7(part2)

419 5 2
                                    

Lalaki ako tapos kaya niyang sabihin iyon ng hindi man lang nagdadalawang isip? Finger herself in front me? Napapikit ako at sinubukang tanggalin sa isip ko ang mga sinabi niya. Damn it! Umalis kayo sa isip ko, gusto kong matulog ng payapa mamaya!

 

"Baka tapos na siyang magluto," rinig kong sambit nito at nagawa pang hawakan ang kamay ko para hilahin papasok sa kitchen. Napahawak ako sa batok ko.

 

Why is she so touchy? And why the hell you let her, Yrony? Kinagat ko na ang labi ko at sinubukang tanggalin ang kamay niya, pero sinulyapan niya ako.

 

"Tatakas ka?" Tanong agad nito kaya hindi ko maiwasang mapailing at matawa. To make her stop hinila ko ang kamay niya at pinagsalikob ang daliri namin.

 

"Why are you so bossy? Ikaw ang kinidnap ko tapos ikaw tong matapang. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ko sa mga kasama mo?" Seryosong tanong ko, pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng tumawa dahil napansin ko na namutla siya, pero kumunot ang noo ko nang napatikhim siya at tinaasan ako ng kilay.

 

"You think matatakot mo pa ako diyan? Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi mo ako masasaktan. Ano 'yun? Niligtas mo ako para lang barilin?" Tinaas pa niya ang daliri at sinabay niya sa pag-iling.

 

"Paano kung oo?" Sambit ko at aambang kukunin ang baril sa bewang ko, pero ang totoo ay wala akong dalang baril.

 

I can't help but chuckle while staring at her back, running like I am going to eat her. Okay. She's just cute, that's it.

 

"Naku po. Ngumingiti na siya." Mula sa likod ko ay may umakbay sa'kin. Nang tignan ko ay nakita ko si Kyle na may nakakalokong ngiti. 

 

"I'm not," seryosong sambit ko na at siniko na siya.

 

"What's the use of denying, bro? Kitang-kita ko na nga," natatawang sambit nito bago niya tapikin ang balikat ko at tuluyang pumasok din sa kusina.

 

Azaylie's POV

 

Bigla akong namutla sa sinabi niya kaya agad kong binitawan ang kamay niya. Tama na nga ang pang-aasar at kung ano-ano, Zay! Pumayag na nga yung tao tapos ikaw pa itong makulit baka mamaya talagang niligtas ka lang niya para barilin.

 

Nadatnan ko si Janica na nagsasalin na ng ulam sa pinggan kaya agad-agad akong lumapit para tumulong. Busy siya sa ulam kaya inabala ko naman ang pag-aayos sa lamesa.

 

Ilang sandali ay pumasok si Kyle at si Yrony. Seryoso lang si Yrony na naupo sa kabisera kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. 

 

"Anong ulam?" Napasulyap ako kay Kyle nang tanungin niya iyon.

 

Nang tignan niya ako ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

Buti pa to ngumingiti na kapag napapatingin sa'kin. 

 

"Tsk!" Bumaba ang tingin ko Yrony nang siminghab siya at rinig na rinig namin ang padabog na pagkuha niya ng kanin para lagyan ang pinggan niya.

 

Hinila ni Kyle ang upuan sa tabi ni Yrony at natatawang tinapik si Yrony. Napansin ko rin na parang nagkakaintindihan lang sila sa isang tingin dahil mas lalong nairita si Yrony.

 

"Ano, Kuya? Hindi na ba mainit ang ulo mo?" Si Janica na ngayon ay naupo na. Dahan-dahan din tuloy akong naupo.

 

"Mukhang hindi naman na. Diba, bro?" Si Kyle ang sumagot kaya muli siyang tinignan ng masama si Yrony.

 

Natawa si Janica habang nakatingin kay Yrony. Napanguso ako. Palagi siyang galit at masungit, pero pakiramdam ko talaga hindi niya ako masasaktan gaya ng palagi niyang banta. Pakiramdam ko kapag kasama ko siya, ligtas ako. Masungit at galit lang siya, pero hindi siya masama.

 

Hinayaan niya akong gamitin ang phone niya at alam kong hindi siya tanga para hindi isipin na baka nagsisinungaling lang ako. Hinayaan niya akong tumawag kahit na pwedeng-pwede akong magsumbong sa kung sino man ang tatawagan ko.

 

"Ako na diyan," mabilis kong inagaw kay Janica ang pinggan na dapat hugasan. Natigilan siya.

 

"Hindi na. Ako na rito. Umakyat ka na at magpahinga," sambit nito sa'kin at naunang lumapit sa lababo.

 

Nilagay ko ang pinggan sa lababo at inagaw sa kanya ang panghugas na kinuha at hawak hawak na niya.

 

"Zay, it's fine—"

 

"Ako na rito. Ikaw na nga yung nagluto. Hindi naman pwedeng wala akong gawin dito. Saka nagkausap na kami ng kuya mo. Hindi ko alam kung bakit kailangan akong nandito, pero kung iyon ang kailangan kong gawin dahil sa pagbabanta kong kidnapin ang kapatid mo, sige mananatili ako rito, kaya please. Hayaan mo na akong tumulong. Sanay ako sa mga gawaing bahay dahil dalawa na lang kami ni Papa," sambit ko habang tinatali ang buhok ko pataas.

 

Hindi ko maiwasang magtaka sa kanya nang nakatitig lang siya sa'kin kahit na subrang haba ng sinabi ko.

 

"Kamukha mo talaga siya," wala sa sariling sambit niya.

 

"Sino?" Taka kong tanong sa kanya. Napakurap-kurap siya at mabilis na umiling.

 

"Wala. Sige, ikaw na riyan. Punasan ko lang ang lamesa," sambit nito habang iniiwas na ang tingin.

 

Nagsimula na ako sa paghuhugas nang magsalita siya.

 

"Pasensya ka na kung masungit si Kuya. Ganoon lang talaga iyon," sambit nito.

 

"Ayos naman, medyo mabait naman siya, pero talagang pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob," natatawa kong sambit sa kanya.

 

"Oo mabait 'yun, pero mas mabait yung isa pang kuya ko," sambit nito rason kaya napasulyap ako sa kanya.

 

"May kuya ka pa?"

 

"Meron. Si Kuya Yrony ang panganay tapos si Kuya Denver tapos ako," sambit nito.

 

Napatango ako at tinuon ang pansin sa hinuhugasan.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kidnapping Miss KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon