4(Part2)

365 11 5
                                    

Mabilis ang paglakad ko para pumasok sa isang pintuan na paniguradong comfort room o basta ewan. Gagi! Naiihi na talaga ako.

"Miss, Maligo ka na rin muna." Kumatok yung babae habang sinasabi iyon. Kaya pagkatapos kong umihi ay sinilip ko siya.

Nakangiti ito habang iniaabot ang damit.

"Salamat," sinserong sambit ko.

"Bilisan mo na lang, please. Baka makita ka na hindi nakatali, ako ang mapapagalitan," nag-aalalang sambit niya.

Tumango ako sa kanya. Mabait siya sa'kin kaya hindi na ako magiging pasaway. Tatakas ako, pero siguro yung hindi siya masisisi. Baka mamaya siya yung paputukan ng baril ni Yrony, hindi naman iyon kakayanin ng konsensya ko.

Naligo ako gaya ng sabi niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng bathroom. May bathtub, may shower at malaking salamin.

Nang matapos ay lumabas agad ako. Isang puting bistida ang binigay niya sa'kin. Pagkalabas ko ay tinignan niya agad ako. Umawang ang labi niya at napakurap-kurap.

"Ah. Thank you pala," sambit ko sa kanya rason ng pagtango niya. Napakurap-kurap pa siya na animo'y nawala siya sa sarili.

"W-Wala 'yun. Gusto ko pa sanang huwag kang itali, pero baka lang bigla silang pumasok," napapakamot na sambit nito.

Bagsak ang balikat ko na bumalik sa kama at hinayaan siyang itali ako. Umalis siya pagkatapos non.

Nakaupo na ako ngayon at hindi na nakahiga habang nakatali, medyo komportable na dahil kanina ay halos hindi ako makagalaw.

Napabuntong hininga ako at napatulala na lamang doon ng halos isang oras. Walang kasama si papa sa hospital. Ang tanga-tanga mo, Zay! Mas lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa pinasukan mo.

Sino na lang ang titingin kay Papa sa hospital? Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong punasan ang mata ko nang manlabo iyon dahil sa luha, pero hindi ko magawa dahil sa nakataling kamay ko.

Naubos ang oras ko sa kakaiyak at kakaisip kay Papa. Ang sabi ko hindi muna ako tatakas at magpapalakas muna ako, pero ang isiping walang kasama si Papa ay nagpapasikip ng dibdib ko. Dapat kailangan ko ng makatakas ngayon. Si papa. Baka bigla siyang magising tapos wala ako sa tabi niya.

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko na may tali, at halos umawang ang labi ko nang maramdamang lumuwag iyon. Napasulyap ako sa likod ko at nalaglag ang panga nang tuluyan iyong natanggal.

Shit! Pero mabilis akong bumalik sa pagkakaupo at sinubukang ilagay ang tali sa kamay ko nang gumalaw ang doorknob. Pumasok si Yrony at huli na nang mapagtanto kong hindi ko pa napupunasan ang luha sa mata ko, paniguradong may bakas pa ng luha ang mata ko ngayon.

Binaling ko sa kabila ang tingin ko. Makapal na kurtina iyon na black kaya hindi ko alam kung umaga na ba talaga o gabi na.

Narinig ko ang buntong hininga niya at lumapit sa kurtina. Halos napapikit ako nang buksan niya iyon at hindi maiwasang nabigla ang mata ko sa biglaang pagliwanag ng buong paligid.

"You cried?" Tanong nito kaya napamulat ako. Nakaharap na ito ngayon sa'kin.

"Alangan namang tumawa ako," sarkastiko kong sambit sa kanya. Shit! Umayos ka, Azaylie, baka biglang paputukan ka ng bala niyan.

Napatikhim ako bago muling magsalita.

"Anong oras na?"

"What do you want for lunch?" Pabalik na tanong niya.

"Wow? May menu ba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Just tell me what do you want," masungit na sambit niya sa'kin, pero imbes na sabihin ay nagkunwari akong nakakatihan.

Sinubukan ko ang lahat para matakpan ang kamay ko na natatabunan lang ng tali habang nagkukunwaring nakakatihan sa bandang balikad.

"Ah. Yrony, p-pwedeng pa kamot? Makati kasi yung balikat ko," malambing kong pakiusap.

Umigting ang panga niya at talagang kitang-kita na hindi siya naniniwala.

"You are doing it again to seduce me," seryoso niyang sambit na para bang siguradong-sigurado siya.

Napairap ako.

"Puro ka seduce! Kung ayaw mo, ipatawag mo na lang yung si yung kasama mo kanina. Yung gwapong kasama mong pumunta rito. Kung ayaw mong kamutin, siya na lang ang kakamot—"

"Saan!?" Iritang tanong niya.

Natigilan ako at nalaglag ang panga ko nang lumapit siya ay kinamot ang balikat ko. Hindi ko maiwasang matawa habang nakatingin sa kanya dahil kitang-kita ko na labag na labag sa loob niyang sundin ako.

Masungit pa rin ang mukha niya at masama ang titig niya sa balikat ko habang kinakamot iyon. Kakaibang kuryente ang naramdaman ko sa paglapat ng daliri niya sa balikat ko. Kinagat ko ang labi ko at napansin ko ang pagsulyap nito roon.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi nito sa bar. Napasulyap ako sa labi niya at naalala ko kung paano ako non inangkin.

"Paano ba kasi yung tamang paghalik? Sabi mo kasi tuturuan mo ako," wala sa sariling sambit ko sa kanya habang nakatingin sa labi niya. Pakiramdam ko nahihinoptismo ako ngayon ng labi niya.

Kidnapping Miss KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon