. Kutusan ko kayang bruhang 'to.
" Ano tayo na? " patay-malisya niyang tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya. Hays! Ba't ba kase naging kaibigan ko siya? But on the contrary, ayos lang din. May masasandigan ako kapag may problema ako. Tested and proven na.
Nagpatiuna akong naglakad. Maasar nga 'tong bruhang 'to. Kabisado ko na siya. Ang bilis niyang mapikon. Natatawa nga ako kapag namumula siya sa galit. Parang anytime sasabog na. Haha
" Hoy Gretchelle! Antayin mo ako. Ano ba! Letshe ka! " O di ba! Pikon kaagad.
Tumigil ako saglit saka humagalpak ng tawa. Siya nagsimula. Siya pa unang pikon. Haha.
" Imbiyerna ka talaga Gretchelle. Psh. "
Inakbayan ko siya at bumulong. " Sinong nagsimula? "
Lalo siyang napasimangot. May dalaw siguro siya. Haha. Bahala na nga. Hinila ko na si Diosa papunta sa labas ng gate. Pwede naman kasing lakarin. Actually, may kotse kami. May driver rin. In short, mayaman kami. Pero, ayokong umasa sa kanila. Ayokong ipagkandalakan na mayaman ako. Gusto kong tumayo sa aking sariling paa na walang inaasahan. Kaya nga nagtrabaho ako sa ibang kompanya ng walang tulong galing kena Papa at Kuya.
Maayos buhay ko sa ganito. Araw-araw na exercise at syempre, nakakasalamuha ko mga taga-village.
Sa paglalakad, nakasalubong namin si Lola Amor. May dala-dalang isang pumpon ng bulaklak.
" Magandang umaga Lola Amor. " bati ko sa kanya sabay ngiti ng malapad.
" Uy Gretta, magandang umaga din. " sabi niya.
" Naku! Si Lola Amor. Balak atang manligaw kay Lolo Luis. " pang-aasar ni Diosa.
" Ligaw? Hindi Diosa. Bibisitahin ko siya ngayon. Ikaw talagang dalagang ka. " at lumapit kay Diosa pagkatapos ay kinurot sa tagiliran.
" Aray Lola. Di ka naman mabiro diyan. " daing niya.
" O siya. Tumuloy na kayo at baka malate pa kayo sa trabaho. At ako'y maghahanda sa pagbibisita sa kanya. Miss ko na siya eh. Ang sarap balikan ang mga araw na nandito pa siya. Haha. Sige. Mag-ingat kayo Gretta ha. " bineso na namin si Lola Amor tsaka naglakad na papunta sa labasan.
Siya nga pala, patay na si Lolo Luis. Matagal-tagal na din iyon. Namatay si Lolo sa sakit na Cancer. Nalungkot nga kami sa pagpanaw niya lalo na si Lola Amor. Dumaan ang mga taon, natanggap na din niya. Bumalik siya sa pagiging masayahin. Napabilib nga ako sa kanya dahil loyal siya kay Lolo. Hindi siya nagsawang mahalin ito kahit patay na. Tiyak natutuwa na si Lolo sa langit.
Tapos, sanay akong tawagin na Gretta ni Lola. Nahahabaan kasi siya sa Gretchelle at ayaw niya sa palayaw kong Alex. Hinayaan ko na lang siya dahil napamahal na si Lola sa akin. Naging parte na siya ng buhay ko. Kung maari ngang kupkupin si Lola, ginawa ko na. Haha.
" Gretchelle, halika na. " tawag ni Diosa sa akin.
Meron na palang taxi. Sumakay ako kaagad. Teka. May naalala ako. Bigla kong binatukan si Diosa.
" Hoy! Ano na naman?! " reklamo niya.
" Namimihasa ka na sa pagtawag sa akin ng Gretchelle ha. Isang tawag pa, sasabunutan kita. " banta ko.
Sumimangot siya at nagcross arms. Menopause baby ata si Diosa. Uso sa kanya moodswings eh.
