3 - Seduce

409 12 2
                                    

3

Those who don't know me well think that I am a womanizer, pero mali sila.

"Shut the hell up! You know me. Hindi ako basta-basta naaakit," Mariin at subrang iritadong sambit ko.

My mind returned to what happened earlier—how she winked at me, how she danced in the middle of many people, and how she grinded in front of me. And her lips, damn! Subrang lambot. I bit my lips at minura na lang ang sarili sa isip ko.

Yeah. Hindi ako basta-basta naaakit, but why the hell I did that? Umigting ang panga ko nang maalala iyon. Kasali siya sa isang sindikato. Naiirita ako dahil subrang dali niyang kunin ang mga attention ng mga lalaki sa paligid niya na para bang experto siya sa pang-aakit ng kahit sinong lalake.

And why she need to join in that fucking syndicate?

Nakaramdam ako ng init at uhaw. Napatayo ako at lumapit sa ref. Napansin ko ang pagsunod ng tingin nila sa'kin. Hindi ko sila pinansin at nilagyan lang ng malamig na tubig ang basong kinuha ko mabilis na nilagok iyon.

"Are you okay? Bakit parang namumula ka?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Janica. Napailing lang ako at muling nagsalin ng tubig para inumin ulit.

Bumalot ang pagtawa ni Kyle sa buong paligid.

"Kung nakita mo lang, Janica. Yang kapatid mo parang naengkanto habang pinapanood na sumasayaw yung kidnapper na 'yun—"

"Shut the hell up, Kyle!" Iritang sambit ko.

Napanguso si Janica at unti-unting natawa.
 
"That's new, ha? But, Kuya, you can't like her. Kung siya ang nawawalang apo ni Don Alvarez, hinding-hindi kayo magiging pwede. Don Alvarez already agreed with Mr. Bueno. Na kung buhay ang apo niya, sa anak ni Mr. Bueno niya ito ipapakasal," she seriously said that to me.

Napansin ko ang pagtataka ni Kyle, pero nanlaki ang mata nang may mapagtanto sa sinabi ni Janica. I saw him getting his phone, para siguro tignan ang letrato ni Tita Greta.

Of course, I will never like her. But I can't help but think about it. Janica was right. Mr. Bueno and his son Ivo were the reason kaya hindi bumagsak ang kompanya ni Don Alvarez noong mga panahon na iyon.
 
When Don Alvarez lost his daughter and granddaughter, hindi siya makapag focus sa trabaho, was what our dad said to us, but Mr. Bueno was there to manage all of Don Alvarez's business, and I'm sure if he didn't do that, there was a possibility of the company collapsing. Hindi naman maghihirap si Don Alvarez kung sakaling bumagsak nga ang kompanya niya dahil marami pa siyang asset, pero malaking kumpanya iyon.

That's the reason why Don Alvarez promised Mr. Bueno na magiging isa ang pamilya nila kung sakaling buhay ang apo niya. If she is indeed the missing granddaughter of Don Alvarez, then she will be bound to marry Ivo.

Azaylie's POV

Nagising ako na medyo masakit ang katawan ko. Pagmulat ko ay purong puting dingding na may biluging ilaw na ang una kong nakita.

Asan ako? Bakit ako nakatali? Sisigaw na sana ako, pero natigil ako at napatulala na lang dahil naalala ko ang huling nangyare. Napapikit ako at napabuntong hininga.

Yung kikidnapin namin, kinidnap ako. Para akong tangang natawa nang maalalang tinakpan niya ng panyo ang ilong ko. Shit! Nakatatawa. Ako ang isa sa mga kidnapper, pero kinidnap ako ng kikidnapin namin. Kailan man, hindi pa ako nakarinig ng ganoon.

Ginalaw ko ang kamay ko, pero hindi ko magawa.
Nakahiga ako sa isang kama, habang ang dalawang kamay ay nakatali sa ulunan ko. Hindi ko iyon magalaw sa subrang higpit. Wala namang tali ang paa ko, pero hirap akong igalaw iyon.

Subrang ganda ng kwarto kung nasaan ako. Malayong-malayo sa lugar kung saan dapat namin ilalagay si Yrony, pero bakit nga ba niya ako kinuha? Anong mapapala niya? Pwede niya akong iwan doon para sabay-sabay kaming makuha at mahuli ng pulis, pero bakit kailangan niya akong kidnapin?

Dahil sinusubukan kong gumalaw ay lumislis ang suot kong dress. Kitang-kita ko na ang suot kong thong nang sinubukan ko iyong tignan. Napapikit ako ng mariin dahil wala man lang akong suot na short. Tanging tong lang suot ko dahil suggestion iyon ni Anna, para raw hindi magbakat dahil fitted at maikli ang suot ko.

Natigilan lang ako sa paggalaw ko nang mapasulyap ako sa pintuan. Hindi ko kilala kung sino ang kakapasok lang, lalake iyon na naka all black. Para siyang kasama sa isang secret agent o basta ganoon. Natigilan ang lalakeng iyon. Nanlalaki ang mata at napatalikod kasabay ng pagpasok ni Yrony.

"Oh, anong problema—shit! The fuck?" Mabilis ang lapit sa'kin ni Yrony at bigla akong tinabunan ng puting blanket.

"Fucking leave, Kyle!" Bulyaw nito sa kasama niya. Kyle?

"What do you think you are fucking doing?" Galit na namang sambit niya kaya napasulyap ako sa kanya.

Umawang ang labi ko sa pinakitang galit niya. Teka nga? Ano nanaman ba ang ginagawa ko at galit nanaman siya?

Kidnapping Miss KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon