Chapter 96

126 5 1
                                    

Kurt's pov

Kinabukasan

Maaga kaming nagising lahat miski ang triplets ay nagising na rin at si Rose Marie. Muhkang excited na silang maligo lahat sa dagat eh HAHAHAHA

Nandito kami sa tapat ng resort, nag luluto naman sila kuya ng breakfast namin kasama sila Tristan, Luhan, Jerome at si Lucas

Ang mga babae naman ayon nauna nang naligo, di nag bikini ang mga babae dahil pinag bawalan nila Jerome ito na mag bikini kaya yon over size t-shirt ang gamit nila

Natawa pa ako na nag reklamo pa sila eh pero wala na ring nagawa. Si Zhea naka upo lang sa may upuan habang umiinom ng gatas nya at hinihimas ang tyan nya

Nakatanaw lang sya sa mga kaibigan namin

"Guys tawagin nyo na sila, kakain na tayo" aya ni Riah

Pinuntahan nila Simon ang mga babae at inayang kumain na dahil past 8:50 am na rin ng umaga

Pag katapos naming kumain ay nag pahinga muna kami saglit bago bumalik ng dagat

"Uyy Kurt di ka naliligo?" tanong ni Jerico sa akin

"Mamaya unti" sagot ko sa kanya

"Paano ba yan una na kami ah, halika na love" aya ni Jerico kay Kio kaya pumunta na rin ang ibang boys sa dalampasigan

Sila kuya ay naiwan dito, sa swimming pool nalang daw mag babad si Zhea kasama sila Luhan at Riah

Nakaupo ako sa may upuan malapit sa veranda ng may umupo sa tabi ko alam ko na ang presenta ng taong ito

"Bakit di ka maki join doon?" tanong nya sa akin

"Tinatamad pa akong maligo" sagot ko sa kanya

"Oh come on baka hanapin ka ng mga bata don" sambit nya

"Fine, pupunta lang ako don para silipin ang triplets" sukong sabi ko sa kanya

"Samahan na kita," lumabas na kami at pinuntahan ang mga batang nag lalaro

Sila Rose at Kristine ay humagawa ng palasyo na gawa sa buhangin habang sila Kristan at Cristian kalaro sila Jerico sa may dagat

Umupo ako sa may buhanginan ganon din sya, sumandal ako sa kanyang balikat at sya naman ay umakbay sa balikat ko habang hawak nya ang kaliwanag kamay ko

"Sana ganito nalang palagi, yong walang gulo, yong walang patayan na nagaganap di matulad noon" mahinang usal ko

"Sana nga, pero di natin alam kung anong mangyayari lalo na't darating ang panahon na may mga tao na namang maninira at pag subok sa atin" sagot nya sa akin

"Gusto ko kapag lumaki na ang mga bata, maging maganda sana ang mga kinabukasan nila. Ayaw kong tumahak sila sa maling landas, tahakin nila kung ano man ang tama. Mag mahal sila sa tamang tao na kayang pahalagahan at ingatan sila" muhkahi ko muli

Tumingin ako sa kanya at ganon din sya sa akin, ngumiti sya sa akin kaya sinuklian ko ito bago nya halikan ang noo ko

Nagulanta kami ng may nag buhos sa aming tubig dagat, tumingin kami sa mga tumatawa at ang apat na bata iyon kasama sila Alex

"Kaysa mag loving-loving kayong mag asawa dyan maki join nalang kayo" nakangising anas ni Jerome sa amin

Ng pag katayo ko at akmang mag sasalita ng mapatili ako dahil sa biglang pag buhat ni Tristan sa amin

"Sige maliligo na kami" natatawang usad ng isang toh

"Mga bwisit kayo!!!" sigaw ko sa kanila pero tumawa lang ang mga ito

Pregnant By My Possessive Crush(MPC Season 2)*Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon