•The Date14•

74 2 0
                                        

Tanghali na rin nang magising si Mathew. Buhat ng usapan nilang magkakaibigan kagabi sa viber. Pagkatapos kasi ng mainit na usapan nilang magpamilya kagabi ay dumeretso na kaagad siya sa silid niya at nakaupo na sa kamang binuksan ang laptop. Para advance na pagaralan muli ang mga stock sales ng kompanya nila na isang Feed mill Manufacturer. Kung saan ang pangunahin produksyon nila ay gumagawa ng mga pagkain ng hayop gaya ng manok, baka, babóy at iba pa. Ipinamana na kasi ito ng Daddy niya sa kaniya, pagkatapos mamayapa ng kaniyang Lolo Matias sa kaniya. Pero gayong paman, kahit Malaki ito at tumatakbo naman kahit papaano ng maayos sa pagmamalakad niya. Ay para sa kaniya ay hindi pa rin iyon sapat sa kaniya,dahil may pa siyang gusto pang makuha rito bukod dito. Na Hindi pa binibigay ng ama niya. Iyon ay walang Iba kundi ang rancho na pagmamayari ng Lolo niya na nasa bukidnon.

"Yow, bro. Kalat na kalat na talaga sa social media ang proposal mo kay Trixcia, ah. Bungad kaagad ni Brix ng i-accept niya ang group bidyo call nito para sa kaniya.

"Grabe bro, iBang iba kana, hindi kana talaga tuloy namin mareach.. Diba mga tol?! Pabirong dagdag pa na sabi rin nito sa kaniya. Nakita niyang kinangsangayunan din naman ng mga kaibigan niya ang komento nito ng makitang nagtanguan din ang mga ito. Para ika ngisi naman niya.

"Mga gago. Burahin niyo nga ang mga iyon. Alam niya kasing ito ang mga nagpapalaganap ng mga kaganapan sa relasyon nilang dalawa ni Trixcia sa social media ngayon.

"Nah bro. Kahit burahin pa namin iyon, mismong pinost namin. Sa dami ba naman ng estudyante sa University. Ay tiyak paniguradong ang iba roon ay nagsikuhanan na ng mga iyon ng vidyo niyong dalawa ni Trixcia. At nakashare na iyon sa iba't ibang plattporm dito sa pilipinas, kaya wala rin. Kaya Wala kanang magagawa, bro. Kundi makiride. Si Brix na ang nagsalita at si Ram naman ay todo iling lang habang nakangisi na ngayon sa screen. Inis naman niyang tiningnan ang dalawa.

Tsk. Sabagay may punto rin naman ang kaibigan niyang si Brix. Napangisi na lang siya, kahit papaano may matino rin pala itong naisasagot sa tanong niya. At isa pa, diba ito naman Ang gusto niya na ipaalam sa buong Mundo kung sino Ang taong mahal at Ang girlfriend niya. So bakit Hindi na lang Siya makiride. Katulad ng sinasabi nito sa kaniya ngayon sa mga nangyayare sa paligid niya. Sambit naman ng isip niya ngayon na sinamahan pa ng pag ngiti.

"Bro, kamusta nga pala ang bagong na engaged? Masaya ba o tumamlay na? Si Alexis na tawang tawa ng tanong sa kaniya ngayon, habang Ang dalawang si Ram at Brix na pagsipol lang sa narinig Kay Alexis. Na ewan niya ba sa Tanong nito, kung maiinis ba siya sa tanong nito sa kaniya ngayon. Knowing na may namumuong kumosyon sa kanilang dalawa ng kasintahan niya kanina, bago niya iniwan ito sa bahay nito. Kung hindi lang sana niya ito kaibigan ay matagal na niya itong binigwasan sa mukha nito at nilaglag sa groupo nila.

"Ayos lang naman bro, heto't masaya. Sagot niya naman sa tanong nito sa kaniya. At mula sa screen ay nakita niyang umasim ang buong mukha nito ngayon sa narinig mula sa kaniya. Hanggang ngayon better pa rin talaga ito sa pagkasal ang pinaguusapan. Palagi kasi itong pinipilit ng ama nito na magasawa na sa edad nito ngayon na desisais. Nakita niya naman sa screen na nakikinig lang ang mga kaibigan niyang sina Brix at Rameses sa palitan saglit ng usapan nilang dalawa ni Alexis.

"Guy's.. Mayamaya ay agaw pansin ni Rameses sa kanilang tatlo. Pupunta kaming dalawa ng palawan bukas ni Anie. Dating gawi na naman. O ano, sama kayo? Pag-aaya na ni Rameses sa kanilang tatlo. Ang tinutukoy nitong Anie ay ang bagong kaf*ckbuddies nito na isang anak ng guidance counselor sa kanilang University.

"Woah! Bago na naman iyan bro ,ah? Si Brix na ngayon lang nalaman kung sino na naman ang bagong pinag-kakaabalahan nitong babae ng kaibigan ngayon.

"Pass na muna ako riyan mga bro. May balak na akong iba bukas. Siya na tanggi na kaagad niya sa kaibigan niyang si Rameses, na ikinaiba naman ng timpla ng mukha nito.

The Beast Stealing- 1 || Unedited ||CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon