CHAPTER 39

5.2K 52 2
                                    

As the time goes by mas lalo akong nahuhulog sa mga ginagawa ni Ezekiel. Hindi niya kami pinapabayaan ni Jasper. Hangga't maaari gusto niya nakikita niya kami. Noong minsan nga umuwi ako galing trabaho siya ang nag asikaso kay Ezekiel at ang gusto niyang gawin ko ay magpahinga. I am happy to see him to be a good father to our son. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kaingat at mapagmahal si Kiel pagdating kay Jasper.





Ngayon ay naka one week leave siya sa kumpanya niya. May balak siyang mag bakasyon kami sa isa sa mga beach resort niya pero hindi pa ako nakapag paalam ng leave sa work ko. Noong nakaraang buwan kasi ay naging abala siya sa kumpanya niya. Gustuhin ko man siyang tanungin pero mukhang ayaw niya mag sabi. Kahapon naman ay kinukulit niya ako na mag file leave para sa binabalak niyang bakasyon.






"Love, kumusta? Nakapag file ka ng leave? " Tanong niya habang nagluluto ng gabihan.




"Hindi pa ako nakapag file." Sambit ko at kunot noo niya akong tinignan.




"W-what? Bakit?" Tanong niya.




"I can't file leave for next week, kulang pa kami," sambit ko at tiningnan ang anak kong umupo sa upuan niya.





"I can call my tito to help you. Mag bakasyon naman tayong tatlo," Sabi niya. Tiningnan ko ang anak kong nakikinig sa ama niya.





"Vacation daddy? Like beach po?" Tanong nito.




"Yes baby, kaso si mommy mo mukhang hindi pwede," sagot nito sa anak ko.




"Why mommy? Please mommy! I want to go to the beach with my mommy and daddy! Please mommy! Please po…"  Sabi nito at tiningnan ako at nagpapacute. Tinignan ko si Ezekiel na ngayon ay may malaking ngisi.




Oh God, how can I say no to this cutest boy?



"Tell mommy we want to go to the beach with her,"  pagsulsol niya sa anak ko.




"Please mommy…." Nakangisi na sambit ni Jasper.




"Hindi pa ako nakapag file ng leave anak, mommy can't leave her work," Sabi ko rito pero ngumuso siya.




"I heard daddy can help you po! Mommy please…" tinignan ko si Ezekiel na naka ngisi, ngayon may kakampi na siya.






"Fine," sagot ko.




"Yehey!" Masayang sambit ni Jasper at nakipag apir sa tatay niya si Ezekiel naman ay may binulong dito.




Nang gabing iyon ay tinawagan  niya ang Tito niya wala na akong nagawa mukhang nagtatampo sila pareho kapag hindi ako pumayag, to be honest, I like his idea. Bakasyon na kaming tatlo lang. Nevertheless, noong gabi rin na iyon ay nag book na siya ng flight papunta sa Coron Palawan. May flight kami bukas kaya nag impake na ako ng gamit namin ni Jasper. Si Jasper ay pinagdalan  ko ng maraming rushguard. Ako naman ay kinuha ang mga bikini na nakatabi,matagal na akong hindi nakaka pagsuot nito mula noong nabuntis ako.





Kinabukasan ay maaga kami sinundo ni Ezekiel dahil maaga ang byahe namin. Si Jasper ay pinasuotan ko ng blue floral polo and khaki shorts and Crocs. While I'm wearing a blue floral dress backless above the knee and a new pair of white slippers. Hindi ko naman sinabihan si Ezekiel sa susuotin namin ni Jasper pero nang Makita niya kami ay nagulat ako dahil nakasuot siya ng blue floral polo and black shorts he's wearing a white birkenstock slippers. 




"Matchy outfits, " sambit ni Ezekiel habang nagmamaneho.




"Hindi ko alam na balak mo rin mag blue," sagot ko dahil totoo naman iyon. 





Chasing your loveWhere stories live. Discover now