1
Binuga ko ang usok ng sigarilyo sa bibig ko habang nakatitig sa taong kikidnapin namin ngayong gabi. Isang buwan na namin pinaplano ito at ngayon ang tamang panahon para isagawa ito. Napasulyap ako kay Warren na nasa kabilang banda, siya ang isa sa kasamahan ko.
“Titignan ko kung may nagbabantay sa kanya,” rinig kong sambit ni Warren sa earpeace na suot ko.
Wala sa isip ko ang kumidnap ng tao, pero talagang ginipit ako ng tadhana. Kailangang maoperahan ang papa ko at nangangailanga ako ng malaking halaga. Ayokong gumawa ng ganito, pero kailangan na kailangan ko. Muli akong humithit sa sigarilyo ko nang mapansin na napasulyap sa’kin ang target.
Kinakahaban ako kaya ako naninigarilyo ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin. Sinusubukan ako ng mga kasamahan mo lung talagang kaya kung gumawa ng labag sa batas kaya ako ang nilagay nila rito.
Nasa bar kami ngayon at ang plano ay aakitin ko ang lalakeng binabantayan namin ngayon. Aakitin ko siya hanggang sa gusto niyang mapag-isa at pumunta sa isang lugar na kami lang, saka namin gagawin ang planong kidnapin siya.
Nagsuot ako ngayon ng maiksing damit na hiniram ko lang sa kaibigan kong si Anna na kapitbahay ko rin. Backless iyon at dahil mas matangkad ako kaysa sa kay Anna ay talagang subrang iksi non. Kinulot niya rin ang mahaba kong buhok kaya nagmukha akong mas matanda kaysa sa edad ko. 19 lang ako, pero nagmukha ako 22 sa ayos ko.
Tinuruan ako ni Anna mang-akit. Si Anna ay nagtatrabaho sa isang bar kaya marami itong alam tungkol sa pang-aakit. Tinuruan niya ako, pero ang sabi ko lang sa kanya ay gusto ko lang magkaroon ng kaalaman tungkol doon. Tinuruan niya ako dahil akala niya ay may boyfriend na ako, hindi niya alam na gagamitin ko ang natutunan ko sa kanya para mangidnap ng mayamang lalake.
“Nakatingin siya sayo,” napasulyap ulit ako sa kinaroroonan ni Yryno Dela Zardo, ang lalakeng bilyonaryo. Walang alam gawin kung hindi ang mambabae.
Napaayos ako sa pagtayo nang mapansing nakatitig nga siya sa’kin. Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na alak sa isang kamay niya. Madilim ang titig nito sa’kin at napansin ko kaagad ang paghagod ng tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa. Mukhang tama si Warren, kayang-kaya kong kunin ang atensyon niya kahit wala akong ginagawa. Si Warren ang nagsabi na kaya ko, kaya talagang tinanggap ko 'to.
Napatitig ako sa kanta at hindi maiwasang sumang-ayon sa mga usap-usapan tungkol sa kanya.
Gwapo nga ito at subrang lakas rin ng dating niya, paniguradong maraming babae. Muli akong himithit sa sigarilyong hawak ko at pinakita ko sa kanya ang pagbuga ko rito. Kinindatan ko rin siya at halos magdiwang ako nang mapansin ang paglunok niya. Napatingala siya at kitang-kita ko ang kanyang adams apple na nagtaas-baba.
Hot.
At nang muli siyang tumingin sa’kin ay nag-iwas ako ng tingin. Pinatay ko ang sigarilyo sa ashtray na nasa gilid ko at naglakad na papunta sa dancefloor. May naglakad na waiter malapit sa’kin kaya mabilis akong kumuha roon. Ininom ko iyon at halos mapapikit sa subrang sama ng lasa kaya noong may isang waiter na naglakad ulit ay nilapag ko iyon doon.
“Nakatitig talaga siya sayo. Sayaw, Zay,” rinig kong sambit ni Warren sa’kin sa earpeace na suot ko kaya mas lumapit ako sa mas maraming tao, pero sinigurado kong hindi matatabunan ang pwesto kung nasaan si Yrony.
Tinaas ko ang kamay ko at sinimulang umindayog. Ang nakataas na kamay ay dahan-dahan kong binababa at hinahaplos ang katawan ko. Nakapikit ako dahil ayaw kong makita ang nasa paligid ko. Natatakot akong may mga taong nakatingin sa’kin at mahiya na lang bigla.
Napamulat lang ako nang may lumapit sa’kin sa harap ko. Akala ko ay tuluyan na siyang lumapit sa’kin, pero mali ako. Ibang lalake ang lumapit sa’kin. Itutulak ko na sana siya, pero halos matigil ako at mapako ang paa sa kinatatayuan ko nang maramdamang may humawak sa bewang ko galing sa likod. Hinaplos niya iyon. Natigilan naman ang lalakeng nasa harap ko at tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Kidnapping Miss Kidnapper
RomanceSi Azaylie Juarez ay gagawin ang lahat para mabuhay ang kanya ama na nag-aagaw buhay sa hospital, kung kailangan niyang gumawa ng bagay na labag sa batas ay gagawin niya para maligtas lang ang nag-iisa at natitirang pamilya niya. Azaylie joined a sy...