Ala sais na rin ng hapon ng matapos kami naglibot libot ni Jasper sa mall kaya ganito rin pagod si Jasper. Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa condo ko. Hindi ko naman sinabi na sa Condo kami, pero doon siya dumaretso. Nagpark siya at kinuha si Jasper na tulog pa rin hanggang ngayon. Ako naman ay kinuha ang mga paper bags. Walang imikan simula noong nasa kotse kami hanggang ngayon na naglalakad kami papunta sa room ko. Dahil ayaw niya akong marinig. Bumukas ang elevator at nauna akong bumaba para pag buksan siya ng pintuan pero nakita ko ang spare card na hawak niya.
Bakit meron pa rin siya non?
Hindi na ako nagsalita at inunahan siyang pumasok para ayusin ang kama na paglalagyan ni Jasper. Binaba ko ang mga paper bags sa bunakana ng pintuan, mamaya ko nalang aayusin. Pumasok si Ezekiel at maingat na binaba si Jasper. Pagkababa kay Jasper ay inayos ko ang pwesto niya. Nakatayo lang si Ezekiel at pinapanood ang bawat kilos ko. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at kinuha ang mga paper bags at inayos iyon sa mini table. Tinignan ko ulit si Jasper hindi ko maiwasan mapangiti, Ang gwapo niya matulog. Pumunta ako sa paanan ni Jasper para hubarin ang sapatos niya. Naka sapatos pa pala siya. Tinanggal ko iyon at hinalikan si Jasper sa noo.
"Goodnight baby. I love you," bulong ko.
Inayos ko ang kumot niya at doon palang naisipan lingunan ang lalaki. He's looking at me. Ang mga titig niya ay samot sari ang pinahihiwatig. Galit. Pandidiri. Awa. Umiwas ako ng tingin at napatingin kay Jasper.
"Ah, Thank you. Paki lock nalang yung pinto pag aalis kana ha? Thank you." Sabi ko.
Tinalikuran ko na siya at pumunta sa cabinet. Wala naman talaga akong aayusin, ayoko lang siya makita Kaya inabala ko ang sarili ko sa pag tupi ng damit. Nakita ko siyang nakatayo lang siya at tinitignan si Jasper narinig ko ang hakbang niya kaya akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako. Lumapit siya sa anak ko, tinitigan niya ito. Hinimas niya ang buhok ni Jasper, narinig ko pa ang mahinang mura niya at napatingin sakin mabilis akong umiwas ng tingin.
Ayoko iwan si Jasper mag isa dahil baka mamaya may gawin siya sa anak ko. My baby. Gusto ko umiyak dahil natatakot ako sa mga tingin niyang ginagawa sakin, pero kay Jasper ay malumanay.
"A-ah... pagpasensyahan mo na ang nagawa ng anak ko sayo kanina sa mall. Excited lang siya. Salamat sa pag karga, pasensya na at may kabigatan pa naman si Jasper." Seryosong sabi ko.
"Stop Talking." Madiin na sabi niya at nakatingin kay Jasper. Ang mga luha ko kanina ko pa pinipigilan ay tumulo na. Mapait akong napangiti at napag pasyahan ng lumabas.
I can't stand him. Ayaw niya akong magsalita. Ayaw niyang marinig ang mga sasabihin ko. Paano ko pa sasabihin sakniya ang tungkol kay Jasper?
Pumunta ako sa kusina. Magluluto ako ng pagkain baka magising si Jasper at maghanap ng pagkain. Kumuha ako ng baboy sa ref at pinakuluan yon. Mag sisigang ako dahil paborito iyon ni Jasper. Habang pinapakuluan ay naghiwa na ako ng mga gulay. Hindi na ako nakapag palit ng damit dahil hindi ko kayang iwan si Jasper lalo na hindi pa lumalabas si Ezekiel sa kwarto. Patapos na ako sa pagluto ng makalabas si Ezekiel sa kwarto. Sandali ko lang siyang tinignan at kumuha ng dalawang plato para sa amin ni Jasper. Tahimik lang akong kumikilos ng magsalita si Ezekiel.
"4 years is enough to hide my son from me, Samantha." napatigil ako sa pagsandok ng ulam ng marinig ko iyon.
"How can you hide my own son from me?" Galit niyang saad. Hindi ko siya tinignan naka tingin lang ako sa plato.
Should I lie? Sabihin ko bang hindi sakaniya ang anak ko dahil ayoko marinig ang mga sasabihin niya?
"Tell me Samantha!" Sigaw niya sa akin. Naiiyak ko siyang tinignan. Hindi ako magpapatalo sa mga titig na binibigay niya sakin.
YOU ARE READING
Chasing your love
RomanceThis story "Chasing Your Love" is about two people, Samantha and Ezekiel, who have had tough times in the past but find comfort and motivation in each other. They work together to overcome life's difficulties and pursue their dreams side by side. It...