SBMS - 38

8.6K 91 15
                                    

3rd PERSON's POV

"Jaacck!" Nahihirapan sigaw ni Loraine habang hawak-hawak ang tiyan nitong sumasakit.  Mas lalo itong sumakit ng pumutok ang panubigan nito kaya napasigaw na siya.

"Jack! Anak, manganganak na ako!" Malakas na sigaw nito saka mabilis na pumasok si Jack sa kwarto niya kasama ang asawa.

"Prepare the car Babe," mabilis na utos ni Jack kay Tine, asawa niya na agad naman tumalima. "Tiisin ko muna 'Ma." 

Pagkarating nila ng hospital ay agad sila nitong sinalubong. Kilala na ng ibang trabahante dito sai Lorriane dahil madalas siyang papuntahin ng magkapatid na Monrow. Kaya pagkakita pa lang nila dito ay agad na nila itong inasikaso.

Umabot ng ilang minuto bago dumating si Mathew, Thomas, Jaime at Lizzy.

"Kumusta si Tita?" Agad na sabi ni Lizzy pagkalapit kay Jack.

"Wala pa akong balita, wala pang sinasabi ang Doktor,"  sagot nito sa kanya. "Alam niyo ba kung saan pumunta si Leo?"

Nagkatinginan silang lahat at di alam ang sasabihin, "kahapon ko pa kasi siya tinatawagan, di makasagot. Di man lang nagpaalam kung saan pupunta." Dagdag pa ni Jack dito.

Lumipas ang ilang minuto, wala parin nagsasalita sa kanila, parang tinitimbang kung sasabihin ba nila o hindi. Subalit napabuntong hininga si Lizzy saka nagsalita.

"Nasa Paradise Island siya kasama si Kuya." Nakatingin sa kisameng sabi nito saka lumingon kay Jack na nakatingin sa kanya.

"Sinong Kuya mo? Kailan pa sila andoon at bakit sila nandoon?" Sunod-sunod na tanong ni Jack. Alam kasi niya kung anong merun sa lugar na iyon.

Walang nagsalita sa kanila, lumipas ang ilang minuto kaya nagkasalubong ang kilay ni Jack saka napakuyom ng suntok. Magsasalita pa sana ito ng lumabas ang doctor mula sa maternity room.

"Sino po ang family ng pasyente,"

"Ako po, Anak niya po ako," agad na sabi ni Jack kaya pinapasok din sila agad ng Doktor lalo na ng makita niya si Lizzy.

" Pwedi na po kayo pumasok," sabi nito saka hinayaan pumasok ang mga ito.

Agad tumulo ang luha ni Jack ng makitang hindi kamukha ni Daniel ang bata. Napatutop naman si Lizzy ng bibig at nagkatinginan ang mga kasamahan nila. Walang umimik sa kanila, lahat ay natulala dahil ang batang lalaking lumabas ay parang photocopy ng mukha ni Brock.

Ang panganay na kapatid nila. Mas lalo nagkasalubong ang kilay ni Jack at lumalabas ang ugat nito sa kamay sa sobrang lakas ng kuyom nito ng suntok.

"Ma," malumanay na walang emotion nitong tawag sa nanay, hindi nakaimik si Loraine, kinakabahan at natatakot siya sa reaction ng anak niya.

Ito ang kauna-unahang nakita niya ang anak na ganito, parang demonyo, parang kayang pumatay ng tao.

"Magsalita ka 'Ma," nanginginig na ito. Lumapit si Christine dito saka hinawakan ang kamay ng asawang nanginginig sa galit. "What is the meaning of this? Did he rape you?"

Wala parin imik si Lorraine. Nakatitig lamang ito sa anak habang umiiyak. Mas lalong nagalit at nakaramdam ng poot si Jack dahil sa pinapakita ng Nanay nito.

"Answer me Mama, did he rape you or nagtaksil kayo kay Kuya Dan?"

"He never rape me." Ang tanging katagang lumabas sa bibig ni Lorraine saka ito humagolgol. Napatigil si Jack sa sinabi nito at tila nalilitong napatingin dito. "I never loved Daniel. Wala rin halos nangyari sa amin, hindi ko siya mahal."

Hindi makapaniwalang napatitig si Jack sa Mama nito. Niloko siya ng sarili niyang ina?

Habang nag uusap ang mag ina ay lumabas naman si Jaime, Mathew at Thomas. Samantalang si Lizzy at Christine naman ang kasama nila.

"Paano napasok si Brock dito Ma? Bakit ganito ang nangyari?"

Hindi nakapagsalita si Lorraine ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Brock na pawisan ang puting polong long sleeve nito, naka slacks din ito at mukhang pagod.

Biglang dumilim ang paningin ni Jack kaya nasuntok na ito na ikina atras ni Brock.

"Ang kapal ng mukhang mong Hayop ka, akala mo diko alam ang mga ginawa mo? Tapos ngayon pati Nanay ko, dinamay mo pa?" Nanggagalaiting sabi ni Jack saka kimwelyuhan ito. "Ito tatandaan mo Brock, ipapakulong kita at sisiguraduhin kong mabubulok ka roon,"

"Anong nangyayari?" Tanong ng Nanay ni Daniel kasama nito ang kanilang tatay. Saka lumapit sa anak nitong dumudugo ang labi. Napatingin siya kay Jack na nanggagalaiti parin sa galit na napatingin sa kanya.

Hindi nagsalita ang dalawang matanda ng walang sumagot sa kanila. Sa halip ay lumapit silang mag-asawa sa batang nasa kamay ni Lorraine ng makita nila ito.

****

Note:

Nasa Goodnovel na po ang karugtong nito.
Salamat po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon