Chapter 47
Kurt's pov
Nandito ako sa kwarto nakahiga gabi na rin kasi kaya lahat sila tulog na
Naalala ko noong nagising ako 6 months ago
Flashback
Napadilat ako at may nakitang kisame kaya nag taka ako, ng masilayan ko ng maayos napag tanto ko na nasa hospital pala ako
"Kurt buti gising ka na" yan agad ang bungad sa akin ni Simon
"Bat nandito ako sa hospital?" tanong ko sa kanya
"Nahimatay ka kanina Kurt kaya sinugod ka dito ng kuya mo" sagot nya kaya napatango nalang ako
Napapansin ko rin na medyong tumataba na rin ako pero sinasawalang bahala ko nalang iyon
"Oh bunso salamat naman gising ka na" bungad ni kuya sa akin
"Anong gusto mong kainin, gusto mo lugaw?" tanong nya kaya tumango nalang ako
Umupo si kuya malapit sa akin at kinuha ang binili nyang lugaw, ng malanghap ko ang lugaw napangiwi nalang ako dahil sa baho
"Kuya ayaw ko na pala ng lugaw ang baho" nakatakip ako ngayon sa ilong ko
"Hindi naman ah" depensa nya
Para akong naduduwal kaya dali-dali akong napapunta sa Cr at doon napaduwal nga tubig-tubig lang ang nakikita ko walang laman
Ng maging ok na ako ay tumayo na ako at lumabas, pero pag labas ko nakita ko silang seryosong nakatingin sa akin kaya nag taka ako
"Kurt aminin mo nga sa akin ginalaw ka na ba ni Tristan?" nagulat ako sa tanong ni kuya kaya bigla nalang akong kinabahan ng todo
"JHON KURT BAUTISTA SUMAGOT KA!!!" napaigik nalang ako ng biglang sumigaw si kuya kaya napayuko nalang ako at sinagot nalang si kuya
"O-opo k-kuya" sagot ko sa kanya at napapikit
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito?" ngayon mahinahon na sya mag salita pero nandoon pa rin ang galit nya
"S-sorry kuya kung di ko a-agad sinabi sayo" hinging paumanhin ko sa kanya
"Ilang beses ka na ginalaw ng kuya ko?" tanong ni Lucas
"Tatlong beses na rin" sagot ko sa kanya, nakita ko ang gulat sa mga mata nila ganon din si kuya
"Kung ganon sya talaga ang ama ng dinadala mo" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni kuya
"Anong dinadala ko kuya?" takang tanong ko sa kanya
"Buntis ka Kurt 1 month and 1 week na rin" sagot ni Luhan kaya nagulat ako
"Kaya pala pansin ko parang tumataba ako at minsan matakaw na rin sa pag kain" di makapaniwalang bulalas ko
"Oo kaya napagpasyahan ko na ilayo ka na dito sa manila" bigla muling kumunot ang noo ko
"Bakit kuya saan mo naman ako dadalhin?" tanong ko muli sa kanya
"Sa probinsya namin Kurt, doon sa Quizon City mas safe ka doon at isa pa kasama mo naman pinsan kong babae na mag aalaga sayo doon habang buntis ka" sagot ni Jerico kaya napatango nalang ako
"Ilalayo kita para na rin sa safety mo at sa bata, kaysa pa dito na alam mong nag kakagulo lalo na't may naninira na sa inyong dalawa" saad ni kuya
Plano nya pala akong ilayo kay Tristan, sabagay di nya pala alam na buntis ako ngayon sa magiging anak naming dalawa
End of Flashback
Kaya simula noong lumabas ako ng hospital dumeretso na kami dito sa Quizon City, dito ko rin nakilala si Shane mabait naman sya at maalaga di rin mahirap maging kaibigan ang babaeng toh kaso amazona nga lang sya
Masyadong maldita at sadista di mo lang mahahalata kasi minsan lang yan ganyan sa akin kapag nakikita nya kung anong ginagawa ko
Napahimas nalang ako ng tyan ko 7 months na rin ang tyan ko may sinabi sa akin si kuya kanina
'Nakay Tristan na yon kung hahanapin ka nya at isa pa wala ring alam ang mokong na yon na buntis ka. Magulat nalang sya kung sakaling makita ka nya at yang tyan mo na malaki' yan ang sinabi sa akin ni kuya
Medyo malaki-laki ang tyan ko di ko alam kung bat malaki eh yong mga buntis naman normal lang ang laki ng tyan di katulad ng akin na malaki-laki
Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa antok
Continue
BINABASA MO ANG
Pregnant By My Possessive Crush(MPC Season 2)*Complete*
FanficD I S C L A I M E R ⚠️ : THIS IS WORK OF FICTION. Names, characters, places, business, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actua...