•Mb12•

81 2 0
                                        

Pagkatapos magsuot ng boxer short na tinernuhan ng puting T-shirt ay domeretso na kaagad si Mathew sa veranda ng kuwarto niya ngayon. Habang dala dala sa isang kamay ang isang pakete ng sigarilyo at lighter na nakatago lang sa drawer niya ng mahabang panahon. At sa kabilang kamay naman ay hawak niya na ang kaniyang cellphone ngayon. Napangisi siya ng tiningnan naman ang hawak niyang yosi ngayon. Sino ang magaakala ngayon gabi, na babalik na naman siya sa pagyoyosi. Naalala niya dalawang taon na rin pala ng iniwanan niya na ang paninigarilyo, nang maging sila ng nobya niyang si Trixcia ngayon.

"One stick for tonight it's enough, Matt. Rinig niyang pangaral na ng kabilang isip niya ngayon. Pinaipit muna niya ang kaniyang cellphone sa boxer na suot niya saka sinindihan ang yosing nasa bibig niya na ngayon nakaamba. Mula sa kinatatayuan niya ay madilim din sa parteng iyon, kung saan siya nakapuwesto ngayon. Pero hindi iyon hadlang para hindi niya mapagmasdan ang kabuohan ng hardin nila ngayon. Mula sa liwanag ng buwan at sa kinatatayuan niya ngayon ay kita niya rin ang linaw ng tubig na nagmumula sa pool.

Tsk. Maybe I need to cool down a lot tonight. Anas na niya sa sarili ng maramdaman na naman ang maalingsanga hangin na panaka nakang dumadampi na sa nakalantad niyang balat ngayon. Iniiwas niya muna pansamantala ang paningin niya roon. Saka idinala sa ire, kasabay ng pagbugha ng maykakapalan na usok na nagmumula sa sigarilyong hinihithit na hawak niya ngayon.

Nakita niyang pansamantala iyon tumakip sa buwan. Napabalik lang bigla ang tingin niya sa isang madilim na parte ng pool, nang maagaw naman ang kaniyang pansin niya ng may marinig siyang isang bagay na nabasag roon. May tao roon, at alam niyang kararating lang nito roon. Dahil wala pa naman ito roon kanina O baka nandoon na iyon at Hindi niya lang napansin.

Sa Simula pa lang, hindi nga lang niya napansin iyon kanina. Ayaw niya na sanang pagkaabalahan pansinin ito. Dahil baka isa lang din ito sa mga katulong nila sa mansion, na palaging inuutusan ng kaniyang Ina. Na mag dilig ng bagong tanim na halaman nito. Nakahiligan na kasi nito ang ganitong gawain, ang magtanim ng mga iba't ibang bulaklak. Pag may libreng oras ito sa pag-aasikaso sa bahay at sa Ama niya. Sa isipin, ay naikuyom niya naman bigla ng mariin ang kaniyang dalawang kamao na nakahawak na ngayon sa raillings ng veranda niya. Nang maalala naman ang sagutan nila ng kaniyang Ama kanina.

Ang dami talaga itong nalalaman pakulong ginagawa, katulad na lang ng pagpapakasal niya sa anak ng kumpadre nito, para i-trap lang siya sa kompanya nila. Saglit ay napahilamos na lang siya ng kaniyang mukha, ng bigla na lang tumunog ang kaniyang cellphone. Na nasa gilid niya lang sa boxer short niya nakalagay. Kunot ang noong kinuha niya naman ito mula sa pagkakaipit roon at binuksan. Ang kaninang frustration na nararamdaman niya kani kanina lang lang ay bigla na lang nawala ng makita ang pangalan ng tumawag.

"Hi Hon, tumawag lang ako, para i-check kung nakauwi kana ba sa bahay niyo? Bungad kaagad nito pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag nito ngayon.

Napangiti ng malawak. "Don't worry, hon, nasa bahay na ako ngayon. You? Have you eaten? How your sleep? Sunod na sunod na tanong niya na rito, pagkatapos na sagutin ang tawag nito. Dahil, kahit hindi niya sinasabi rito ngayon ay, naguiguilty pa rin siyang iniwan niya ito kanina. Pagkatapos na magoverthink ito. Narinig niya naman tumawa lang ito ng mahina dahil sa mga sunod na sunod na tanong niya rito ngayon.

"Relax ka lang, Mr. Hindi ako papayat, kahahatid lang ng pagkain ni Ana sa kuwarto ko, kaya I'm full na. Rinig niyang natatawa ng sabi nito sa kaniya sa kabilang linya.

"And tungkoI naman sa pagtulog ko. I was sleepy earlier, but now that I've talked to you, I'm not. Ikaw kasi, ang gamot na pangwala ng antok ko, eh.

Dagdag na sagot naman nito sa kaniya muli sa kabilang linya. Na mas lalo pang nagpangiti ng malawak sa kaniya ngayon.

The Beast Stealing- 1 || Unedited ||CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon