Chapter 54

253 11 0
                                    

Chapter 54

Kurt's pov

Nandito kami sa may garden dalawa lang kami rito kaya medyo nakakailang ng mag salita sya bigla

"Bakit ka umalis?" tanong nya habang nakatanaw lang sa mga bulaklak

"Bakit ka umalis ng walang paalam?" tanong nya ulit

"Umalis agad kami ng makalabas ako ng hospital dito agad ako dinala ni kuya" sagot ko sa kanya

"Kaylan mo nalaman na buntis ka?" tanong nya muli

"Nong araw na nahimatay ako, noong araw na inuwi mo ako sa amin at yong araw na may natanggap akong envelop" sagot ko ulit sa kanya

"Naniniwala ka bang ako yon? Naniniwala ka bang ako rin ang nag salita sa recording na yon?" mga tanong nya sa akin

"Di ko alam, siguro dahil sa mga problemang dumating sa buhay ko nag kagulo-gulo na rin ang isipan ko" sambit ko sa kanya

"Paano kung mapatunayan ko na di ako yon? Kaya mo ba akong patawarin?" tanong nya sa akin

"Alam mo sa sarili mo na may isang pag kakamali ka na nagawa na di ko pa rin kayang tanggapin pero sige susubukan ko" sagot ko sa kanya

"Sorry Kurt kung nagawa ko yon, pangako di na mauulit yon" paghihingi nya ng sorry

"Gawin mo hindi yong hanggang sabi ka lang. Kung gusto mong mapatawad kita" usal kong sabi tumango naman sya at ngumiti

"Can i hug you?" tanong nya, mag sasalita sana ako ng bigla nya akong yakapin di naman masyadong mahigpit na maiipit ang tyan ko

"I miss you, i really really miss you baby" bulong nya sa akin

'I miss you to Tristan and sorry kung iniwan kita' gusto kong sabihin yon pero tinikom ko nalang ang bibig ko

"Ehem lovebirds di pa ba kayo tapos sa dramang yan?" biglang sulpot ni Riah kaya napahiwalay kami sa yakapan

"Alam mo Riah panira ka rin eh noh" inis na asik ni Tristan sa kanya tumawa lang si Riah

"Hali ka na Kurt kumain ka na baka malipasan ka ng gutom nyan" yaya sa akin ni Riah tumango nalang ako at sabay nila akong inalalayan papasok sa mansion

"Oh nandito na pala kayo, kain na muna kayo" aya ni Shane kaya umupo na kami. Katabi ko si kuya habang kaharap si Tristan

"Nga pala bunso nag pa check up ka na ba?" tanong ni kuya sa akin

"Hmm oo kanina lang" sagot ko sa kanya

"Anong gender ng baby mo Kurt?" tanong ni Jade

"NIN.YO" madiin na bigkas ni Tristan sabay tingin ng masama kay Jade napalunok naman si Jade sa wala sa oras

"Hahaha di ko inalam pa mas gusto kong malaman kapag naisilang ko na sila" sagot ko sa kanya

"Nga pala diba may kasalanan ka pa sa akin?" taas babang kilay na tanong ko sa kanya

"Sorry na Kurt" pag hihingi nya ng sorry

"Eto kainin mo" yong banana na nasa may lamesa kinuha ko pati ketchap. Namutla naman sya ng wala sa oras dahil alam nyang kakainin nya ito

"Pag di mo toh kinain alam mo na ang mangyayari" nakangiting dagdag ko pa

"Anong klaseng pag kain yan Kurt? Parang.... Hayst" nakita kong napangiwi sila ni Jerome habang sila Luhan ay nag pipigil ng tawa

"S-si Tristan nalang Kurt hwag ako" tanggi nya

"Kain o Chapchap?" nakangiting tanong ko sa kanya

Napatingin naman kami sa nabulunan at nakita ko si Tristan na parang aligaga na uminom ng tubig

"C-chapchap talaga" di makapaniwalang saad nya

"HAHAHA bro kung alam mo lang ang dinanas namin dyan kay Kurt talagang mamatay ka ng wala sa oras" natatawang sabat ni Luhan sa kanya

"Kainin mo na ito" may diing utos ko sa kanya pero umiling lang sya kaya sa inis ko padabog kong binaba ang saging at umalis sa habang kainan

"Kurt--- HWAG NYO AKONG KAUSAPIN!!!" malakas na sigaw ko at padabog na umakyat sa taas

"Yari ka Jade" rinig ko pang sabi ni Jerico sa kanya

Padabog ko ring sinara ang pinto at nilock ito at inis na umupo sa kama

"Kainis yon lang naman papakain ko sa kanya nag iinarte pa bw*sit tss" inis na asik ko at humiga nalang sa kama

'Itutulog ko nalang ito mas mabuti pa nga tss'

Continue

Pregnant By My Possessive Crush(MPC Season 2)*Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon