SBMS - 4

38K 541 26
                                    

LEO

Pababa pa lang ako ng taxi na sinakyan ko, kitang-kita ko na si Mama na nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay na nasa maliit na gate ng bahay namin naghihintay. Simula ng mamatay si Papa at umuwi si Kuya Jack sa Mindanao ay ganito na ako ituring ni Mama, parang bata at babae, nakakaasar nga, teenager at 17 na ako, ginagawa parin niya akong batang parang kahapon lang pinanganak.

Bukod sa 5'6" ang height ko, tiny rin ako, pero maganda lang pangangatawan ko. Makinis at kutis babae kahit lalaki ako at hindi mapagkakamalang discreet gay.

Napapangiti ako sa hitsura ni Mama, pagkababa ko pa lang ay kinabahan na ako dahil may dala itong walis tingting, ganyan ang Mama ko, matanda na ako pero walis tingting parin pamalo sa akin.

"Salamat Kuya," pagpapasalamat ko sa taxi driver bago lumabas ng kotseng sinakyan ko.

"Saan ka galing ang ngayon ka lang umuwi," seryosong tono ni Mama na ikinakilabot ko, pag ganito kasi ito kaseryoso, alam kong grounded na naman ako nito, "pinuntahan ko na si Piyo at Sam pero wala karin sa kanila,"

Hindi ko alam ang sasabihin, napahawak na lang ako sa taenga ko, ganito kasi ako kapag kinakabahan, tenga ko ang pinagdidiskitahan ko na parang dito manggagaling ang sagot.

"Isa sa mga kaklase ko 'Ma," pagsisinungaling ko, "may group study kasi kami," palusot ko na sana makapasa.

Tinignan ako ni Mama mula ulo hanggang paa na parang nbi na ino-obserbahan ako. Mahigpit parin ang hawak niya sa walis tingting kaya may naisip akong idea.

"Magwawalis ba kayo 'Ma? Bakit dito sa labas? Wala ka pasok?" Sunod-sunod na tanong ko sabay kuha ng walis tingting sa kanya at kinuha agad ang dust pan.

"Oo, magwawalis sana ako ng taong balahura at binatang walang pasabi ni-text man lang di magawang magpa-alam, parang walang magulang." Paghahayag ni Mama ng saloobin, ganyan ang Mama ko kaya mahal na mahal ko. Sa halip na diretsuhin ka, paririnigan ka hanggang sa ikaw na mismo kusa aamo at makikisuyo sa kanya. "Ano pa ba ang saysay ng load at cellphone kung hindi gagamitin? My God! I am beautifully stress."

"Sorry na po 'Ma," pabebe kong sabi saka siya niyakap, "nakalimutan ko lang kasi busy talaga kami po, kailangan na kasi iyon ipasa monday." Paglalambing ko sabay halik sa pisngi niya.

"Tse, wag mo ako halikan, doon ka, magluto ka, gutom ako." Ayan! Yan tayo. Gutom lang pala pero di nagluto ng kanin at makakain.

Gusto ko sana sabihin yun pero hindi na, baka mahampas ako ng walis tingting ng wala sa oras kapag sinabi ko iyon. Yan kasi ang punishment ni Mama sa amin ni Kuya kadalasan kapag may kasalanan kami. Hindi na kami nakukurot at napapalo ng walis tingting at tsinelas dahil matatanda na raw kami, pero kapag hind daw kami magtitino, belt at paddle daw ipapalo sa amin. Thats my Mother, ultimate Ninja.

"Opo, Mama," paglalambing ko ulit sabay pisil sa dalwang pisngi niya, "ang ganda talaga ng Mommy ko,"

"Alam ko kaya nga manang-mana kayo sa akin," ayun, wala na ang galit niya dahil pinuri na ang sarili. Kaya hinila ko na siya papasok ng bahay dahil kahit ako nagugutom na.

Agad akong dumiretso na kusina dahil baka mapagalitan pa ako. Napatingin ako sa orasan, nasa 7:10am pa lang. mamayang 9:00am pa pasok ni Mama. Today is Saturday at sunday lang walang pasok si Mother.

Habang naghahanda ako ng rekados, bigla naman sumulpot si Mama saka pinakita sa akin ang Cellphone na nakavide o call.

"Hi Bunso!" Nabigla ako ng biglang lumitaw mukha ni Kuya kasama ng pamangkin kong si Riley. Tatlong buwan pa lamang ito.

"Hi Kuya! I miss you po," bati ko pabalik sa kanya, "ang cute na ng baby ko, manang-mana talaga sa Tito,"

"Kapal din no, mana sa akin yan wag kang ano diyan Bunso,"

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon