Nagising ako dahil hirap na paghinga. Napatingin ako sa orasan it's 5am in the morning. Naramdaman ko ang brasong nakayakap sakin, nahihirapan na ako huminga kaya inalis ko na ang braso nito at tumayo na para kunin ang inhaler sa drawer ng lampshade.I did two pops at nag inhale, exhale. Fuck! I can't believe ma trigger na ang asthma ko palagi pag kasama ni Ezekiel. Dahan dahan akong umupo sa sahig para pakalmahin ang aking sarili. Minulat ko ang mata ko at nakita kong tulog na tulog parin ang lalaki sa kama ko.
Nang maginhawaan ay tumayo na ako binalik kong muli ang inhaler ko sa drawer at ngayon ko lang napagtanto, nakasuot na pala ako ng putting t-shirt na sa laki palang nito ay alam ko na sino ang nag mamay-ari. May pasok pa ako mamayang 8am pero hindi na ako makatulog ulit dahil sa sumpong ng asthma ko.
Maliligo nalang ako sa labas na CR kasi pag dito ay maririnig ni Ezekiel. Kumuha na ako nang damit at mga gamit at lumabas na. Ilang oras din ang tagal ko sa banyo. Pag kalabas ko ay naka roba nalang ako at nagsimula na mag timpla ng kape. I also cooked pancakes. Pagkatapos ko magluto ay nagpalit na ako nang damit shirt at short nalang dahil maaga pa naman para mag uniform.
I looked at the clock it's already 6AM I eat my breakfast and nag review na rin. Around 6:50 ay pumasok na ako sa kwarto para kunin ang uniform ko. I saw Ezekiel mahimbing parin ang tulog. Nagpalit na ako at umupo na sa vanity chair ko para nag patuyo ng hair medyo basa pa kasi. Pagka on ko ay narinig ko ang kama hindi ko na pinansin at pinatuyo na ang buhok ko. Nag apply na rin ako nag light make up para hindi halatang kulang ako sa tulog. Nagsusuot na ako ng ID ng Makita kong tumayo si Ezekiel sa kama at tinignan ako.
"What?" Tanong ko.
"Bakit hindi mo ako ginising?" He said. Mula sa salamin ay kitang kita kona ang pag salubong nang kilay niya.
Kinuha ko na ang bag ko at naglakad sa drawer ng lampshade para kunin ang inhaler ko pero bigla akong napatigil nang maalala ko nandito pala si Ezekiel. Walang nakaka alam na may asthma ako si mama lang.
"Hey good morning," yakap ni Ezekiel mula sa likod ko.
"Alis, malalate pa ko" rebat ko at inalis ang pagkakayakap niya. Hindi naman siya umimik.
Mabilisan kong kinuha ang inhaler pero bago ko pa yun malagay sa bag ko ay inagaw na ni Ezekiel ang palapuspusan ko
"Ano ba?!" Inis kong sabi sakniya at nahulog ang inhaler ko. Inis ko siyang tinignan bago tumingin sa baba at pupulutin kona sana nang unahan niya ako.
"Bakit meron kang ganito?" He asked me and he's frowning now.
"Anong pakialam mo?" Inis kong sagot at inagaw iyon sakniya pero iniwas niya.
"Why you have this thing samatha?" Madiin niyang tanong muli at madilim niya akong tinignan.
"Fine." Inis kong sabi at inarapan siya.
"I'm having a heavy breathing. Oh masaya kana? Akin na nga yan!" Kinuha ko sakniya at buti nalang binigay niya. Mabilis ko iyong nilagay sa bag at tinalikuran siya.
"Why didn't you tell me?" He asked kaya napatigil ako sa pagbukas ng pintuan.
"Bakit kailangan kong sabihin sayo?" I asked and didn't answer his question.
"At least tell me kahit iyon nalang" mahina niyang saad. Tinignan ko ang orasan. Malalate ako pag hindi pa ako umalis.
"Aalis na ako, ikaw na mag lock sa condo ko. May pasok pa ako," Sabi ko sabay labas ng pintuan.
Halos ma perfect kona ang score kanina sa quiz kasama ko ngayon si Ellie nandito kami ngayon sa isang milktea shop malapit sa University.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sakniya.
"Bakit mo naman na tanong?" Natawa kong sabi.
"Ang putla mo," She said. Napatingin ako sa camera ng phone ko. Oo nga ang putla ko. Ganyan talaga ako pag sinusumpong ng asthma. Hindi ko lang alam bakit parang lumala ngayon.
"Wala lang lipstick," Sabi ko naman.
"Umuwi na pala siya no? Kumusta ka naman? How's the feeling nandyan na bebe mo?" Tanong niyang may pagka sarkastik.
"Ewan, Hindi pa naman kami nag uusap eh, as in yung deep talks ha. Alam kita e dugyot ng utak mo!" Paglilinaw ko sakniya na kinatawa niya.
"So...Hindi pa nag uusap. Balitaan mo ako pag may napili kana sa dalawa," nakangisi niyang sabi.
"Huh?"
"Ay oh, parang hindi kilala ang sinasabi ko.." natatawang sabi niya kunot noo ko siyang tinignan.
"Si Ezekiel Gaga!" Sabi nito at tinapik ang kamay ko.
"I can't imagine too, magkaibigan yung dalawang yon tapos parehong natitipuhan na babae.." natatawa niyang sambit.
"Hindi ako gusto ni Ezekiel... Hindi ko rin alam na magkaibigan pala sila no Ares dahil hindi naman niya iyon na kwento sakin." Seryoso kong Sabi.
"Kasi you never listen to him. Everytime na may chance ka to talk to him, you always saying you are busy kahit alam ko iniiwasan mo siya" Sabi ni Ellie.
"I think you and Ares should talk na talaga, I can't see you with that pale face Samantha. Hindi ka naman ganyan noon, naging ganyan ka lang noong dumating si Ezekiel sa buhay mo." pag papatuloy niya.
"Makakasama sa kalusugan mo yang lalaking yan Sam," dagdag niya pa.
"Sino sa dalawa?" Ginawa kong joke nalang kesa seryosohin siya alam ko naman makakasama sakin yon.
"Talandi talaga!" Inirapan ako ni Ellie.
"Pero seryoso nga, ikaw at si Ares kayo nga nang ilang taon pero tanungin kita tutal nandito na rin naman siya. Minahal mo ba talaga si Ares?"
"Crush ko yon eh," Sabi ko.
"Iba ang paghanga sa mahal Samantha! parang bobo ka naman" Natatawang sabi niya.
"I can't answer you yet Ellie." Seryosong sabi ko.
"Okay! okay! I understand," sabi niya at pareho kaming napatingin sa cellphone niya ng maring ito.
"Oh, I guess I need to go na," saad niya nang may pagkangisi.
"Oo na, susunduin naman ako ni Ares." Sabi ko.
"Ayun! Balitaan mo ako! Ingat ka babye!" Niyakap ako ni Ellie at lumabas na sa milktea-han.
Susunduin ako ni Ares. Sabi niya rin ay meron kaming pag uusapan mas gusto ko iyon para mas malinawan ako sa napaka gulo kong nararamdaman.
NOTE: HAPPY READING! THANK YOU SA PATULOY NA PAG SUPPORT!

YOU ARE READING
Chasing your love
RomanceThis story "Chasing Your Love" is about two people, Samantha and Ezekiel, who have had tough times in the past but find comfort and motivation in each other. They work together to overcome life's difficulties and pursue their dreams side by side. It...