chapter 49

257 10 0
                                    

Chapter 49

Third person's pov

Tulala at di makapaniwala pa rin si Riah sa nalalaman nya. Hanggang meeting nya ay wala pa rin sa sarili si Riah

'Goshh nakakaloka di ko aakalain na nandito lang pala sya. Pero gusto ko muna makasiguro kung anak nga ba ni Tristan ang dinadala nya'

Ng umuwi sa manila ay sinalubong agad sya ng pinsan nyang si Jerome

"Oh bilis mo ah kamuzta meeting?" tanong ni Jerome pero wala pa rin ito sa sarili

"Riah" tawag ni Jerome sa kanya pero di pa rin nag sasalita si Riah

"HOY MILES ANO BA!!!" nabalik lang sa relidad si Miles ng sumigaw na si Jerome kaya sinamaan nya ng masamang tingin ang pinsan

"Ano bang nangyayari sayo tulala ka dyan?" tanong ng pinsan nya sa kanya

'Sasabihin ko ba o hindi? Hayst ano ba naman yan'

"Riah ano bang nangyayari sayong bakla ka?" tanong muli sa kanya, binatukan naman sya ni Riah

"Maka bakla ka wagas ah" mataray na sabi nya rito tinawanan lang sya ng pinsan nya

"Nakita ko na sya" deretsyang sagot ni Riah sa kanya

"Sino?" gusto nyang sapakin ang pinsan nya dahil sa pagiging slow nito

"Sino pa nga ba pinapahanap ng isa" inis na sagot ni Riah

"Ahh edi ma----- ANO!!!!" napatakip ng tenga si Riah dahil sa pag sigaw nito kaya sinapak nya sa muhka si Jerome na syang ikina tumba naman ng isa

"G*go nasa harap mo na ako diba? Bat kaylangan mong sumigaw!!!" sigaw pabalik ni Riah

"Di lang ako makapaniwala eh sorry na, btw sasabihin ko na kay--- Hindi muna sa ngayon" biglang putol ni Riah sa sasabihin ni Jerome

"Bakit naman? Hoy Miles alam mo naman na matagal nang hinahanap ni Tristan si Kurt diba?" seryosong tanong ni Jerome

"Pwede ba hinaan mo muna boses mo nakaka istress ka talaga insan" sabay paypay nito sa kanya sarili

"Teka nandyan ba si Tristan?" tanong ni Riah kay Jerome

"Wala sya nasa HQ sya ngayon may laban na magaganap na naman mamaya malamang hinamon na naman tayo" sagot ni Jerome bago umupo sa sofa

"Anong balak mo ngayon?" tanong nya kay Riah

"Babantayan ko muna si Kurt kung maaari delekado rin lalo na't buntis sya" sagot ni Riah

"Hwag ka na mag alala kapag nalaman ko nga na anak ni Tristan ang dinadala nya sasabihin ko na rin kay Tristan" dagdag ni Riah

"Teka? Buntis ba kamo?" gulat na tanong ni Jerome sa kanya tumango naman si Riah

"Oh sh*t!!! Bilisan mo lang Riah mas mabuti nang maaga na malaman ni Tristan lalo na't mag kakaanak na pala yong g*gong yon" dagdag ni Jerome

"Tss oo na, nga pala tawagan mo yong mga nag iibistiga na kinuha natin may iuutos ako sa kanila" tumango nalang si Jerome bago tinawagan ang mga taong nag papahanap kay Kurt

Mga ilang minuto ay nakarating rin sila sa mansion

"Bakit nyo po kami pinatawag?" tanong ng isa

"Mag hanap ka ng detalye sa mga hospital duto sa manila baka isa sa mga hospital na yon kung saan dinala si Kurt noon bago sya umalis dito sa manila" utos ni Riah sa kanya

"At kayong dalawa, bantayan nyo sya nasa Quizon sya ngayon hwag nyo munang sasabihin kay Tristan dahil once na sinabi nyo may parusa kayo sa akin" seryosong sabi ni Riah sa kanila, napatango nalang ang dalawa sa utos ni Riah

"Oh sya umalis na kayo at bantayan nyo sya, hwag nyong iaalis ang tingin nyo sa kanya at isa pa mag tatago kayo para di mahalata na may nag mamasid sa kanya" dagdag pa ulit ni Riah

Umalis na ang tatlo, nag punta naman sa taas si Riah para makapag mahinga sya dahil alam nyang sasabak sila mamaya sa labanan gaganapin sa Arena o tinatawag na Underground ng mga Gangster world

'Unting tiis lang Tristan makakasama mo na rin ang mag ina mo'

Sa kabilang banda naman ay nag pupulong sila Tristan at pinag uusapan ang mangyayari mamayang gabi

"Ano bang gusto ng mga Red Rings Gangster palagi sila nag hahamon ng laban?" inis na tanong ni Jade

"Wala tayong magagawa simula nong nakuha natin ang trono ni Tristan bilang Gangster King nag sisimula na muli silang kumilos" sagot naman ni Clarence

"Anong oras gaganapin sa Arena ang laban?" cold na tanong ni Tristan

"Mga 12 am ng madaling araw" sagot ni Luhan sa seryosong tono

"Ihanda nyo na ang mga gagamitin nyo mamaya, para handa nalang kapag papunta na tayo don" cold na utos ni Tristan sa kanila tumango nalang sila kay Tristan

"Anong balak mo ngayon Tristan? Hinahanap mo naman siguro ang kapatid ko diba?" seryosong tanong ni Samuel

"Kapag nahanap ko na sya di na ako papag na umalis o iwan nya muli ako" sagot nya kay Samuel

"Ikaw rin naman kasi ang dahilan kung bat ka nya iniwan, ang gawin mo nalang mag paliwanag ka sa kanya. Pero di ibig sabihin non pinapatawad na kita sa ginawa mo sa kapatid ko" alam na alam ni Tristan ang ibig nitong sabihin kaya tumango nalang sya rito

'Mahanap lang kita sisiguraduhin ko na di mo na ulit ako iiwan'

Continue

Pregnant By My Possessive Crush(MPC Season 2)*Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon