8th Meet

35 4 1
                                    

Alex POV

Day 4

" Alex, tigil-tigilan mo nga ako. May trabaho pa akong aasikasuhin. " giit ni kuya.

" Naman Kuya. Kelangan ko lang talaga ng tulong. Please. " pagmamakaawa ko.

Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay napaupo ulit sa sofa.

" Alam mo, dapat siguro tigilan na natin 'yung misteryoso nating kapit-bahay. Baka pagtumigil tayo, siya na mismo ang makikipagkaibigan sa atin. " lintanya ni Kuya saka hinablot ako dahilan para maupo ako sa kanyang tabi.

Humalumbaba ako sabay crossed-arms. Psh. Pagnaririnig ko ang ' tigil ', nagpapantig ang tenga ko. Parang umuusbong ang halimaw kong kaluluwa. Ayoko kasi ng ' tigil ' o ' sumuko ' na salita.

" Heh! Di ko titigilan 'yan hangga't hindi ko siya nagiging kaibigan. Kaya sige na please, tulungan mo na ako. " at niyugyog siya.

" Tss. Kinikilabutan kasi ako Alex. Tingnan mo ha, napapalibutan ng maraming aso tsaka hindi siya lumalabas ng bahay. At may nababalitaan akong nawawala sa ating village. Baka pinatay na niya. " natatakot niyang sabi.

" Syete! Bading ka Kuya Aries. Manahimik ka nga diyan. Ka lalaki mong tao, natatakot ka sa misteryoso nating kapit-bahay. Tae! " galit kong sabi at sinapok siya.

Napadaing siya sa sakit. Sapo-sapo niya ang binatukang bahagi at sinamaan ako ng tingin. Bahala siya.

" Naku Alex! Maiwan na nga kita! Sarap mo talagang katayin. " nanggigil niyang sabi saka umalis.

Kainiiiiiiiiiiis! Paano na 'to?! Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi niya kagabi. Ayaw niya ng kaibigan. At alam niya ang mga plano ko. Takte! Pati tuloy ako, kinikilabutan.

Ilang oras ang lumipas ay napagpasyahan kong gumala sa mall. Eh sa wala akong maisip. Pagkatapos, expected naman ni mafifail ako. Ilag siya sa mga tao. At totally mysterious! Pero hindi ako susuko. Aaminin ko, nasira niya ang pride ko, konti nga lang pero di yun dahilan para sumuko ako. May 11 days pa. Kayang-kaya pa 'yan.

--

Andaming chicks dito. Ang hirap tuloy mamili. Kaso, loyal ako kay Liza Soberano. Hihi. Balang araw, liligawan ko siya. Tumabi-tabi na si Enrique Gil dahil akin lang si Liza.

Habang sa paglalakad ko, napadpad ako sa isang boutique. May nakita akong babaeng sobrang ganda. Mas maganda pa kay Liza. Grabe! Ang sopistikada. Pagkatapos, may kasama siyang lalaki. Eh? Nakahood kasi 'yung lalaki tsaka shades. Pinagmasdan ko sila ng mabuti. Parang pamilyar kasi ang tindig ng katawan nung lalaki.

Loading. . . .

Loading. . . .

Loading. . . .

Tangina! Saan ko ba siya nakita? Di ko tuloy matandaan. Bwesit! Bahala na nga. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Ewan! Wala akong maisip puntahan dito sa mall. Kung sa arcade ako tutungo, paniguradong punuan. Doon kasi madalas ang mga kabataan. Lalo na't mga lovers. Balang araw, dadalhin ko din diyan si Liza. Hihi.

*bogsh*

PUTEK!

" I'm sorry. " paumanhin niya sabay lahad ng kamay.

Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay at ako mismo ang nagtayo sa aking sarili saka nagpagpag.

Inangat ko ang aking mukha. O____________O

" IKAW! " singhal ko.

" Oh it's you. I'm sorry again. " paumanhin niya ulit at ngumiti ng malapad.

" Nginingiti mo diyan? Baliw ka ba? " iritado kong tanong.

Sa halip na sagutin ako ay mas ngumiti siya ng malapad. Putcha!

" Alam ko na ang sagot. Baliw ka na kutong lupa. Makaalis na nga. " at naglakad papalayo.

" Wait. Miss. Okay! Titigil na ako sa pagngiti just stop. " pero hindi ko siya pinakinggan.

Napatigila ako ng hinarangan niya ang aking daan.

" BKL alis ka nga sa daan ko. Sumama ang pakiramdam ko ng makita kita. Tss. " inis kong sabi.

" BKL? What's that? " nagtataka niyang tanong.

" BALIW NA KUTONG LUPA! O ayan, alam mo na. Pwede na bang umalis? " bulalas ko.

" Nope. Alam mo may naisip ako. Why don't you come with me? Tayo na. You don't have a date and well, I don't have too. Perhaps we could you know, date. " tapos ay hinila ako sa kung saan mang lupalop ng mall.

Uuuuurrggghhh! Wala bang araw na stress-free ako?! Okay sana eh dahil si Patrick wala. Tapos heto siya, itong baliw na kutong lupa. Woooh! Hanep! Ilang parusa pa?! Letse!

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harapan ng videoke. Napaawang ang aking bibig. VIDEOKE?! Niloloko niya ba ako?

" Hoy BKL, wala akong oras para magvideoke. Aalis na ako. "

" You have all the luxury to sing Miss. By the way, what's your name? " bigla niyang tanong.

" It's none of your business. " sabi ko.

" Alright Ms. None-of-your-business, just one song and you can go. Just one song. I promise, makakaalis ka na. " sabi niya.

" Isang kanta lang. Pag ikaw nagsinungaling, tatamaan ka sa akin. " banta ko.

" Sure. One song only and then you're out. " he assured.

Pumindot ako ng mga numero at pumailanglang na ang musika.

I Miss You - Avril Lavigne

*insert lyrics*

Natapos ang kanta na may luhang tumakas sa aking mata. Psh.

" Here we go again. Crying in an instant. " sabi niya at inakap ako ng yakap.

Ba't hindi ako nakapalag? Feeling ko nawala lahat ng aking lakas sa kantang 'yun. Ilang sandali ay kumawala na ako sa yakap. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao.

" Tama na. Tsansing ka masyado BKL. Natapos na ang kanta ko kaya pwede na akong umalis. " sabi ko.

" Wait. Just here me sing and you're freely to go. Just here me out. "

Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Wala namang mawawala. Tumango ako sa kanya. Umaliwalas ang ekspresyon ng kanyang mukha saka pumindot na ng kanta.

Your Song - Parokya ni Edgar

*insert lyrics*

He ended a song with a wink. Pasikat ang lalaking 'to. And I admit, magaling siyang kumanta.

" Tara na. Hatid na kita sa sakayan. " saka inakay ako.

Lakad lang kami ng lakad. Ni isa sa amin ay walang nagsalita. Nakakailang din kasi.

Narating na namin ang sakayan. Dumiretso na ako sa pagsakay ng taxi nang bigla niya akong tinawag.

" Hey Ms. None-of-your-business. I'm Knight Lyndon Gomez not BKL. You have a nice voice. Hope to see you again. " sabi niya sabay kaway.

Sinagot ko lang iyon ng ngiti at sumakay na sa taxi. Knight pala ang pangalan niya. 'Yun ang nakaburda sa panyo. Tingin ko, hindi masama ang sumama sa kanya. Nag enjoy din naman ako. Gumaan din kasi ang aking pakiramdam. At siguro, baka hindi pa 'yun ang huli naming pagkikita.

Maybe there's a reason why I met him. Perhaps, it could be useful and can help me one day.

■○■○■○■○■○■○■○■○
Updated na po. Meet the new character. Hehe. See you sa next update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon