"Kiel ang baho mo," Sabi ko ng yakapin ko siya. Papasok na kasi siya sa trabaho niya. Ako naman ay day off ngayon si Jasper naman ay nakila mama.
"What? You bought this perfume love," sagot niya kaya hinampas ko ang dibdib niya at lumayo na.
"Totoo? Ang baho pala, tapon mo na..." Sabi ko nakita ko ang pag kunot ng noo ni Kiel.
"Anong gusto mong pasalubong mamaya, love?" Sabi niya ng makarating sa harapan ko. Hawak ko parin ang ilong ko dahil ang baho talaga!
"Wag kang lalapit! Nasusuka ako sa amoy mo!" Sambit ko na kina ngisi niya. Imbis na lumayo ay mas lumapit pa ito sakin.
"Wag ka nga sabing lalapit! Kiel naman!"
"You give this perfume to me, I won't throw it away, love... you've been this clingy yet sensitive lately, huh? preggy wifey." Sambit niya na kinalaki ng mata ko.
"Anong-"
"I'm fucking sure, may little Samantha na sa tummy mo. This past few weeks, you vomit every morning," sagot niya na kinatunganga ko.
Huh? Paano niya napansin yon? Oo napapadalas nga ang pagkahilo ko at pagsuka ko tuwing umaga. Pandin ko rin na sumelan ako sa mga naamoy. Hindi kaya tama siya? Am I pregnant again?
"Hindi naman ako buntis," sagot ko sakniya.
"Okay, let's go? Punta tayo OB ngayon just to make sure," Aya niya sakin.
"Hindi-"
"Common love, I'm fucking sure that youre pregnant. I want to confirm it, common..." pinagsakop niya ang kamay naman hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
Buntis ba talaga ako? Ngayon ko lang napansin, lahat ng mga ginawa ko symptoms ng buntis. Hindi naman ako ganito nung pinagbubuntis ko si Jasper eh. Bakit ganito? Masaya ako pero bakit ako umiiyak?
"Hey why are you so quiet- hey, why are you crying?" Tanong niya ng maramdamang tahimik ako habang nasa byahe. Nilingunan ko siya at ngumiti.
"Ganito pala pakiramdam kapag kasama mo yung lalaking mahal mo na mag papa check up.." naiiyak kong sambit.
"Ang saya pala,"
"Hindi ko kasi naranasan to kay Jasper noon eh..... kasi wala ka naman at hindi mo naman alam...pero ang sarap pala sa feeling kasama mo yung asawa mo magpapa check up para sa baby nyo" Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Stop crying, love. That's bad for the baby," Ani niya.
I'm too sensitive. Naniniwala na akong buntis ako. Hindi naman ako iyakin pero ngayon iyakin na naman ako.
"Congratulation Mrs. Grayson, you're four weeks pregnant." Sambit ng doctor.
"Yes! Fuck! Yes! I knew it! I knew it!" Sigaw ni Ezekiel.
Ang saya niya. Ganyan rin kaya yung reaction niya nung nalaman nyang buntis ako kay Jasper noon? Siguro mas masaya siya noo no?
"Mr. Grayson, wag niyo pong masyadong bigyan ng stress si misis dahil makakasama iyon sa bata. Healthy si baby Mr. And Mrs.Grayson. Bibigyan ko po kayo ng vitamins para po sa bata and kay mother para po stay healthy kayong mag ina," Sabi no doc at umalis na.
"Why are you crying?" Tanong ni Ezekiel ng makita akong umiiyak.
"Wala, masaya lang ako. Hindi ko kasi alam ganito pala kasaya sa feeling kasama ka pag nalalamang buntis ako..." Sabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.
YOU ARE READING
Chasing your love
RomansaThis story "Chasing Your Love" is about two people, Samantha and Ezekiel, who have had tough times in the past but find comfort and motivation in each other. They work together to overcome life's difficulties and pursue their dreams side by side. It...
