CHAPTER 23

4.2K 51 4
                                    


"Samantha!" Sigaw ni Ellie nang makita ako.

Pauwi na ako halos sabay ang landingan ng eroplano kung saan kami naka duty.

Simula noon matanggap ako sa trabaho bihira na lang kami magsabay ni Ellie sa duty. Kumukuha kasi ako ng overseas flight, habang  siya ay around Philippines lang. 



"Ghoss! Ayoko na mag trabaho!" Inis nasabi niya ng magsabay na kami sa lakad. 



"Ay nagrereklamo, sige ka pag iyan nabati alisin ka dito," sagot ko.



"Apaka sama mo talaga! Pagod lang okay?!" Sabi niya.



"Girl nabalitaan ko, pino- pormahan ka pala ni Captain Callen!" Natawa ako sa reaksyon niya. Papunta na kaming parking at wala siyang tigil kakatanong. 



Sa tagal ko ng nagtatrabaho dito maraming mga lalaki, karamihan cabin crew staff o kaya ang mga piloto mismo minsan naman mga dayuhan at minsan pa nga ay artista ang kinuha ang cellphone number ko pero hindi naman iyon pwede dahil nasa trabaho kami. Ang tanging naibigay ko lang na calling card sa kanila ay ang sa Airline. Akmang sasakay na ako ng pigilan ako ni Ellie dahil hindi ko siya nasagot. 



"So totoo nga ang balita! Pino pormahan ka ni Captain Callen!" 




"Oo, pero dating gawi pa rin naman. Sinabi

ko sakaniya na may Jasper na ako sa buhay pero makulit pa rin. Gusto mo sayo na siya." Natatawang sabi ko.



"Ayoko sa piloto gaga!" ani niya.



"Concern lang ako sayo, gusto kasi ni Abby si Captain Callen. Baka pag initan ka nang gaga na yon." Sabi niya. 



"Sakaniya na kamo, kuntento na ako sa anak ko." Simpleng sabi ko.


Kung mangyari man na kainisan ako si Abby, handa akong i let go ang pangarap ko para sa safety ng anak ko. 



"Sus, bitter…." Ani nya.



"Birthday na nang minahal kong inaanak. Anong balak mo?" Tanong niya. Pinapasok kona muna siya sa sasakyan ko dahil nakakahiya maraming tao pa naman sa parking!



"Wala naman ako sa birthday niya may Flight ako,"



"Seryoso ka?! Kinuha mo yung sa Japan?!"



"I have too, ako ang gusto ng head mag lead sa overseas flight na iyon." tugon ko.




"Paano inaanak ko?"



"Mag beach sila nila mama," 


"Girl! Day off ko birthday niya, pwede ba akong sumama sakanila?" Ani niya. It's sounds good. Hindi ma bobored ang anak ko.



"Ayos lang ba sayo?" Tanong ko.



"Ayos na ayos! Matagal na akong hindi naka apak sa beach!" Sabi niya ulit. 




"Okay, Sasabihan ko sila mama. Umalis kana at gusto ko ma umuwi." Sabi ko.




"Tangina ang sama talaga ng ugali! Oo na lalabas na," Sabi niya sabay bukas ng pintuan. Kinatok niya ang bintana kaya binaba ko iyon.




"Mag ingat ka! I chat mo ako kapag nasabi mo na sa iyong mother!" Sabi nito kaya tinanguan ko na siya at umalis na.





Hindi overseas flight ang schedule ng trabaho ko ngayon, kaya makakauwi pa ako. Traffic ngayon halos tatlong oras ako sa daan. Dumaan ako ng strawberry ice cream para pasalubong kay Jasper. Gabi na ng makauwi ako. Sinalubong ako ni manang at tinanong ko kung nasaan ang anak ko at si mama, ang Sabi niya ay nasa itaas na raw handa ng matulog. Umakyat ako sa kwarto ni Jasper. 



Chasing your loveWhere stories live. Discover now