5th Meet

40 1 0
                                    

Alex POV

DAY 2

Wala pa rin akong ginagawa. Amputcha kasi! Parang ang bayolente niya. Parang any minute, eh sasaktan niya ako o di kaya'y papatayin dahil sa lamig ng kanyang boses. Kinilabutan ako.

Pero walang makakapigil sa akin. Ngayong araw ko sisimulan ang Operation: Know The Mysterious Guy Next Door. Nagfile ako ng 1 week leave. Buti at pinayagan ako ng aking Manager. Hayok pa naman 'yun sa trabaho. Kelangan kung ano ang nakatoka mong gawin ngayong araw, dapat matapos mo kung hindi, bawas ang sahod.

Umupo muna ako sa sofa at nag-isip kung anong oras ko gagawin ang operasyon. Si Kuya kasi pumasok na sa kompanya habang si Papa ay nakipagmeet sa ilang businessman sa Tagaytay. Wushooooo! Libreeeeeeeeeee ako sa buong linggo!

Isip. Isip. Isip.

" Hi Alex! " Napatalon ako sa gulat dahil may nagsalita sa aking likuran.

Syet! " Anong ginagawa mo dito Patrick? " at pinaningkitan ng mata. As far as I know, busy siya sa kanyang trabaho.

" I'm here to ask you for a date. Would you mind? " nakangiti niyang tanong sa akin.

" Stop the pretense Patrick. Alam kong hindi mo na ako mahal. Malay ko bang sinakyan mo lang ang sinabi ni Papa. " Umupo ako ulit sa sofa. Manigas siya diyan. Di ko gusto ang sagabal lalo na't nag-iisip ako.

" I'm not pretending Alex. When I said I love you, I MEAN IT! Maniwala ka nga sa akin. " mariin niyang sabi at tumabi sa akin.

" Ayaw! " matigas kong sagot.

Nanahimik siya sandali. Hay sa wakas! Payapa na ang bahay. Aakyat sana ako sa aking kwarto para kunin ang papel na sinulatan ng options nang hinila niya ako. Napaupo ako sa kanyang binti. O/////////O

" I know you still love me Chelle. " malumanay niyang lintanya.

" Wow ha! Ang kapal mo Patrick Xyler Villanueva. Simula nung nagbreak tayo, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa'yo. Syet ka. Masyado kang bilib sa sarili mo at nagiging assuming na rin! " pagalit kong wika at umalis sa pagkakaupo sa kanya.

" So what kung wala! Sige. Kung wala na nga, ibabalik ko ang nararamdaman mo sa akin noon. " sabi niya sabay hila sa akin papalabas ng bahay. Isinakay niya ako sa kanyang kotse. takte! Nasisiraan na ba siya ng bait.

Wala pa akong ligo tapos ang suot ko pambahay lang! UUUUUUUUUUURRRRRGGGGGHHHH!

" Ano ba Patrick! Iuwi mo ako sa amin. Leshe kang lalaki ka. Busy ako ngayon. May mahalaga akong gagawin! " reklamo ko tsaka hinampas-hampas siya.

" N-O. You'll be with me today. " mariin niyang sabi

" Bwesit ka talagang kumag ka! Sabihin mo nga, anong makukuha mo kapag nagdate tayo? Aber! " at nagcross-arms.

" Puso mo syempre. At hindi na tayo bumabata. I want to build my own family. And I want you to be my wife. " then he wink.

O____________O

What the pak!

" Speechless. Haha. Thought so. " lintanya niya sabay halakhak ng malakas. " Honestly, why did we broke up Alex? May mali ba sa atin noon? " curios niyang tanong.

I smirked. " Lahat mali Patrick. Tingin mo, sapat na ba ako para sa kinabukasan mo? Isinisigaw ng paligid natin noon na magkaiba tayo ng estado. Hindi tayo bagay. "

Nakita ko ang lungkot na ekspresyon sa mukha niya. Well, truth hurts. Reality bites. Kahit balig-baliktarin ang mundo, masasaktan ka sa katotohanan.

Katahimikan ang bumalot sa loob. Salamat din. Nakakasura rin kasing pakinggan ang NAKARAAN namin. Tss. Wala na akong paki sa mga nangyari noon. NANGYARI nga di ba. Past tense.

