CHAPTER 30

4.9K 56 1
                                    

As a flight attendant for  2 years , it is still both flattering and a bit awkward when passengers still ask for my phone number and suggest going on a date. While I appreciate the attention, it's important to maintain a professional demeanor and focus on my job during the flight. It can be challenging to handle these situations without causing any discomfort, but I always try to handle them gracefully and kindly while keeping the boundaries in place. I sighed, narinig ata iyon ni Abby kaya tinignan niya ako. Naiirita na naman siya sakin kahit wala akong ginagawa.


Nakalapag na ang eroplano at palabas na kami sa ngayon galing sa flight kanina. Nasa flight kasi kanina ang isang sikat na Filipino Singer, binata aminado ako may itsura at agaw attention ang simpleng pananamit niya. Tinawag niya kasi ako kanina at kinuha pilit ang number ko, tinignan ko si Abby.




"Attention seeker ka palagi," Sabi niya. Ang sabi kasi ng mga kasamahan namin crush na crush daw iyon ni Abby.



"Gusto mo pala siya, edi sana ikaw nalang lumapit kanina, edi sana nakapag pahinga pa ako," Sabi ko nakita ko ang pag irap niya.



"Bakit?! Ako ba si Samantha?!" Nanggigigil na saad niya.




"Oh, alam mo naman pala na hindi Samantha ang pangalan mo nag iinarte ka ngayon." Sabi ko.




"Tapos kay Captain Callen, sa artista naman…" bulong niya.





"Bakit parang ngayon mo lang alam na lagi akong tinatawag mapa artista man o hindi?" Inis kong sabi sakaniya.




"Kung hindi ka flight attendant iisipin ko pokpok ka," sagot niya.




"Edi isipin mo yan! Ikaw ang kitid talaga ng utak mo o inggit ka lang talaga. Hindi ko naman kasalanan maganda ang lahi ng mga Mandi." Natigilan siya don at napalunok. Now girl, watch your words.





"May anak na malandi parin," bulong niya. 




"Wag mo idamay ang anak ko sa usapan." Diin kong sabi.




"Oh bakit? Nasan ba ang tatay ng anak mo? Wala diba? Malandi ka kasi," Sabi niya pa 





"Sabi ko wag mo idadamay ang anak ko. Tumigil ka na habang nakakapag timpi pa ako sayo Abby! " Tumawa siya dahilan ng pagkairita ko.




"Oh girl, why? Ang pogi ng anak mo pero hindi niya alam ang landi ng nanay niya." Sabi niya pa ulit. Bumugtong hininga ako at akmang sasabunutan siya ng tawagin ako ni Jasper.




"Mommy!" Napalingon ako sa kanya na tumatakbo papalapit sa akin. 




"Oh speaking off your son, tignan mo ang gwapo diba? Parang hindi anak ng malandi," Ani ni Abby. Bumigtong hininga ulit ako at tinignan si Abby. 



Tangina ka! Pasalamat na nasa harapan ko ang anak ko!




"Tumigil kana." Pinanlakihan ko na siya ng mata. Tumawa lang ito at binalingan ng tingin si Jasper.




"Hi boy, where's your daddy? Wala?" May pang aasar na tinig niya. 




"Tumigil ka na tangina," Sabi ko ulit sakaniya. Tumawa lang siya sa reaksyon ko.



"I'm here, what's your problem with my son. Ms. Valentine?" Mula sa tinig ni Ezekiel ay pareho kami ni Abby napatingin sa kaniya. 





He's wearing a casual outfit. Black T-shirt na hapit na hapit sa katawan niya at  naka board shorts na puti at crocs na alam mong mamahalin, naka suot rin siya ng sunglass. Ganon rin ang suot ni Jasper.




Chasing your loveWhere stories live. Discover now