Aries POV
Missing in Action, the heir of Fortalejo Group of Companies, Mr. Aldrin Blair Fortalejo. Is he hiding because of the anomaly or just soul searching?
Ibinaba ko ang dyaryong binabasa ko. Aldrin Fortalejo? Tangina! Big time ang lalaking ito. Ang totoo kasi, karibal namin sila sa business. Kaso nga lang, mas angat at kilala sila. Nagrank 3 sila sa buong mundo samantalang kami ay nasa pang 7 lamang. Kakaiba kasi magnegotiate ang mga Fortalejo. Talagang mapapahanga ka. Kaso, we're doing our best para makalamang sa kanila. Sa Pilipinas, nangunguna sila habang kami ay nasa pangalawang pwesto. Ewan ko kay Papa. Masikreto din kasi siyang tao.
Siya nga pala, ako si Gino Aries Mendrez. Kapatid ni Alex. Isa na ring businessman. Inaamin kong medyo tanga ako paminsan-minsan. Sa trabaho naman, seryosong-seryoso ako. Bawal ang mga pasaway. At saka tatlong taon lang ang pagitan namin ni Alex. Alam ko ang trabaho niya. Pinasundan ko kasi siya nung mga oras na inaalok ko siya sa kompanya namin at binalewala lang ito. Nagdududa ako. At ayun, sa ibang kompanya pala siya pumasok. Kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niya. Isa ito sa mga kaibigan ko.
" Putcha! 'Wag ka ng babalik dito Patrick! Mapapatay kita oras na tumapak ka ulit sa pamamahay ko! " narinig kong sigaw ni Alex.
Pagkatapos ay padabog na isinara ang pinto at nakasimangot na umupo sa sofa. Kaagad akong napahalakhak ako ng makita ang kanyang itsura! Wahahahahaha! Wala pa siyang ligo.
" Alex, maligo ka na nga, ang bantot mo. Hahaha. " natatawa kong asar sa kanya.
" Syet ka Kuya! Pag ako nainis talaga, ibubuntong ko ang lahat ng galit ko sa'yo. Umalis ka nga sa harapan ko! " pagalit niyang sabi at itinulak ako palayo.
Hahaha. Nalilito ako kung babae ba o tomboy ang kapatid ko. Ngayon kung umasta parang lalaking siga eh. Noon, nung mga panahon na buhay pa siya, parang manikang kay ganda si Alex at mahinhin din kumilos. Nagbago nga lang ang lahat nung namatay siya. Palaging mainit ang ulo, malakas magmura at unti-unting lumalayo ang loob ni Alex sa amin lalo na kay Papa.
" Teka Kuya, anong oras na pala? " pahabol na tanong ni Alex.
" Alas siyete na po. " sagot ko at umakyat na sa kwarto.
Narinig ko pa siyang sumigaw ulit. " Tae ka Patriiiiiiick! "
Tumunog bigla ang cellphone ko.
Papa calling. . . . .
" Hello. "
" Heard about the news? "
" Yes pa. "
" Oras na para umangat sa kanila Gino. Take this as an oppurtunity to beat them. At siguruhin mong ipahanap si Aldrin. "
" Opo Papa. Gagawin ko lahat. "
" Make sure na tayo ang unang makakadiskubre sa kanya. Tsaka bantayan mo si Gretchelle. I have this feeling na malapit lang siya sa atin. Make sure na hindi alam ni Gretchelle ito. I don't want her to be involve in this problem. "
" Sige Papa. "
Ibinaba na niya ang tawag. Napabuntong-hininga ako ng walang oras. Meron na naman akong gagawin. Ilang minuto ang lumipas ng may naisip ako bigla. I dialled someone's number.
" Hey. "
" O Aries, anong kailangan mo? "
" Hanapin mo nga si Aldrin Blair Fortalejo. "
" Takte! Yung bilyonaryong iyon? Seryoso ka? "
" Oo naman. Masyadong confidential kung ibabahagi ko pa sa'yo. "
" Tss. Sige. Give me 1 week. Matutuklasan ko din kung nasaan siya. "
" Salamat dude. "
" Walang problema basta may bayad ito. Haha. "
" Puta! Oo na. " pagkatapos ay pinatay ang tawag.
Mahahanap ko rin si Fortalejo. Tsk.
Alex POV
Sumapit na ang hating gabi at hindi pa rin ako makatulog. Peste! Ba't ayaw ba umalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Uuuuuurrrrggggghhhhh! Mali talaga ang sumama kay Patrick kanina.
No choice kundi bumangon ako at nagtungo sa labas ng bahay. May malapit kasi na parke dito. Saka sisiguruhin kong malilimutan ko din ang nangyari kanina.
Epektib naman. Nawala din kasi kaagad ito sa paglalakad ko. Napalitan ito ng mga memorya noong namatay siya. Syet! Ang sakit-sakit kapag naalala ko ito. Kusang tumulo ang mga luhang nagbabadyang lumabas. Miss ko na siya. Sobrang miss na miss ko na siya.
Narating ko din sa wakas ang parke at umupo sa isang swing. Dito ko pinagpatuloy ang pag-iiyak. Kakainis! Ayokong maging mahina. Ayokong ipakita sa lahat na umiiyak ako ngayon.
" Ang ingay mo. " sabi ng isang malamig na boses.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at lumingon sa pinanggalingan ng boses. 'Yung lalaking nakahood kahapon na ngayon ay nakahood pa rin. In short, si Mysterious Guy.
" Pakialam mo. Langya! Umalis ka dito. " galit kong bulalas. Wala ako sa mood para kaibiganin siya. Psh.
" Take this. " tapos ay inilahad ang isang panyo.
" Ayoko. " tas tumalikod at umupo ulit. Manigas siya diyan. Tss.
Umupo siya sa tabi ko saka inilagay sa aking mga kamay ang panyo.
" Life is rude, don't you think? Sa una, masaya ka dahil sa mga magagandang bagay pagkatapos matatapos din at magiging masama sa huli. It's really a big bullshit. "
Natulala ako. Nakikipag-usap ba siya sa akin? Tulig na ba ako? Panaginip lang ba ito?
" You're not dreaming. After this night, forget that I talked to you. Forget everything. " cold niyang sabi.
" Teka nga! Matanong ko lang, sino ka ba ha? " tanong ko sabay cross-arms.
" None of your business. Ang daldal mo pala. Tss. " at aakmang aalis siya nang hablutin ko ang isa niyang kamay.
" Can I be your friend? " out of the blue I asked.
" We'll see. " pagkatapos ay umalis ng tuluyan.
Naiwan akong nalilito sa kanyang sinabi. We'll see? Oo kaya 'yun? O pwede na rin? Aish! Nakakalito siya. Kaso may napagtanto ako, meron din ba siyang pinagdaanan? Malaki din ba ang problemang kinakaharap niya? Nagtatago dahil may sala? He's actually so myterious!
But mysterious or not, friendly or not. I want to know who exactly he is.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Guy Next Door
RomanceNext Door Series #1 { ON-GOING } Kilala mo ba lahat ng inyong kapitbahay? Pwes, ako hindi. May namumukod tangi kasi akong kapit-bahay ng ubod ng misteryoso. Oo. M-I-S-T-E-R-Y-O-S-O! Ako si Gretchelle Alex Mendrez, nanunumpa sa walong planeta at sa...