CHAPTER 24

4.1K 44 5
                                        

Unang araw ko na ngayon sa Japan, dito muna kaming pinag stay sa hotel. Unang araw palang pero miss ko na ang anak ko. Bukas na rin pala ang alis nila papuntang Elyu, Sabi ko kasi doon sila dahil maganda doon. Ang saya saya ng anak ko dahil kasama niya ang ninang Ellie. Tatawagan ko nalang siya mamaya at mag aayos na muna ako ng mga gamit ko. 




Ilang oras ang tinagal ko sa bathtub dahil sa sobrang pagod sa trabaho. Masakit rin ang paa ko kakatayo. Nagsuot ako ng putting v neck shirt at brown short nagpapatuyo na ako ng buhok ng may mag bell sa pintuan siguro ay room service. 



"Good evening Samantha," bati ni Captain Callen.



"Good evening Captain," bati ko.



"Too formal Samantha, you can call me Jayden." Sabi niya. 




Tinanguan ko siya, papasukin ko ba siya o Hindi? Hindi ba siya pagod?



"Pasok ka Captain- I mean Jayden," pag aaya ko.




"No need. Take this aalis na rin ako para makapag pahinga kana." Sabi niya sabay about ng paper bag.




"Salamat at nag abala ka pa. Ikaw rin Jayden, magpahinga kana." 



"Yup, Good night Sam," Sabi niya at tinanguan kona at sinrado ang pintuan. 




Si Captain Callen siya nga pala ang piloto na nakasama namin sa duty na ito. Mabait naman siya, gwapo, maputi at malakas maka sex appeal kaya maraming humahanga. Hay nako, kahit sino pa itapat sa akin iba pa rin si Ezeki- ay nevermind. Kinain ko ang binigay ni Jayden at naisipang tawagan sila mama. Gusto ko kumustahin si Jasper. 




"Hi baby," bati ko ng Makita ang mukha sa screen. Tinawagan ko si Ellie.




"Mommy! I miss you Mommy!" Bungad niya.




"How's your trip baby? Safe ba kayong nakapunta?"





"Mommy ang ganda po nang dagat! Please mommy tell ninang Ellie na bilisan niya po mag rest, I want to swim mommy! Si Lola mama naman po ayaw pa akong mag swimming… mag rest daw po muna mommy…" sunod sunod na sabi niya. 




"Hoy Samantha! Ang energetic ng anak mo! alam ko na kanino nagmana. Sabihin mo nga magpahinga muna kami at kumain! " Sigaw ni Ellie sa likod ni Jasper.




"Jasper…" ani ko




"Kanino po ako nagmana? Kay daddy po?"  Sabi niya. Ayan na naman siya sa daddy niya. Nakita niya ata ang reaksyon ko kaya nagsalita siya ulit.



"Sorry mommy hindi ko na po tatanong si daddy, wag ka po mag cry ulit." Pahabol niyang saad.





"Okay.  I'll tell to your ninang na bilisan mag rest. Baby, mag rest ka din muna. Mag eat ka muna bago kayo pumunta sa dagat okay? Para marami kang energy." Sabi ko.





"But I want to swim mommy." Malungkot na sabi niya.




"You'll swim later, mag eat kana muna." 




"Okay po if that's my mommy's want. Mommy?  Wag kana po mag cry sa Jwapan mommy… Wala po si Jasper dyan para po ikiss ka marami para po mag stop kana sa pag cry!" Sabi niya at nagaalala.





"Miss na po kita Mommy, lagi ka pong mag video call kay ninang Ellie …." 




"I miss you too, baby. Tatawag ako palagi kay ninang Ellie mo. Sige na kumain kana. Mag behave ka dyan baby. I miss you." Sabi ko 




Chasing your loveWhere stories live. Discover now