7
"Fuck! I told you don't fucking touch me!" Sambit nito at hinawakan ang dalawang kamay ko para ilayo, pero masyado akong masaya sa pagpayag niya.
Seryoso ba 'to? Alam ko naman na wala akong magiging choice kung hindi manatili rito kasi wala naman akong matatakasan, pero pumayag siya! Nagbakasakali lang naman ako, pero talagang pumayag siya!
Lumayo ako sa kanya at mabilis na dinampian ng halik ang labi niya at kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya sa ginawa ko. Natawa ako dahil mabilis lang naman iyon kumpara ng ginawa niyang paghalik sa'kin sa bar kaya anong expression yan, Yrony.
Napairap ako. Feeling inosente lang?
Imbes pansinin pa ang naging reaksyon niya ay
mabilis ko nang kinuha ang phone sa kamay niya at naupo ulit sa duyan.
I dial Anna's number immediately at nagpasalamat talaga dahil kabisado ko ang number niya. Iniwan ko ang phone ko sa bahay ang phone ko dahil iniisip ko na baka mahulog ko lang iyon sa kung saan dahil nga may kikidnapin kami.
Yrony's POV
"D-Did you just kiss me?" I asked her in disbelief, but she was already focused on my phone as if she had done nothing just now. She kissed me! She fucking kissed me right now, tapos parang wala lang sa kanya.
Nakatayo ako habang nakaupo siya sa duyan. She looked at me and put a finger to her lips to make me silent. Until she lowered her finger, maybe her friend had already answered the call. Hindi na siya nakatingin sa'kin kaya napasinghab ako. Pinapasok niya ang ulo ko!
I closed my eyes and touched my lips. I just shook my head and smiled a little. Hindi ko maiwasang pagtawanan ang sarili ko. Fuck! It's just a fucking smack, so why am I acting like this? What's surprising about her suddenly hugging and kissing me? I already kissed her in that bar, so it shouldn't be a big deal to me. What the hell is your problem, Yrony?
Hindi lang naman siya ang babaeng humalik sa'kin. There were also numerous women who attempted to kiss and seduce me. So why the heck are you acting like this, Yrony?
"Anna, sorry ah. Alam kong abala sayo 'to, pero ikaw lang matatawagan ko... Oo... Ayos lang ako," natatawang sambit niya.
I bit my lower lips and couldn't help but stare at her. Her eyes were so beautiful. I just held my breath while staring at her. Her eyes are always smiling, so earlier, when I saw her crying in her room, I felt guilty.
Pakiramdam ko hindi dapat siya pinapaiyak. Muling naglakbay ang tingin ko sa mukha niya. Her nose was perfect, and her lips were so smooth. Slim, but every curve of the body is in line. Tamang-tama ang lahat ng kurba ng katawan niya at hindi ako magsisinungaling na ang klase ng katawan niya ay isa sa gusto ng mga lalake.
Namula ito at parang may sinabi ang kaibigan niya. Muli siyang natawa at sumulyap sa'kin. Napakurap-kurap pa nang makita niya ang pagtitig ko sa kanya. Napatikhim ako at nagkunwaring naiirita.
"Faster," mahinang sambit ko.
Bigla siyang nataranta at nagpaalam sa kaibigan. Nakagat niya ang labi at dahan-dahang tumayo. Ang kulit! Ang sabi ko sa kanya huwag niyang kakagatin ang labi niya, pero heto nanaman siya.
Kinuha ko iyon agad at tumalikod. Nagsimula na akong maglakad nang sabayan niya ako.
"Thank you!" Masayang sambit niya.
Hindi ako nagsalita.
"Si Anna yung tinawagan ko. Siya lang ang kaibigan ko na malalapit ko para kay Papa," sambit pa niya.
Napansin ko ang pagsinghab niya nang hindi ulit ako umimik.
"Magkukulong ka ba ulit sa kwarto mo?" Tanong pa nito sa'kin at natigilan ako sa paglalakad nang pumunta siya sa harap ko.
"Huwag ka muna magkulong sa kwarto mo. Hindi ka kumain kaninang tanghali, kumain ka ngayon," seryosong sambit niya.
Kumunot ang noo ko. "Utos ba yan?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
Tumango siya. "Kung aakyat ka sa kwarto mo, sasama ako. Ipapakita ko sayo kung paano ako mang-akit ng lala—" I cut her.
Fuck her! Damn her!
"Fine! Hindi na muna ako aakyat. Would you shut up!" Iritang sambit ko nang sabihin niya ulit iyon.
I can't believe her! Napahilot ako sa sintido ko sa subrang inis ng nararamdam ko ngayon. Ayos na ako kanina eh, tapos ngayon, pinaalala pa! Paano niya nagagawang sabihin ang mga salitang iyon sa harap ng isang lalake?
BINABASA MO ANG
Kidnapping Miss Kidnapper
Storie d'amoreSi Azaylie Juarez ay gagawin ang lahat para mabuhay ang kanya ama na nag-aagaw buhay sa hospital, kung kailangan niyang gumawa ng bagay na labag sa batas ay gagawin niya para maligtas lang ang nag-iisa at natitirang pamilya niya. Azaylie joined a sy...