" Alex. Bilib ako kay Lola. Kasi nagawa pa niyang mahalin si Lolo sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan. Idagdag mo pa na patay na si Lolo. Idol ko na siya. " bulalas ni Diosa.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. " Matagal na akong bilib sa kanya. Sigurado din naman na binabantayan siya. Napakabait kaya ni Lolo. "
" Naalala ko pa nung hinarana niya tayong dalawa. Harhar. Akala ko nga manliligaw siya sa atin. Yun pala, pinagpraktisan lang tayo. " Ala-ala namin sa kanya.
" Mga hija. " sabat ni Manong Driver.
Nabaling ang aming atensyon sa kanya.
" May problema ba Manong? " nagtataka kong tanong.
" Ang pag-ibig hindi 'yan nasusukat. Mabuhay ka o mamatay siya, nararamdaman mo pa rin ito. Walang sagabal kung nagmamahal ka ng totoo. Ano man ang mangyayari, kung totoo ang nararamdaman mo, hindi ka magdadalawang-isip at hindi mo siya papalitan sa'yong puso. " sabi niya.
" Aba Manong. Lakas makahugot ha! " pang-aalaska ni Diosa.
Ngumiti lamang ng malapad si Manong sa amin tsaka kumindat. Haha.
" Matanong ko lang, may boyfriend na ba kayo? " tanong ni M.D ( Manong Driver)
Napaubo ako ng walang oras samantalang si Diosa ay nagpipigil ng tawa. Syete!
" Tae Manong! Wala 'no. Hindi uso 'yan sa akin. " reklamo ko.
" Kasi Manong TOMBOY 'yan. Haha. 'Di pumapatol sa kanyang kauri! Wahahaha! " segunda ni Diosa. Siniko ko siya, dahilan para mapadaing siya ng malakas.
" Huwag hija! Sayang genes mo. Ang ganda mo pa naman. "
YAKSSSSSSSSSSSS! HINDI NGA SABI AKO MAGANDA!
—
UWIAN na namin sa trabaho. Natapos ko na kasi lahat ng trabaho ko. Pati rin naman si Diosa kaya nagtungo na kami sa labasan. Nagpaalam na kami sa mga trabahante dito saka sa guard.
Sumakay na kami sa isang taxi ulit. Buti naman hindi na madaldal ang driver. Baka makatikim kasi ng kutos sa akin. Naiinis pa ako.
Nakarating na kami sa aming village. Alas otso na pala ng gabi. Nagpatiuna na sa paglalakad si Diosa dahil umuwi daw ang kanyang Kuya. Sa paglalakad ko, may natanaw akong lalaking naglalakad. Hindi siya pamilyar dito. Mukhang may clue na ako. Baka siya na si Mysterious Guy Next Door.
Hinabol ko siya. Naabutan ko naman kaagad at kinausap siya.
" Hi! Kumusta ka na? May I know your name? " mahinhin kong sabi.
" . . . . . . . " putcha! No response lang.
" Uy. Di ka ba nagsasalita? Tanggalin mo nga 'yang hood mo. Mukha ka kasing multo sa outfit mo eh. " bulalas ko aakmang tatanggalin ang hood niya ng pinigilan niya ang aking kamay.
" Don't you dare do that! " banta niya sabay takbo papaalis. Huminto siya sa kanyang bahay which is katabi namin! Tangina! Siya talaga ang Mysterious Guy Next Door!
Pero bakit ang cold ng kanyang boses at ilag siya sa mga tao? Napakamisteryoso niya nga.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Guy Next Door
RomanceNext Door Series #1 { ON-GOING } Kilala mo ba lahat ng inyong kapitbahay? Pwes, ako hindi. May namumukod tangi kasi akong kapit-bahay ng ubod ng misteryoso. Oo. M-I-S-T-E-R-Y-O-S-O! Ako si Gretchelle Alex Mendrez, nanunumpa sa walong planeta at sa...