" Alex. " and he held my hand. " Whether you like it or not, I'll date you. I'll prove to you that even it's me and you against the world, I still love you. I want the whole universe to know it. Hindi kita ikinakahiya kahit ganyan ka. " the suddenly kiss my hand.

*///////////*

Syete! Baliw ba siya o tanga at hindi man lang naintindihan ang sinabi ko kanina. Ibagok ko kaya ulo niya para mas maintindihan niya ang ipinapahiwatig ko. Uuuuuuughh! Sana lamunin siya ng kotse para wala ng sagabal.

Napansin kong huminto kami. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay. Nakakailang. Jusme! Lumabas ako ng kotse at tumambad sa akin ang paborito kong lugar noon. Ito ang lugar kung saan ako pumupunta dati kapag namimiss ko siya. Pero nung naging kami na ni Patrick, dinala ko siya dito. Ito kasi ang lugar kung saan gusto mong makapag-isip o di kaya'y katahimikan.

" Bakit dito mo ako dinala? Nung nagbreak tayo, kinalimutan ko lahat. Pati ito. "

He chuckled. Napataas ang isa kong kilay.

" I want to reminisce Alex. Remember, dito tayo gumagawa ng memories. Kaya sisimulan ko dito. We will rebuild new ones. 'Yung ala-ala na kapag malungkot ka ay maiisip mo tapos matutuwa ka bigla. " pahayag niya tsaka umakbay sa akin.

Umusog ako ng konti para makawala sa kanya. Mas lumakas ang halakhak niya.

" I won't bite Alex. Haha. Tayo na. May dala akong pagkain. Mauna ka na. Susunod ako. " dagdag niya.

Bumuntong-hininga ako sandali at nagpatuloy sa paglalakad. Kaagad na nagsibalikan ang mga alaala namin noon ni Patrick dito. Deym! Dapat kalimutan ko na iyon. Wala akong mapapala kapag pinag-aksayahan ko pa ng panahon.

Iba din kasi ang trip niya. Kung anong gusto ko, kabaliktaran ang gusto niya. O diba. Parang may saltik lang sa utak. Haha.

Pero. . . . Hindi rin naman masama kung wala muna akong iisipin sa oras na ito. Magrerelaks ako kahit ngayon lang. Napasulyap ako sa mga bulaklak sa paligid. Ang gaganda saka ang babango. Siguro, dadalhan ko siya ng ganito sa susunod kong bisita. Gusto pa naman niya ng mga bulaklak.

" Enjoying the view Alex? " I heard him asked.

Ngumiti ako saka tumango. He flash a bright smile. Afterall, he didn't change. He's still the Patrick Xyler Villanueva I met few years ago.

" Nagugutom ka? May sandwich akong pinagawa. " at inilahad ito sa akin.

Tinanggap ko ito. Pagkatapos ay tumingala sa langit. Maganda ang panahon. Kulay puti na mga ulap na iba't-ibang hugis. Nakakamiss din pala ang ganitong gawain.

" Alex, bakit nga ba tayo nagbreak up? " he suddenly ask.

I froze after what I heard. Aish! Balewalain ko na lang iyon.

" Huwag na natin pag-usapan 'yan Patrick. Gusto mo bang masira ang mood ko? " pananakot ko sa kanya.

" Okay. I won't ask again until you're ready to answer it. Gusto ko kasing malaman kung bakit Alex. I'm eager to know about it. But now, I'll let it pass. So, what will we do here? "

My eyes widened. Akala ko may plano siya saka sasakyan ko nalang para walang problema.

" Putcha ka Patrick! Akala ko ikaw ang bahala dito. Para kasing planado mo na lahat! " nanggagalaiti kong tanong.

" Well, unplanned moments are the best. Haha. Ano bang gusto mong gawin? "

Hmmmmmmmm. Ano nga ba? Aha!

" Gusto ko manghuli ng mga paru-paru. " and smiled sheepishly.

Huli ko 'tong ginawa ay buhay pa siya. Sana naman may mahuli ako para may maibigay din ako sa kanya. I really do miss that person.

■○■○■○■○■○■○■○■○■○

UPDATES are on :
*Friday, Saturday and Sunday♥♥

Hope you like the chapter guys.

The Mysterious Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon